Chapter 5; Bow Down

1.2K 67 3
                                    

"Princess?"

Napahilot nalang ako sa ulo ko nang maalala yon.

Mag Isa lang ang dating Amadeia nun eight years old can you imagine?

"Patricia punta tayo sa garden, gusto kong magkape." May garden dito diba? Gusto ko doon, sa mga nababasa kong fairytale bawat palasyo may garden.

Tsaka mas gusto ko ang garden kaysa sa library. Ang cliche kaya nang library. Bat ba laging doon ang scene? Sa library?

"Princess? Kape? Masyadong matabang ang kape at hindi ka pa nakakainom ng kape!"

Ah! Oo nga pala! Para rin pala akong nasa fairytale! Bakit ko ba nakalimutan?

Binigyan ko sya nang matalim na tingin. "Basta! Bigyan mo ako nung mainit na inumin at iinumin ko sa garden!"

"Mainit na inumin?"

Aba! "Dapat ko bang laging inuulit sayo?"

Namula sa takot si Patricia at mabilis na umiling- iling. "H-Hindi po!! Kukuha na po ako nang tea!!"

Tinignan ko syang nagkanda dapa-dapa kakatakbo nya.

Very good. Ganyan nga.

Nagpatuloy ako sa paglilibot ng napahinto ako at may naalala.

Yung garden saan nga?

Bat ko ba pinaalis si Patricia kaagad? Pinatunayan ko lang na engot ka talaga eh! Hindi ka nag iisip!

Ibang klase ka talaga Amadeia! South? West? North? East? Saan yon?! Nasaan nga ako?!

Sarap palakpakan ang sarili ko eh.

"Fae tignan mo toh kung sinong naligaw rito!" Nandidiring tinignan ako nang babaeng may orange na buhok.

At yung Fae naman na pula ang buhok at ganun rin ang tingin na binibigay sakin. "Abah! May bagong mukha rito ah!"

Blangkong tinignan ko ang mga babaeng ito, nakasuot pa sila nang mga maliit na damit. Napakaiksi.

Sa mga bata yata yan eh kinuha nila.

"Sino kayo?" Tanong ko sakanila.

Nagtawanan ang dalawang babae at tinignan nila akong dalawa ulo- hanggang paa.

"Hahaha! Tignan mo tong isang to!" Nilapitan ako nung Fae at inikutan nya ako.

Sino ba ang mga ito? Nang galing sila sa isang pinto.

Nabigla ako nang hawakan nung Fae ang palda ko. "Mukhang malaki ang pera na nakuha mo ah! Baka naman pwede mong sabihin samin ang sekreto mo?"

"Anong sabi mo?" Malaking pera? Sino ba ang mga ito at papaano sila nakapasok sa palasyo?!

"Hoy babae! Wag mo kaming taasan ng boses! Baka nakakalimutan mong dalawa kami rito kayang- kaya ka namin dispatsahin!" Hinawakan nung jsa ang balikat ko at bahagyang tinulak.

Dispatsahin nila ako? Kaya ba nila ako sa katawan kong ito? Nag papatawa ba sila?

"Hush Lina! Tignan mo nga katawan ng babaeng yan! Baka pinasuso nya ang mga knights kaya napakalaki nang kita nya! Hahaha!! "

Ha! Halatang flat chested lang kayo. Hindi nyo pa ko kaya at sa mga sinabi nila may idea na ako kung ano at sino ang mga babaeng to, at sa mga ugali nila? Sanay na ako dyan.

Pinagpag ko ang balikat ko na hinawakan nung Lina at pinagpag ko rin ang bahagi nang palda ko na hinawakan nung Fea.

Pinag kross ko ang mga braso at tinignan ko silang dalawa. "Prostitutes, whore, bitch, slut, parausan, puta ganun kayo kung tawagin hindi ba?"

No Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon