Chapter 03: Tip

1.4K 113 2
                                    

Adrian Evans' POV

"Thank you for purchasing here at Goodie Convenience store, Maam. Hope you come again." Nakangiting tugon ko pa sa isang ale na kakabili lang dito sa convenience store kung saan ako nagpapart-time.

Masaya ako dito dahil hindi masyadong hectic ang schedule na binibigay nila sa akin. Sobrang bagay lang ng working hours ko na 3-4 hours sa hapon para may oras pa akong mag-aral sa gabi. Masasabi ko lang na napakaswerte ko para makuha nila. Or sobrang swerte nila dahil kinuha nila ako.

Nasa training phase pa ako ng part time ko and all I can say is that I am doing well. Even the manager and my other workmates complimented me from doing a good job.

Sino ba naman kasi ang aayaw sa isang Adrian Evans? May utak na nga, may hitsura pa. Full package na.

"Adrian patapos na ang shift mo," Paalala sa akin ni Trescious at inabutan pa ako ng isang ice cream. Flavored vanilla yun kaya inabot ko rin kaagad. "Good job!" Komplimento pa niya.

"Salamat." Matipid na tugon ko sa kanya habang nakangiti. Agad ko na ring sinimulan paglick yung ice cream na ibinigay niya sa akin. Vanilla flavored ice cream is just my favorite. Nice guess to this guy!

During work hours ko dito sa convenience store, si Trescious ang lagi kong kasama. Sabi niya siya daw kasi nagpapasok sa akin without the permission of the manager kaya siya rin ang magiging mentor ko. Masasabi ko lang na nagiging close na rin naman kaming dalawa. He is a nice guy after all.

Break time namin ngayon kaya nandito kami sa isa sa mga costumer tables sa second floor. Dito kami madalas tumambay pag may ibang pumapalit ng shift sa amin o sadyang wala masyadong tao sa store.

Napag-alaman ko rin na sa Goodsman Boys High din nag-aaral si Trescious. Hindi na rin ako nagtaka kung same kami ng pinapasukan na school dahil ito lang naman ang pinakamalapit na Convenience store sa Goodsman. And if magpapart time pa siya sa malayo then that would really increase his time. Not to mention his travel time here to there.

"How was your first day at Goodsman?" Nabilaukan pa ako sa ice cream dahil sa tanong niya. "Easy ka lang, Adrian. Kalma lang." Tumawa pa talaga ang loko sa kanyang sinasabi.

"Okay lang naman." Sagot ko pa sa kanya. Actually hindi siya okay to be honest lang. Matapos akong pagbatuhin ng water balloons ng mga lokong kaklase ko tapos yung.. Yung.. Ah basta kadiri yun! Hindi ko talaga sila lahat mapapatawad sa ginawa nila sa akin.

"Are you sure?" Paninigurado pa niya at tinanguan ko lang naman siya. "Mabuti naman." He smiled as he licks also his ice cream.

"Come to think of it," Napatigil ako sa pagdila sa ice cream ko nang meron akong maalala. Tinignan ko pa ng diritso si Trescious at ganun rin naman siya sakin.

"Ano nga pala ang section mo?"

Maaga akong nagising dahil maaga pa ang pasok ko ngayon. Hindi pa naman malapit ang time ko para sa first class namin kaya hihilata muna ako ng ilang minuto dito sa higaan ko.

Nakatingala pa ako sa kisame habang pinagmamasdan ang buong paligid. It has been a month na rin since nung napagdesisyunan kong umalis sa bahay ng mga magulang ko.

Isang buwan na rin matapos ang mga pangyayaring yun na tinakasan ko. Ilang taon ko yung pinagdusahan at dinaraanan kaya nagpapasalamat ako na nakalaya na ako dun.

Hindi ko yun makakalimutan sa tanang buhay ko. Puro sakit at poot ang tanging naalala ko sa bahay namin--No. Sa bahay nila. Nandirito pa rin ang mga peklat at gasgas ko kung saan maalaala ko ang mga ginawa nila sa akin noon.

Pinapangako kong hindi na ako babalik dun. Papatunayan ko sa kanila na kaya kong mabuhay mag-isa. Kaya kong mabuhay na wala silang gumagastos para sakin.

Unti-unti ko nalang naramdaman ang mga likidong tumutulo palabas ng mga mata ko. Dumadaloy pa ang mga luha ko pababa sa 'king pisngi sa mga alaalang gusto ko ng burahin. Pero bakit nandito pa rin silang lahat sa ulo ko? Ayaw nilang mawala-wala.

