Chapter 014: Information

1K 83 54
                                    

Adrian Evans' POV

Lunes na lunes pero padabog akong naglalakad ngayon papuntang Goodsman High. Kakabadtrip ng araw, sarap manapak ng kagwang.

Halos para pa akong isang titan sa paglalakad ko ngayon dahil nagkatagpo pa ang mga kilay ko at pati yung mga mata ko na kapag tumitig ng kahit sino ay nakakatunaw ito.

Humanda lang talaga ang kagwang na Jake na yun sa ginawa niya sa akin. Tang*na! Dahil sa ginawa niya, hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung totoo bang nangyari yun sa akin.

"Just you wait!" Malilintikan talaga yung kagwang na yun sa akin. May pa cold cold pang approach tapos pag nalalasing eh kahit lalaki hindi na pinipili basta makapagparaos lang.

F*ck! Napapangiwi ako sa tuwing naaalala ko yun p*ta. Para ko nang sinira ang reputasyon ko bilang lalaki.

Ni hindi pa nga ako nakatikim ng labi ng babae, tapos ngayon pinagsasamantalahan na ako ng lalaki. Tang*na talaga!

Nakaabot na ako sa classroom namin at agad pang sinuri ang mga kagwang kong mga kaklase.

As usual naglolokohan at nagtatawanan na naman ang mga kagwang pero bahala sila sa mga buhay nila.

Diritso talaga ang tingin ko sa mga upuan dun sa may bandang likuran dahil isa dun kung saan umuupo si Jake. Ngayon ka lang sa akin kagwang!

"Adrian, namiss kit--" Wala akong panahon makipagpansinan kay Akihiro kaya diritso ko lang siyang nilagpasan bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin. Baka madamay pa tong lalaking to pag nagkataon.

"Teka, Adrian. Ano bang nangyayari sayo?" Pilit pa akong hinabol ni Akihiro at hinawakan ang kamay ko dahilan para tumigil ako sa paglalakad.

"Bitawan moko, Akihiro,"

"Ano munang nangyayari sayo? May problema ba?" Pist*ng kagwang ang daming tanong.

Hindi ba niya alam ang hearing comprehension? Pag sinabi kong bitaw, bitawan. Tang*na.

"Problema?" Pag-uulit ko sa sinabi niya at taas kilay na tiningnan siya. "Tinatanong pa ba yan ha?!" Masyado atang napalakas ang boses ko para magsitinginan ang mga ibang kagwang kong kaklase sa akin. Sinadya ko talaga yun para madama din nila mga loko sila.

"Okay, uhmm relax ka lang muna, okay? Chill. Chill. Huminga malalim at ibuga ang putok mo." Aba'y ang g*go. May panahon pa talagang tumawa at makipagbiruan.

"Nice one, Akihiro!"

"Oh, kumalma ka lang, Bottom!"

"Yes, baby bottom. Kalma lang. Sige ka mawawala kacute mo niyan!"

Mukha ba akong nagpapatawa sa kanila para di nila maramdaman na seryoso ako? From the very first day that I transferred here in this section and until now, hindi at wala pa rin sa isa sa kanila ang nagbabago.

Ganun pa rin. Mga kagwang pa rin silang lahat.

"Anong nangyayari dito?" Takang tanong pa ni Zeke na kakapasok lang din ng room. Nilalaro pa niya yung fidget spinner niya habang nakatingin sa amin.

"A-Eh, hindi ko rin alam--" Bago pa man matapos ni Akihiro ang sasabihin niya, inunahan ko na siya.

"Gusto kong makausap si Jake! Kaya kung tinatago niyo siya mga animal kayo, ilabas niyo ang lalaking yun!" Walang pagdadalawang isip na sigaw ko pa habang iniisa-isa sila ng tingin.

Pinandidilatan ko na talaga sila para lang maramdaman nila talaga na hindi ako nagbibiro tang*na.

Wala na akong pake kung anong sabihin ng mga kagwang na to', all I want right now is to talk to that Jerk Jake this instant!

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now