Chapter 017: Arguments

868 79 9
                                    

Harry Nemendez' POV

"Get ready boys, andiyan na siya!" Halos mataranta na kaming lahat dito sa classroom dahil sa hudyat ng isa sa mga kaklase namin. Paano ba to? We're still not done preparing yet for the surprise tapos andiyan na siya.

"Isarado niyo ang pinto! Pati mga bintana sarado niyo na rin." Maawtoridad na utos pa ni Audi sa amin at kaagad rin namang nagsitanguan ang lahat.

Dali-dali naming isinara at nilock ang pinto. Pati mga windows ng classroom sinarado din. We need to do this para di niya makita ang surprise namin sa kanya. We prepared so long for this, baka masayang lang pag nalaman niya. Nakakakaba na medyo nakakaexciting.

After all, this is my first time holding a surprise birthday for a friend. At masaya ako na si 'Adrianne' yung isusurprise namin.

He did a lot of things for us, he deserved to have this kind of love coming from us. We are his Prince charming kasi. Gagi kinikilig ako ng kaunti.

"Ang cake saan na ba?" Napatingin pa ako kay Akihiro. Siya kasi yung naassign sa klase namin na magdala ng cake para sa kay Adrianne.

Napatingin naman siya sakin kasabay nang pagkamot sa kanyang batok at tumawa pa ng mahina--don't tell me? With what he is acting now, I think I already know kung saan hahantong to. Wag naman sana.

"Parating pa lang eh. Nakalimutan ko kasing dalhin ehehe," As expected. Di na ako nabigla din sa sagot ni Akihiro, lagi naman niyang nakakalimutan nag mga inaassign sa kanya. Hayst.

Napahimas nalang ako sa aking noo dahil sa narinig ko galing sa kanya.

I should not have assigned him to bring the cake. I knew in the first place na makakalimutan din naman niyang dalhin yun, pero it was so dumb of me to assign it to him. God, Akihiro. Now what should we do without the cake? Tsk.

Bahala na nga lang. Wala na din kaming ibang magagawa sa pagkamakalimutin ni Akihiro. I'll just slip it this time, again. Lakas niya sa akin eh. Kailangan niya dapat talaga akong i-kiss sa noo later as his apology.

But for now, the cake is much more important!

This is an only one day experience for Adrianne tapos di pa talaga nadala ang cake, nakakabaliw. Tapos wala nang time para kunin yun dahil kunting hakbang nalang niya alam kong kakatok na siya sa pinto.

"So sino yung pinadala mo sa cake?" Napakunot noo pa ako sa tanong ko sa kay Akihiro.

Kita ko pang para pa siyang nag-iisip sa kanyang isasagot. This seems suspicious. "Si Dustin."

Sh*t! What?!

"Bakit si Dustin?!" Napalakas pa ang boses ko sa pagkasambit ko sa kanya dahilan para mapatingin din yung ibang kaklase namin sa amin.

"Kasi naman eh--" Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Akihiro naman eh. Alam kong si Dustin ang president ng Section 'T' and we respect him also the most dahil President din siya ng SSG pero he's always not around dahil laging busy.

For sure di niya alam na may birthday surprise na mangyayari ngayon para kay Adrianne. In short, hindi siya kasali sa plano na to. Or more like, he was not here when we were planning for this surprise.

Urgh!

"Why? What's wrong with Dustin?" Lumapit pa sa amin si Trescious na may hawak pang isang chocolate bar na may kagat.

"Something's up with him?" He asked as he took another bite with the chocolate he is holding.

I took a small short breathes before answering him.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin