Chapter 25; 👀

331 21 0
                                    

Bumalik kami ni Chamberlaine para sa pagalis namin ng makasalubong namin si Hanna na tumatakbo papunta sa amin.

"Milady nandito na pala kayo, handa na ang-"

Napahinto sya sa pagsasalita at tinignan ang kasama ko, yumuko sya. "Greetings to the prince of York."

Ang awkward.

Sinulyapan ko si Chamberlaine. Nakatingin lang sya sa harapan naming si Hanna.

Wala ba syang sasabihin?

Hinawakan ko ang balikat ni Hanna at pinatayo ko sya nang tuwid. "Hanna tumayo ka na wag mo nang galangin yan. Hindi naman sya kagalang- galang."

"Hey! I am right here! I'm still a prince!"

Alam ko.

"Wag mo nalang syang pansinin Hanna, nakahanda ana ba ang lahat sa pag alis ko?"

Tumango sya sakin at tinuro ang karwahe sa gilid. Good. It's all settled.

"Where's the coachman?"

Anong coachman?

Nilingon ko si Chamberlaine. "Ikaw ang magiging coachman."

Napakamot sa baba nya si Chamberlaine at pinuntahan nya ang karwahe na maniniubrahin nya.

Inikutan nya nang ilang beses at tinanong nya kami. "Are you serious?"

"Yep."

Napahawak sya sa bibig nya at napatingin sa langit.

Nagdadasal ba sya?

"In my whole life I never thought this would happen."

Ang oa naman.

Nang may humila sa suot ko ay nilingon ko si Hanna. "Magiging okay lang ba sya?" Bulong nya sakin.

Mukhang iniisip nya si Chamberlaine.

"Oo naman, magiging okay lang sya wag kang mag aalala dyan." Pag sisigurado ko sakanya.

Ano namang mawawala kung maniniubrahin ni Chamberlaine ang sasakyan diba?

Binalik ko ang atensyon kay Chamberlaine na pinag suklaban ng langit at lupa.

"Sasama ka sakin diba? Nagpadala ako nang liham sa kapatid ko na may napulot akong kaibigan na gustong magpahatid sa Canmore. Commoner ang akala nila." Totoo yon.

As if namang kaya kong makaalis sa Orleans ng ganun kadali diba?

Haharapin ko pa si Lewis at Ludwig.

"Kaya tayo na, kailangan nating mag madali para mabilis nating mapuntahan ang Canmore." Utas ko sakanya.

"Ha? Anong tayo? There no us! There's never been us!"

I scoffed at his antics.

Hinawakan ko ang kamay ni Hanna.

Mamimiss ko rin tong pag alaga nya sakin.

Sanaol diba. Inalagaan. "Harriet kong ayaw mo nang mag trabaho rito sa Markley pwedeng- pwede ka sa Orleans okay? Magsisigaw kalang sa labas ng palasyo, isigaw mo lang pangalan ko dadating ako."

Natawa naman sya sakin at kinabigla ko ay niyakap nya ako!

"Hahaha, impossible po yon. Halos triple ang sahod ko pero kung baka i-ten times mo milady kusa na akong sasama sainyo."

No Fairytale (COMPLETED)Where stories live. Discover now