Kakayanin ko ang mag isa. Kakayanin ko to!

Nagsimula na akong maglakad sa hagdanan ng Goods Building. Kahit nasa first floor pa ako ng building ay ramdam ko na ang mga presensya ng mga loko kong kaklase.

Heto na naman tayo. Kung nakaya nilang gawin yung mga hinayupak na bagay sa akin kahapon, what's more kaya ngayon? How dare them. Masasapak ko talaga sila isa-isa.

Huminga pa ako ng malalim nang makarating na ako sa pinakahuling step sa fourth floor. Pwedeng ilipat nalang ako ng ibang section? Kung may kapangyarihan pa lang talaga ako na lumipat ginawa ko na eh. Sadly I need to follow the scholarship program.

Wala na rin akong ibang choice kung di ang tiisin tong mga loko kung kaklase. Iisipin ko nalang na para to sa pag-aaral ko. Para to sa scholarship program ko. Hayss. Pag wala talagang ibang choice, sasabayan ko nalang ang mga f*cking trip nila. Kabadtrip!

Nakatayo na ako sa harapan ng classroom namin at tatapak na sana ako sa loob nang biglang isinara ng marahas ng kung sino man ang pintoan. F*ck! Ano bang problema nila?! Halos kunti nalang ang pagitan ng mukha ko at ng pinto at masasapak na talaga ako. Tang*na niyong lahat!

"Buksan niyo to!" Pagsisigaw ko pa sa kanila sa loob. Pinagkakatok ko pa ng ilang beses ang pintoan. Mga hayop! Humanda lang kayong lahat sakin. Rinig ko pa yung mga tawanan at hagikhik nila mula sa loob. At nagkakatuwaan pa ang mga kagwang! Tang*na! Tang*na!

"Malilintikan talaga kayong lahat sakin pag di niyo pagbuksan mga tang*nang sh*t kayo!" Pagbabanta ko sa kanila mula sa labas pero wala namang epekto. Di pa rin nila ako pinagbubuksan. Kung sipain ko kaya ang pinto ng classroom na to? Nakakapikon p*ta!

"Kung gusto mong pumasok tumahol ka muna." Sabi pa nung isa sa mga kaklase ko na nakatingin sa akin mula sa bintana. I glared at him at inaksyunan pa talaga yung gesture na 'I am watching you'.

"Phew! Lakas ng bottom natin ugh." Tang*na? Pinatunog ungol pa talaga niya yung huling sinabi niya. And again with the bottom! Just what the heck is it?!

"Hindi na ako natutuwa sa mga pinagagawa niyo! Bubuksan niyo ang pinto o magkakamatayan tayong lahat?!"

I've had enough with their funs and games. Mga potakteng lokong mga to. Lalaki rin ako pero hindi ako umaabot sa puntong ganito yung trip na ginagawa ko. F*ck you all! Tong mga loko nagtatawanan lang sa mga pinagagawa nila.

Tang*na!

Aaksyon na sana akong sipain ang pinto eh. Kulang nalang talaga ng ilang centimeters para magkatagpo ang mga paa ko at pinto. Kaso napatigil nalang ako nang may maramdaman akong isang taong nakatayo sa likuran ko.

"I wouldn't do that if I were you," Tanging sabi pa ng kung sinong lalaki. Wait? Isn't his voice kind of familiar?

"Bumalik kana?!" Tila'y parang hindi makapaniwala sa isa sa mga kaklase kong nasa bintana. "B-Bakit di ka nagsabi sa amin in advance, pre?!"

"Tsk. Kailangan ba yun?" Naiirita pang sabi nung nasa likuran ko. Hindi ko pa siya nakikita pero ramdam na ramdam ko. May ideya ako na parang kilala ko to siya. "Hurry up and open the door, idiot." Pagkasabi pa niya nun ay tila pang parang nagrambolan ang lahat sa loob ng classroom. Kaagad pang bumukas ang pinto ng classroom.

With just one authoritic command ay agad siyang pinagbuksan. How cool is that? Mabuti naman at kaagad ng bumukas ang pinto. Dahil kung hindi pa talaga to dumating siya parang pinagsusuntok at pinagsisipa ko na ang pintoan para mabuksan.

"The only way para mabuksan ka nila is to show them na wala kang kinatatakutan," Naglakad pa siya sa harapan ko pero nakatalikod. But seeing him that even if I can't still see his face. I already knew who it was. "Mind taking a note of that, Adrian?" Bahagya siyang tumingin sakin at ngumisi bago pumasok.

It's Trescious.

We are in the same class?

--The Only Bottom At Section Top--

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon