Chapter 42; Star Circle

214 13 0
                                    

Tinignan ko ang mga kamay kong nanginginig.

"Ano? Ano na Amadeia? Lalaban ka pa? Ha?"

Tinulak- tulak ako nina Berta at habang ang hintuturo nya ay nasa noo ko.

"Wala pa lang laban anak ni mayor eh!"

"Correction! Anak sa labas lang yan!"

"Ni wala ngang pakealam si mayor dyan eh."

Pinakinggan ko lang sila, 11 years old. 11 years old ako nang nasali ako sa frat na pinamununuan ng step mother ko.

"Tsk! Ilabas nyo nayan! Kailangang dadaan yan sa tradisyon!"

Tradisyon? Nanginig ako sa takot ng nakangisi at natawa ang mga taong nasa paligid ko.

"Wa-wag!!! Bitawan nyo ko!!" Bakas ang takot at kaba sa puso ko habang kinaladkad ako nang dalawang lalaki. Sinubukan kong manlaban pero anong laban ng 11 years old sakanila?

"Hahahaha!!! Ayan naaa!!!"

Akala ko,

Akala ko katapusan ko na.

"Amadeia buksan mo na ang mga mata mo!! May sopresa kami sayo mahal na prinsesa!! Hahaha!!"

Wag!!

"PRINCESS AMADEIA!!!"

Napabalikwas ako nang bangon. Habol hininga at puno nang pawis.

"So-Solomon?" Tawag ko sa pangalan ng taong nasa harapan ko.

Nag aalalang niyakap nya ko. "Ssshhh. Hindi ko na itatanong anong nangyari. Kalma kalang. Nandito ako, nandito kami ni Chamberlaine." Bulong nya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

Napapikit nalang ako at dinama ang sinabi nya.

Akala ko babalik na naman ako lugar nayon. Akala ko lang pala talaga lahat ng yon.

"Ayos na ako Solomon." I tapped his arm.

He break the hug and I give him a assuring smile. I'm fine. I collected my emotions now.

"Nasaan pala si Bree?" Hinanap ng mga mata ko si Bree. Wala sya. Nasanay lang ako na silang dalawa makikita ko pagbukas ng mga mata ko.

Solomon smiled at me. "Emperor Charlamagne has arrived. Gusto mo na ba makausap? Mukhang hinahanap ka rin nya."

Ah.

Oo nga pala. Nakalimutan ko, ha.

"Sige. Mag a-ayos lang ako tsaka ako bababa." He kissed my forehead and exited the room.

Napa hinga ako nang malalim.

"Hindi ko nakakalimutan ang araw nayon." Ani ko nalang habang inaalala ang kinalakihan ko sa earth.

Yung gigising ka sa umaga na walang pagkain sa kusina. Yung tanging karton tsaka foam, manipis na unan lang ang kasama. Yung mangungutang ka pa sa tindahan para may makain ka sa umaga at maglalakad ka patungong paaralan.

Tapos hindi mo alam, late ka na pala. Papaano ba naman wala kayong orasan at umaasa kalang sa tiktilaok ng manok na pag mamay-ari ng kapitbahay.

Flag ceremony kasalukuyan, naghihintay ka nalang sa gate kasama ang mga kaeskwela.

No Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon