Chapter 028: Umbrella

653 62 44
                                    

Trescious Dela Victoria's POV

"Trescious, tama na to!" Rinig kong bulyaw sa akin ni Audi habang kinukuha niya pa sa akin yung baso ng alak. Pilit ko pa yung binabawi pero dahil na din sa kalasingan at tama ng alak sa aking katawan ay wala na akong lakas para manlaban.

I just want to drink that last glass of beer I have ordered. That's the only thing that can help me ease the pain that I am feeling these days. Wala na akong gana sa lahat ng bagay ngayon. Everything is just to blurred to me. To the point that I have this thinking to just end myself anytime now.

I mean what's the point? Lahat nalang ng taong minamahal ko, nawawala. Una yung kapatid ko tapos ngayon si Adrianne na naman? Tang*na. Mas mabuti nalang na wag mabuhay. Mas mabuti nalang na sumunod na rin siguro ako sa kanila.

Life is just full of shitty complaints. Yung mga taong hindi pa deserving mawala, sila pa talaga yung unang namamatay.

Pero naman yung mga taong mas mabuti pang mawala sa mundong to', sila pa yung nanatiling buhay. Tang*na.

How could the world be so always unfair? Just why? I have never cried this much ever before. My heart is now as broken as a shattered glass and it feels just like yesterday since that f*cking incident happened.

'Adrianne's' death.

F*ck!

Bakit ka pa namatay? Ni hindi mo man lang sinabi kung sino sa aming dalawa ang gusto mong makatuluyan. Just how the f*ck can I move on without you near me?

Pinilit kong tinanggap. Oo wala ka na, kaya pinipilit kitang burahin sa aking isipan, but how can I totally forget you when our memories always play randomly at the back of my head. I really missed you, Adrianne.

Please come back to me. Come back to my arms. Hindi ko pa natutupad lahat ng mga pangako ko sa'yo, just please. Kahit na isang araw lang, gusto kitang ulit na makasama at makausap. Please. I really hate this.

Having a brokenheart without any breakups happened is the worst feeling anyone would feel. It has been months since you disappeared in our sights forever, but my heart and mind can't still forget you. Ever.

Tanging mga iba't-ibang kulay ng ilaw nalang ang tumatama sa naniningkit kong mga mata. I am almost out of balance due to the alcoholic drinks I took and my vision is almost getting blurry but I can still feel the pain, very clearly.

Rinig ko pa yung mga malalakas na sounds na nagtugtogan dito sa malaking kwarto na'to kung saan kami naroroon. Naghihiyawan pa ang mararaming tao like there's no more tomorrow. Yes, I'm in a night club right now.

I will stay here for as long as I want to. Well, actually, hindi ko na nga maalala kung kailan pa ako nandirito. Maybe a few days ago? A week ago? I don't know. Basta ang alam ko lang, gusto ko na nandito ako para pansamantalang kalimutan ang sakit.

"Tara na umuwi na tayo. Napasobra ka na ng inom. This is not good for your body," Tsk. This annoying Audi trying to get me back up on my feet. Ayaw ko pang umalis pero mapilit talaga siya. Tang*na.

"Ikaw!" Turo ko sa kanya. "Bakit parang wala kang problema ha? Bakit parang wala lang sayo ang pagkamatay niya ha? Ganun na ba talaga siya kadaling kalimutan?!" Sambit ko sa kanya in my drunk composure.

"Lasing ka lang, bro. Wag nang magmatigas, hinahanap ka na sa inyo," He was trying to put my arms on his shoulder. Kahit na itanggal ko pa yun sa kanya ay ibabalik pa rin ng lokong to. Can't he see that I'm having the best time of my life?

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now