Chapter 2; Bad Princess

1.5K 67 5
                                    

(Nag troll lang po ako sa first chap. Wala pa po si Sammy ah. Wala pa. Teaser lang yon kumbaga.)

Tignan mo nga naman, nasa saan ba ako ngayon?

Wala na ako sa squatters area ah. Mayaman na ako. Ha!

Napangisi ako at hinawakan ang gintong salamin nato. Ang gara pati salamin ginto na.

Pagkagising ko sa isang malambot at malaking kama, malaking kwarto na puro ginto. At ang mga bulaklak sa paligid. Eh? Bulaklak? Nakakadiri.

May patay ba?

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Ganda nang mukhang to. Ano to reincarnation? Ang cute na maganda!! Tiyak na mas maganda ako pag nag bawas pero okay narin na chubby ako! Ang cute!!

Kinurot ko ang malambot at malusog kong pisngi.

At napamaang ang bibig ko nang parang nah bounce back ito.

"Woah!!!"

Pwede nang national treasure ang mukhang to!! Pwedeng- pwede sa billboard.

Nilibot ko ang tingin sa boung kwarto. At ang tanging makikita ko ay gold.

Shet. Mayaman pa ako. Bonus na!!

"Princess? Princess gising ka na po ba?"

Nagpataas ang kilay ko nang may pumasok sa kwarto.

May anim na maid na pumasok. Gara anim ang maid ko?

Pero tiyak ko Isa sa mga ito ang leader.

Princess? Princess ang babaeng to?

Kung Prinsesa man ako! Ba't ako tinatrato nang ganito?!

Nakangisi sakin ang mga maid at ang Isa ay may hawak na bakal na sa dulo ay nag aalab na baga.

Hindi man lang sila kumatok.  "At sino ka naman?"

Tinaasan nya ako nang kilay. "Sa tingin mo makakatakas ka sa amin Princess?"  Nakangisi ang mga maid at yung lider ay lumapit sakin.

Napakunot noo ako nang may tinaas sya sa mga kamay nya.

Puta! Anong lugar to!! Yong mga suot nila parang yong, basta! Diko na explain! Kakaiba yong uri nang kasuotan nila!!

"Takot ka ba Princess?"

May binigay sakanya ang isang maid, isang bakal at sa pinakadulo nito ay parang bagaapoy na baga.

Ididikit ba nila yan sa makinis kong balat? No! Baka magasgasan ang katawang to!!!

Tinaas ko ang ulo ko at tinarayan sya. "Sinong tinakot mo? Tingin mo ba natatakot ako dyan?"

Sinong takot sa mainit na bakal? Eh ako nga napaso nang sigarilyo nakadikit na sa katawan ko! Yan pa kaya?

Humahalaklak ang mga maid sa sinabi ko. Ang limang mga maid ay hinawakan ako. Shit!!

"Hahahahaha!!"

Sige tumawa lang kayo!!

Yawa wala bang mga tao dito?! Yung maganda kong mukha dito oh!

"Princess o fake princess. Wala kang lugar dito!! Pag dating ng totoong anak ng hari at kapatid ng mga prinsipe. Babalik ka sa bukid na iyong pinanggalingan!!!!"

Ha. Hindi ko alam anong mga nasa utak nyo pero ang alaala nang dating Amadeia ay nasa akin parin.

Sa tingin ba nila masasaktan pa nila ako? Nag kakamali sila dahil hindi na ako yong mahinang Amadeia.

Lumaki sa squatters area ang isang to, sanay na ako sa mga  krimen at basag ulo.

"Halikana na Princess, wag ka nang matakot. Hindi ka naman masasaktan eh, sa kapal ba naman ng taba mo masasaktan ka?"

Ha! Nagawa kong kumawa sa pagkakahawak nila sakin at hinawakan ko nag hawakan ng bakal.

Hinintay nila ang susunod na mangyayari.

"Aaghh," ungol ko nang dumikit ang bakal sa balat ko.

"Princess!!!!" Sigaw nila.

Ilang segundo ay binigay ko sa leader nila ang bakal.

Binalik ko sakanila ang atensyon ko at parang bored akong nagsalita, nilagay ko ang baba ko sa mga palad ko. Kitang-kita ang paso sa pulso ko. "Tapos na, ginawa ko na. Ano pa ang kasunod?"

Sinuri ko nang mabuti ang mga mukha nila. Para silang nakakita nang multo, yon ang masasabi ko.

"Princess a-ano ang ginawa mo?" Nauutal na saad ng leader nila. Nanginginig ang mga kamay nyang hawak- hawak ang bakal.

"Tsk, ano ka ba naman. Ayusin mo ang pagkakahawak baka malaglag payan sa mga paa mo." Bored kong sabi.

Ako na nga nag aalala para sakanya oh.

"Princess Amadeia!! Kinakausap kita!!" Sigaw nya sakin.

Nawala ang bagot ko at binato ko sakanya ang bagay na nahawakan ko.

(Sfx; Bang!!!)

Dahil sa makapal na libro ang binato ko sakanya, napasalampak sya sa sahig.

"M-Mada'am!!!" Sigaw ng Ibang maid.

Lalapit pa sana sila nang sinamaan ko sila nang tingin. Napaatras naman sila.

Grabe, grabe talaga. Ang dating Amadeia na isang Prinsesa nang Orlean Kingdom ay minamaltrato dahil lang sa namatay ang Ina nya sa paganak sakanya.

And also, because this princess was believed to be fake, why fake? People are not convince that with the appearance of silver and blue sterling eyes signature Orleans noble gene. Even the royal family, the former Amadeia's father and brothers believed that Amadeia was corrupted with black magic.

They are just stupid enough to believe those rumors.

That's why growing up, Amadeia is fat she's over weight and obese at her age. She ate and ate because that's the only thing that was given to her as a sign of affection from her family member.

Every food that was served at her was stated, "Magpasalamat ka nalang at naiisipian pa nang mga Prinsipe na padalhan ka ng makakain kasi kung kami lang, hahayaan ka naming mabulok rito sa kwarto mo."

From the former Amadeia's memories she was thankful for that. That's why she ate it.

But for me, that's not the case kasi hindi naman ako ang dating Amadeia.

Meaning nun, wala na ang dating Amadeia. Ibang tao na ang nasa katawan nya at ako yon. Hindi ko alam anong nangyari pero ako na to. Ako ang kokontrol sa buhay ko at hindi ang dating Amadeia na hahayaan silang saktan at maliitin ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinukod ang isang tuhod ko tsaka tinaas ko ang baba nya para makita ang takot, pangamba at galit sa mga mata nya.

Aaaahh mga matang palagi kong nakikita.  "Anong karapatan mo para sigawan ako?" Diniinan ko ang pagkakawak sa baba nya kaya napangiwi sya.

"Pr-Princess Amadeia! Ano sa tingin mo ang gi-ginagawa mo sakin?" Nagawa nya pang magtanong.

"Ikaw ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Isa kalang kasambahay rito. Ako- ako ang Prinsesa. Kaya uulitin ko, anong karapatan mong sigawan ako?"




(Mag uupdate ako kasi lose streak ako sa ml. Balik na naman ako Epic. Kainis ah, hirap magbuhat ng mga random na pare-pareho ang role. Parang walang silbi ang dodge ni Moonton eh katigasan ng ulo ng mga tao eh. Pero reccomend nyo nga ako nang name na starts with letter A. Bakit ba ang hilig ko sa mga letter A?)

No Fairytale (COMPLETED)Where stories live. Discover now