No Fairytale

3.4K 111 5
                                    

AMADEIA'S POV;

Tignan mo nga naman, nasa saan ba ako ngayon?

Wala na ako sa squatters area ah. Mayaman na ako. Ha!

Napangisi ako at hinawakan ang gintong salamin nato. Ang gara pati salamin ginto na.

Pagkagising ko sa isang malambot at malaking kama, malaking kwarto na puro ginto. At ang mga bulaklak sa paligid. Eh? Bulaklak? Nakakadiri.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Ganda nang mukhang to. Ano to reincarnation?

Nasa webtoon ba ako? Charot.

Nakapainting pa ang mukhang to. Pwedeng- pwede sa billboard.

Shet. Mayaman pa ako. Bonus na!!

"Princess? Princess gising ka na po ba?"

Nagpataas ang kilay ko nang may pumasok sa kwarto.

May anim na maid na pumasok. Gara anim ang maid ko?

Pero tiyak ko Isa sa mga ito ang leader.

Princess? Princes ang babaeng to?

Kung Prinsesa man ako! Ba't ako tinatrato nang ganito?! "At sino ka naman?"

"Sa tingin mo makakatakas ka sa amin Princess?"  Nakangisi ang mga maid at yung lider ay lumapit sakin.

Napakunot noo ako nang may tinaas sya sa mga kamay nya.

Puta! Anong lugar to!!!

"Takot ka ba Princess?"

May binigay sakanya ang isnag maid, isnag bakal at sa pinakadulo nito ay parang magaapoy na baga.

Ididikit ba nila yan sa makinis kong balat?

Tinaas ko ang ulo ko at tinarayan sya. "Sinong tinakot mo maid? Tingin mo ba natatakot ako dyan?"

Sinong takot sa mainit na bakal? Eh ako nga napaso nang sigarilyo nakadikit na sa katawan ko! Yan pa kaya?

Humahalaklak ang mga maid sa sinabi ko. Ang limang mga maid ay hinawakan ako. Shit!!

"Hahahahaha!!"

Sige tumawa lang kayo!!

Yawa wala bang mga tao dito?! Yung maganda kong mukha dito oh!

"Princess o fake princess. Wala kang lugar dito!! Pag dating ng totoong anak ng hari at kapatid ng mga prinsipe. Babalik ka sa bukid na iyong pinanggalingan!!!!"

Ha. Hindi ko alam anong mga nasa utak nyo pero ang alaala nang dating Amadeia ay nasa akin parin.

Sa tingin ba nila masasaktan pa nila ako? Nag kakamali sila dahil hindi na ako yong mahinang Amadeia.

Lumaki sa squatters area ang isang to, sanay na ako sa mga  krimen at basag ulo.

*****
DISCLAIMER;
THE PHOTOS THAT YOU CAN SEE IS NOT MINE AND CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER. THIS BOOK IS A WORK OF FICTION AND EVERYTHING WRITTEN IN THE BOOK IS MINE. THE CHARACTERS, PLACES, EVENTS THAT YOU MIGHT FIND SIMILAR TO OTHERS STORIES ARE PURE COINCIDENCE ONLY.
PLAGIARISM IS A CRIME.
-REalBUel

No Fairytale (COMPLETED)Where stories live. Discover now