Chapter 15; Orleans Secret

773 45 0
                                    

Luis?

Hinawakan ni Ludwig ang kamay ko at dinala ako malayo sa mga mata nang tao.

At nang nakalayo na kami. "Anong ginagawa mo rito?"

"ikaw? Kakakita lang kita kanina nandito kana." Nakangisi kong saad habang tinignan ang kabuoan nya.

Anong drama naman to? Outfit of the day?

"Your not allowed to go outside the palace without permission of your guardians! Gusto mo bang ma probation ulit si Commander Solomon dahil sa ginagawa mo?!"

Pinansingkitan ko sya nang mata. Sa totoo lang yon lang ang kaya nilang gawin Kay Solomon probation. Bakit? They can't fire him or relocate him. Because his more useful.

"So? Gawin mo wala naman akong pakealam sakanya. At anong guardian ang sinasabi mo? Yong mga katulad mo? Kailan pa kayo naging guardian ko?"

Mariin nya akong tinignan at naging marahas ang sunod- sunod na paghinga nya. What's wrong with this dude?

"Kahit na Amadeia! Makinig kang mabuti. Bumalik ka na ngayon din sa palasyo. Sa palasyo na tayo mag usap okay ba?"

Ganun nalang yon? Binalik ko ang tingin sakanya. "Bakit ko susundin ang mga sinasabi mo?"

Hinawakan ni Ludwig ang braso ko at pinalapit nya ako sa kanya.

"Ano ba bitawan mo ako!" Singhal ko sakanya kasi mas nagiging mahigpit ang hawak nya sakin.

"Amadeia may mga kailan kang sundin at iwasan. Isa ka na ngayong Amadeia kaya kung maaari sundin mo ang mga tungkulin mo bilang Prinsesa." Binitawan nya ang braso ko.

Hinaplos ko ang braso ko at ang walangyang lalaking to yumuko pa sa harapan ko. "Ang nakikita mo ngayon ay ang katauhan ko bilang Luis. Si Luis na isang taga pagligtas ng town hall." Anong sinasabi nya?

Hindi na sya in disguise? Commoner? Sa mukhang yan mukha ba syang commoner?

"Umalis ka na rito."

Tumalikod na ako sakanya at nagpakalayo-layo sa lugar nayon.

Tutal nagawa ko na naman ang kailangan kong gawin na pasama lang yong mga huklubang lalaking yon.

Pagpasok namin sa sekretong lagusan para sa mga maid lang ay nagulat ako nang makita si Lewis at Solomon na nakatayo sa harapan ng pinto.

"Princess." Nangangambang tawag sakin ni Patricia.

Nilingon ko sya at binalewala ang dalawa. Binigay ko kay Patricia  ang sombrero ko.  "Umalis ka na Patricia at ihanda mo ang mga mainit na tubig."

Tumango naman sya at mabilis na umalis sa harapan namin.

"Saan ka nanggaling?" Tanong ni Solomon.

Tinuro ko ang labas. "Doon."

Napangiwi naman sya. "Saan princess."

Napaarko ang kilay ko sa pagkakasabi nya. "Please specify kung anong saan ang tinutukoy mo."

Magsasalita na sana si Solomon nang naunahan na sya ni Lewis na sinusuri ang kabuohan ko. "Anong ginagawa mo sa labas ng palasyo Amadeia? Hindi mo ba alam na delikado sa labas ng palasyo?"

Umiling ako. "Nakalabas na naman ako at gusto ko lang personal na bumili nang damit para sa engagement party." I honestly told him.

No Fairytale (COMPLETED)Where stories live. Discover now