Chapter 6; Meet Solomon

1.2K 64 1
                                    

"Princess!!"

Sinangga ko ang espada nya at sinipa ko sya sa tyan.

"Ahhh!!" Napasalampak sya sa lupa.

Pareho kaming naliligo nang pawis at habol ang mga hininga namin pero sya, napaka dumi nya.

Nginsihan ko sya at nilahad ko ang kamay ko sa harapan nya.

Ngumisi rin sya sakin at tinapon nya ang espada nya.

"Dugyutin ka Solomon. Hanggang ngayon Ikaw anim muna tong pagkatalo sakin." Saad ko.

Binaba ko ang kamay ko kasi mukhang walang balak na tanggapin nya ito.

Solomon being the usual Solomon playful. In the dirty training field he lay down!!

Nakakainis naman!!

"Talaga ba? Nakakahiya naman, binibilang mo pala."

"Tsk! Bumangon ka dyan! Parang hindi ka anak ng noble ah!" Sipa ko sa paa nya.

Pero imbes na magalit sya o mainit sa ginawa ko, napapikit pa sya habang ang mga braso nya ay nilagay nya sa likod ng ulo nya para gawing unan.

Meet Solomon, the third son of a Marquess. He have orange head and brown eyes, a little bit of tan that makes him appealing in the eyes of other ladies.

And I am not part of that.

The continuation of what happened that day, Patricia, me and the other knights where present at the quadrangle.

"Princess."

I nodded at Patricia served me the tea. I sipped my tea.

And it was, eewww!! Yuck!! Ano to?!

Mas pipiliin ko pa ang kapeng barako kaysa sa ganitong lasa! Ganito ba ang lasa nang tsaa? Bat ganito?  Nalasan mo na ba yong binibigay sa mga babae sa school para sa dugo raw? Ganito ang lasa nun at nalalasahan ko rin ang kaunting biogesic sa tsaa. Nakakadiri.

"Princess!!! Nagkamali po kami!!" Pagmamakaawa ni Lami. 

Iniwasan kong ipakita ang totoong ekspression ko. Ngumiti ako sakanya at binaba ang tsaa.

Hm?

Hawak- hawak ang tatlo ngayon ng mga guard. Namumula ang bahagi nang katawan nila na naexpose sa mainit na tubig kanina.

"Princess! Tama po kayo! Mali po kami nang binangga!! Hindi naman po namin alam na Ikaw ang Princess!" Ani naman ni Fea habang may kasama pang tulo luha effect sa mga mata nya.

"Ang isang pagkakamali ay pwedeng maulit- ulit. Kahit alam mong mali ay ginagawa mo parin ng paulit- ulit. Sa maling akala madami ang nasira at nawasak. Hindi nyo lang ako binangga, iniinsulto at tinuring nyo pa akong ka kapwa." Mukha ba akong prosti?

"Ano ba dapat ang itsura nang isang Prinsesa?" Mahinhin, matalino raw pero tanga- tangahan at kailangan pa nang knight and shinning armor para masolusyunan ang gawain.

"Papaano naman ako Princess?! Isa akong knight!"

Napabaling ako sa Antonio. Nakakadiri.

"Knight ba sya?" Tanong ko sa ibang mga knights.

Nagkatinginan naman sila at nagdadalawang isip na tumango.

No Fairytale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon