Chapter 20; Stars

605 26 0
                                    

Nakatungangang tinignan ko ang maid na nabigay sakin.

Hinablot ko ang suklay at tinapon sakanya.

Sapol naman kaya napahiga sya hawak hawak ang noo nya.

"Princess!!!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Wag mo kong titigan alam kong maganda ako kaya pwede ba? Tama na. Sawang- sawa na ako." I flipped my hair.

Kanina pakami natapos pero sya mas pinili nyang titigan lang ako habang nasa harap ng vanity.

"Kaya nga po. Hindi nga lang kalevel ng crown princess Amelia."

Sinamaan ko sya nang tingin. Narinig ko yon.

"Hindi ko hinihinhingi ang opinyon mo. Umalis ka na nga Hanna!"

Lumabas ulit ang mahaba nyang nguso. At pinagtagpo ang mga hintuturo nya. "Harriet po ang pangalan ko."

Anyway hindi naman importante kung ano ang pangalan mo.

Kukunin namin ang artifact ngayon.

"Teka Solomon anong Ibig sabihin ng blessing of the graces?" Tanong ko.

Ayon sa libro, pagkatapos nilang hatiin at pangalanan ang limang kontinente.

May sinaad si Windsor,

"Ahh, isang gabi nun at puno nang bituin ang langit. Si Windsor, Markley, Canmore, Mountbatten at York ay nakatingin sa kalangitan at lahat sila ay nakarinig ng isang boses. Boses yon ng lalaki at babae."

Parang nasa story book lang.

"Sila ang anak at kauna- unahang lalaki at babae sa mundo natin. Sina Adam at Eve. Sinabi nila sa limang magkaibigan na bawat Isa sakanila ay mabibigyan ng kakayahang paghabang- buhay. Hindi sinasabi kung anong kapangyarihan ang mga yon pero may masabi naman tungkol sa mga artifact. Bawat Isa sakanila ay binigyan ng artifact or ang tinatawag nilang blessing of the graces."

"Ano naman yon?"

"Ewan ko. Masekreto ang boung kasapi nang Star Circle kaya ewan ko kung anong nasa artifact nayan pero sabi nga diba blessings of the graces. Pangalan palang makapangyarihang na."

Walang silbi.

Yon ang sabi nya. At nang sinabi ko naman kay Chamberlaine ang artifact mukhang wala syang alam tungkol doon.

Papaano namin makukuha yon kung mismong di namin alam kung anong itsura nun?

Binaba ako ang listahan ko.

1. Find the reason why did I transmigrate and entered this body?
2. Solve the mystery behind the kidnapping of Amadeia's mother.
3. Make peace and make your enemies closer to you.

Yon ang gagawin ko.

My goals. Tatlo lang.

Imbes na dumaan ako sa pinto o sa balkonahe.

Pumuslit ako sa bintana at doon tumalon- talon.

Wala namang guard kaya maayos lang akong nakababa.

"Your passage way is much more dangerous than mine."

No Fairytale (COMPLETED)Where stories live. Discover now