Chapter 4; Former Amadeia

1.3K 59 2
                                    

Saan ba magandang malaman ang nilalaman ng lugar na pinuntahan ko?

"Pri-Princess saan ka po ba pupunta?"

Nilingon ko si Patricia, "Sa tingin mo ba alam ko ang pasikot- sikot sa lugar nato nang ngayon ang unang beses kong nakalabas sa silid ko?" Sarkastikong tanong ko sakanya.

"A-ah! Sa west pong bahagi nang kaharian ay ang ballroom, dining, living, grand kitchen at coloring room. Sa south naman dito ang mga kwarto nang hari, Reyna, Prinsesa at ng mga prinsipe. Sa north po ang labasan at nandoon ang kwadra at tahanan ng mga nag tra-trabaho sa palasyo, sa east naman nandoon ang garden, at ang green house." Tumango ako as if matatandaan ko ang mga sinabi nyang yan walang saysay.

"Sabihin mo, nakalabas ako nang kwarto makakaalis rin ba ako sa palasyo?" Umiling sya sakin.

"Hindi maaari, may kasulatan ang mahal na hari na pinag ba-bawal ang Prinsesa na lumabas ng palasyo. Kaya maaari nyo lang libutin ang palasyo." 

Isa na naman ba to sa mga gusto nyang iparating sakin?

Kasulatan? Ano yon? May paa at may sarili akong isip. "Kung ganun samahan mo ako, libutin natin ang palasyo. Ganun lang." Tinalikuran ko sya at tinignan ko ang mga painting na nakasabit sa dingding.

Malas lamang at walang mga pangalan na nakalagay sa mga larawan.

Tinignan ko ang image nang isang babae. Kamukha ko sya, sya ba ang Ina ko? Dahil walang pag kakakilanlan manghuhula nalang ako. Galing diba?

May itim syang buhok at itim ring nga mata. Matangos rin ang maliit nyang ilong at napakaganda ng kurba nang kanyang mga labi.

Lumipat sa kasunod na larawan ang mga mata ko, may dalawang batang lalaking may silver na buhok at isang lalaki rin katabi nang babe kanina.

Masaya silang apat sa litrato.

At ang mga alaala ko, kilala ang mga mukhang to.

Amadeia when she's eight she can freely go outside and a very healthy child. The day that ruined everything. Even though she's already lonely in the Orleans Kingdom, she become more lonely after that day happened.

"Malapit na po ba tayo sa Markley Empire?" Tanong ni Amadeia sa kutsero.

Pero imbes na sumagot ay inismiran lang sya nito.

Nakangiti nalang napapailing si Amadeia kasi sanay na naman sya sa mga mapanghusgang tingin sakanya nang mga nasa paligid nya.

At nang huminto na ang karwahe nila sa likurang bahagi nang Markley Empire na kung saan matatagpuan ang napakalawak na taniman ng mga bulaklak at napapalibutan pa ito nang mga pine trees.

Napakaganda talaga nang Markley Empire.

"Princess Amadeia!"

Napatigil si Amadeia kakahanap at nilingon nya ang batang si Hilliard Salor na anak ng isang kilalang Count.

Nandito na naman sya, bulong ni Amadeia sa isipan tsaka ngumiti kay Hillard.

"Greetings to Lady Hilliard!" Yumuko bilang pagbati si Amadeia sa batang babae na naiiinis na tinignan sya.

"How many times do I have to tell you Princess Amadeia! You should call me Countess Hilliard!!"

Napangiwi si Amadeia sa sinabi ni Hilliard. Lady naman talaga ang dapat na tawag sakanya kasi hindi naman sya ang magmamana nang count tittle.

No Fairytale (COMPLETED)Where stories live. Discover now