Chapter 11; Mad Woman

899 49 0
                                    

Hindi naman malaki ang mga sea spiders hanggang bewang ko lang naman sila haha!

Basa na nga ako.

Hiniwa ko ang paa nang Isa at siniko ang isang sea spiders sa likod ko.

Natawa ako nang nakita ko na naman ang itim na dugo na tumalik sa pagkakahiga ko sa ulo nito.

"Hahaha!!"

Nilipat ko ang atensyon sa sea spiders na nasa likod ko.

Bumubuga nga ito nang blue flame at natamaan ang likod ng leeg ko. Medyo mahapdi pero kaya namang i-endure.

Hinati ko ito sa dalawa at tinignan koo ang mga kasamahan ko.

Isa- Isa silang may hinaharap na sea spiders. Tsk akala ko pa naman nakakatakot talaga. Hiwa- hiwa lang naman ang ginagawa namin.

Pero nakakatamad gamit to ah grabe.

Ang dami pa naman nila. Tignan mo nga ang mga knights nato.

Basa ang lahat at may dugo nang mga sea spiders ang mukha, kamay at leeg nila.

"Yah!!" Hiyaw ko saka ko tinalunan ang isang sea spiders at tinusok ko sa ulo ang espada nya.

"A-Agh!!" Napatingin ako sa kalayuang dereksyon. May isang babae doon! Parang nalulunod!

Nang bumagsak sya ay tumalon na ako pag baba. Lumangoy ako sa kinaroroonan ng babae.

Papaano ba sya napunta dito?!  Hindi nya bq alam na inaatake ang Orleans Kingdom ng sea spiders?! Ang pabaya nya ah!

"Princess Amadeia!!!!"

Kumaway ako para makita ako ni Solomon. Mas binilisan ko rin ang paglangoy.

I am alright Solomon! Wag mo ngang isigaw ang pangalan ko.

"Hoy! Ayos ka lang?!" Sigaw ko sa babae.

Naka baba ang ulo nya at nakalutang lang sya. "Hoy! Buhay ka pa ba?!"

Mas lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang mukha nya at pinaharap sakin.

Pero nabigla ako nang pagtaas ko nang mukha nya ay nakabukas ang mga mata nya at nakangisi pa sya sakin.

Nabitawan ko ang mukha nya at agad sumalubong sa mukha nya ang kamao ko. "Aaaghhhhhh!!!!" Sigaw ko nang bumaliktad ang katawan ng babae.

"Princess Amadeia!!!!"

Anong nangyari sa babae?

Patay na ba to? Pero nakakatakot yung mukha nya kanina. Mukha syang si Chuckie at Anabelle na pinag Isa. Nightmare.

Siguradong mapapanaginipan ko to.

Napalunok ako at inabot ko ang kamay nung babae sa bandang pulsuhan.

Buhay pa naman. Para akong nakahinga nang maluwag dahil sa nawala na ang tinik sa lalamunan ko.

"Princess Amadeia!!"

Nilingon ko si Solomon na nasa likod ko na pala. Nag aalala nyang hinawakan ko ang mgakabila kong balikat at pinaharap sakanya. "Ayos ka lang?! Anong nangyari?!" Nag aalala nyang tanong.

Ah, papaano ko ba to ipapaliwanag?

Tinuro ko ang babae sa likod ko. "Nakita ko sya, buhay pa naman sya Solomon."

Sinulyapan ni Solomon ang nasa likuran ko. "Ah, baka nahypnotize sya. Isa sa mga abilidad ng mga sea spiders ang Mang brainwash at mang hypnotize nang mga biktima nila para lunurin sa ilalim ng karagatan."

No Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon