Chapter 032: Unwanted

705 69 123
                                    

Adrian Evans' POV

Dalawang araw na din ang nakakalipas simula nung magstart ang exams namin. Which also means that, dalawang araw na din ang lumilipas simula nung hindi ako pinapansin ng buong Section 'T'.

Yup, they don't talk to me. Silent treatment at it's finest. At kapag magkatama ang mga mata ko sa isa sa kanila, nag-iiwas kaagad sila ng tingin sakin. It has been like this for these past two days.

Noong una, inisip ko lang na baka dahil ito sa mga exams namin kaya nagkakaganito sila, but it's not. Malalaman mo naman talaga kapag iniiwasan ka ng mga tao sa paligid mo kahit di nila sabihin. Obvious din naman talaga na ayaw ako nilang pansinin.

They aren't good liars to begin with when it comes to that.

I don't know what just happened to all of them. They just stopped talking to me, teasing me, at kahit nga si Akihiro na lagi akong kinukulit, bigla nalang nag-iba.

Kung nung una, sing-ingay ng isang megaphone, but now? It's as if he is on mute. Nagiging madalang na din siya sa pagsasalita at laging tutok sa kawalan na animo'y may malaking problema.

Wala na yung batang laging tawag ng tawag sa pangalan ko. The one who I really get annoyed with. And now? Wished that I have made him annoy me more as it lasts.

Tama talaga na sa huli mo lang maaappreciate ang mga bagay o tao pag nawala nalang ng kusa ang nakasanayan mo sa kanila.

Nakakalungkot lang dahil kahit anong pilit ko pa na lapit sa kanila, parang pinagtatabuyan nila ako. It's as if I don't exist anymore in this classroom.

Either pag nakikita nila akong lumalapit ay aalis kaagad sila o di kaya'y sadyang binabalewala lang nila ang presensya ko. I just want to cry with what is going on now.

Sa totoo lang, nasasaktan na ako. Gusto kong maiyak, gusto kong sumigaw--lahat gusto kong gawin. I just want to do anything to ease this f*cking pain. Hindi ba nila alam na sa ginagawa nila ngayon na hindi pagpansin sa akin, nasasaktan din ako?

Na dahil lang sa pakikipagtigil nila sa pakikiusap sa akin, inooverthink ko na ang mga ganitong bagay? I am not like this before. I don't f*cking care if people don't talk to me, but that's all in the past.

The Adrian I know now is someone who really wants to interact with people. And by people, I mean my classmates. Section 'T'.

It freaking hurts so much. F*ck! Knowing that these people are the ones who made me feel very special and worth it to myself--for the very first time in my life--I get to feel such feeling, but now that they are ignoring me, parang ramdam kong may nabasag na pagkatao ko deep inside.

It's super broken and the only thing that can fix me right now is for them to talk to me. Tang*na naman nito.

Nakakaasar! Nakakasakit sa ulo!

Wala naman siguro akong nagawang mali, diba? Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari to but I'm sure this was related on what happened last monday.

If asking them who this Adrianne guy is could lead to this, sana di nalang pala ako nagtanong. Hindi ko pa rin alam ang tungkol sa kung sino ang lalaking yun, pero may parte sa akin na gustong malaman siya.

I am just curious. Hindi naman siguro masama alamin ang gusto kong malaman, diba? Tsk. F*ck this.

Para na akong hangin dito sa classroom. They kept on ignoring me even if I'm there.

Pati si Audi. Alam kong hindi pa rin ako nakakamove on doon sa nasaksihan ko sa dorm room niya last time, pero even him--he just stopped talking to me like I was nothing. Tang*na naman nito.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now