Chapter 041: Arrival

350 33 4
                                    

Akihiro Sakagari's POV

Malawak pa ang mga ngiti ko na hawak-hawak pa ang mga kamay ni Harry ngayon. Di ko mapigilan ang sarili ko sa saya habang naglalakad papuntang bahay namin.

Napatalon-talon pa ako ng kaunti na parang isang rabbit at itinaas-baba pa ang mga nagkahawak na kamay namin ni Hawwi, teehe.

Wala lang.

Masaya lang talaga ako ngayon dahil finally nakapagsorry na ako kay Adrian, yey! Yung pagsisisi na naramdaman ko nang mga ilang araw ay bigla nalang nawala nung nakausap ko siya kanina sa hospital.

At nayakap ko rin siya, wah! Matagal ko ring hindi nayakap si Adrian eh. Namiss ko talaga yun eh, hmph. Namiss ko rin siya.

Sabi niya sa akin na napatawad niya raw ako kaya di ko mapigilan na wag maluha kanina, kasi, kasi, hinihintay ko talaga to na pagkakataon na magkausap kami ulit at maging okay kami.

Yung tipong lahat ng mga kung anong naramdaman kong pag-aalala sa kanya nung mga araw na di namin siya pinapansin, ngayon ay nawala na.

Dahil, yey, nagpapansinan na ulit kami. Ang saya-saya ko, sobra. At friends na rin kami ulit ni Adrian. Wala talagang makakapigil sa aking kasiyahan ngayon. Kahit mga aliens sa ibang universe, mahihiya na sa malawak na ngiti ko.

Sadyang nakakalambot lang talaga sa kalooban na sa mga ilang araw na di namin siya nakakausap at di napapansin, ngayon ay okay na lahat. Yehey!

Ihahug ko talaga siya ng marami--maraming-marami bukas, sa susunod na araw, sa mga sumusunod pa na araw, at sa mga masusunod pa na mga araw, yey!

Kung siguro aabot pa ng pluto ang ngiti ko ngayon, baka umabot pa ito sa milky way. Or baka di kaya umabot pa ng andromeda. Oh, ang ganda kaya dun!

Or,

Or,

Or,

Baka umabot pa ito sa Alpha Centauri. Hindi ko mapigilang wag ngumiti sa iniisip ko ngayon. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano tong mga pinagsasabi ko, pero masaya ako, yehey, yehey!

Basta bati na kami na Adrian, okay na yun sa akin. Mas sobra pa nga sa okay eh.

Super okay pa, yippee!

"Ang saya mo ata diyan?" Bungad pa ni Hawwi sa akin. Patuloy ko pa ring itinaas-baba ang mga kamay naming dalawa kasi di naman nagrereklamo si Hawwi, kaya di ko nalang itinigil. Ganito kasi ako pag masaya eh.

Napapatalon na parang bata. Or di kaya nanghuhug nalang bigla. Ganun ko kasi iniexpress ang kasiyahan ko. Ayaw ko rin naman siyang pigilan na manatili lang sa loob ko kasi even if pipigilan ko, lalabas at lalabas talaga siya.

Kagaya ng tamo--ayy bad, Akihiro! Hmph.

"Ang ganda lang kasi ng araw ko ngayon, Hawwi. Sobwang ganda,"

"Mabuti naman at nakikita na kitang ngumingiti ngayon," Dagdag pa niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Dali-dali pa akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanyang kamay at tumalon sa harapan niya na may malawak na ngiti pa sa aking labi.

"Kasi, kasi, kasi, bati na tayo kay Adrian, Hawwi," Sa totoo lang, kung pwede palang ako magpasabog ng selebrasyon ngayon, ginawa ko na kaagad eh. Ganyan ako kasaya na nakakausap na ulit namin si Adrian.

"Ilang araw din kasi natin siya hindi pinansin eh," Napanguso pa ako.

"Kaya ayun, gusto ko lang na parang ilabas ko ang nararamdaman kong saya ngayon," Sabi ko pa na sinabayan ko pa ng ilang mga bunny hops ko.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now