Chapter 021: Band

716 70 6
                                    

Adrian Evans' POV

Lunchbreak namin ngayon at heto ako naghahanap ng mapagkakainan. Napagdesisyunan ko kasi na wag akong kumain sa classroom dahil yung mga lokong kagwang kong mga kaklase baka ano pang katarantaduhang gawin. For once, I want to eat in peace.

And when I say in peace, yung tahimik sana. Kailangan ko ring mag-aral habang kinakain yung lunch na prinepare ko kaninang umaga.

But the only question for now is kung saan ako kakain?

Ayaw ko rin naman sa cafeteria dahil maraming mga tao doon. At isa pa, hindi pwedeng kumain dun pag wala kang binili. It's a weird rule, but I guess it's reasonable din naman.

And besides, I don't usually go to the cafeteria para bumili ng makakain ko. I already have food prepared and buying would really cost me a lot of money.

Napilit lang naman talaga akong mapunta doon last time dahil ginawa akong alalay sa kumag na Gomez.

And speaking of him, di pa rin sila bati dalawa ni Trescious. Sadyang mainit pa rin ang tensyon sa pagitan nila, pero problema na nila yan. I'm out of it.

Hindi ko alam kung paano ako dinala ng mga paa ko dito pero nakarating nalang ako dito sa Man building. I remember Jacobbes telling me during my first day that this building is where we can find the classrooms of the first and second year students.

Wala namang sinabi na bawal makitambay dito ang mga fourth year students, diba? Might as well try kahit hindi ko alam kung saan ang paroroonan ko. Basta may mapagkainan lang, okay na ako dun.

Marami pa akong nakakasalubong na mga estudyante and some of them were giving me 'that' look nang makita nila ako. Meron ding iba sa kanila na panay bulongan pa sa mga kasama. Just what the f*ck is wrong with them?

It's not like this is still new to me. Kahit nga sa cafeteria pag pumupunta ako dun, maraming mga matang nakatingin sa akin tapos ako pa yung pinag-uusapan. Alam kong gwapo ako, no need to remind me. Tsk.

This must be because of that video, huh-- No, kahit pa wala pa yung video, yung before pa dun. Marami naman akong naririnig na kwento-kwento tungkol sa akin. Making it a big deal that I belong to section 'T'.

Mga lalaki naman sana ang nandirito sa school na ito, pero ang hilig makipagtsismisan. Naku. Mas malala pa sa mga babae.

Di ko nalang sila pinansin at kaagad pa akong umakyat sa bawat hagdanan kahit na ang daming mga matang nakatitig sa akin. Just stop looking at me you, idiots. It's making me uncomfortable. F*ck.

Kaya nga hindi ako kumain sa classroom para matakasan yung mga kagwang kong mga kaklase. But because of this students here, it just makes me have this second thought na sana sa classroom nalang ako kumain.

But, hell no.

Not this time.

Wala bang open place man lang dito na pwede mapagkainan ng lunch? Dati sa old school ko, meron kaming rooftop kung saan pinagtatambayan ng mararaming mga estudyante.

Depende sa kung anong trip nila. I used to eat my lunch there before. Mahangin din kasi sa rooftop na yun and eating your lunch there will just make your food a hundred percent good.

Nakakapagtaka nga bakit walang rooftop tong Goodsman High? Pero it's not my cup of tea para makialam nalang din. Baka hindi nagkasya ang budget para magpagawa pa ng building na may rooftop. It's still a good school, nevertheless.

Basta wag lang isali ang Section 'T' na yun. Ah-bahala na nga. I'll just be grateful that I still got in for the scholarship dito. Pero sana naman nalagay ako sa isang matinong section.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now