Chapter 012: Gift

1K 81 13
                                    

Adrian Evans' POV

"Mama, tama na po! Sorry na po. Di na po yun mauulit po, Mama!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa akin ni Mama. Pilit pa niya akong kinakaladkad ngayon papuntang kwarto.

Nagalit ko na naman si Mama dahil nabasag ko yung ilan sa mga plato habang naghuhugas ako kanina. Kung hindi sana ako naglalampahan, hindi sana mangyayari sa akin to ngayon. Ulit.

Marahan na tinulak ako ni Mama nang makapasok kami sa kwarto. Napadaing pa ako sa sakit nang mapaupo ako ng malakas sa sahig. Nakakatakot tingnan si Mama ngayon. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit sa akin dahil sa ginawa ko. Sorry, Mama. Hindi na po mauulit yun.

"Mama, sorry na po. Ayaw ko po dito. Sorry na po." Halos napagapang pa ako sa sahig para lang maabot ko ang mga paa niya. Ayaw ko na ikinukulong ako dito sa kwarto ko. May monster sa closet.

Takot din akong makinig sa kulog dahil umuulan pa ngayon. Gusto ko na kasama sila sa sala ni Papa. Ayaw ko dito sa kwarto ko na mag-isa. Takot ako. Mama, natatakot ako. May thunder at lightnings sa labas. Halos di ko na mapigilang mapahagulhol pa nung magsimulang maglakad si Mama palabas ng kwarto.

"Bitawan mo ako, bata ka!" Pinilit pa akong sipain palayo ni Mama pero di ko binitaw pagkakahawak ko sa kanya. Ayaw ko talagang makulong mag-isa dito sa kwarto. I am scared.

"Mama, sorry na po. Ayaw ko po dito sa kwarto ko po. May monster po, Mama. Meron din pong thunderstorms, Mama! Sorry na po. Gusto ko po kasama kayo ni Papa." Pagmamakaawa ko pa talaga sa pamamagitan ng paghagulhol ko. Natatakot ako dito. Lagi ako nilang kinukulong dito sa kwarto ko na mag-isa. Natatakot ako.

Gustohin ko mang manlaban kina Mama at Papa pero ano bang magagawa ng isang batang siyam na taong gulang kagaya ko? Anak pa rin nila ako kahit papaano. Pero ayaw ko ng ganito. Yung iniiwan ako mag isa sa kwarto tapos may thunders and lightnings pa. Tapos may monster pa sa closet ko. Ayaw ko dito. Please lang po, Mama.

Napatigil ako sa paghagulhol nang marahan akong kwinelyuhan ni Mama at halos lumutang na ang mga paa ko sa ere nang hilahin niya pataas ang tela ng damit ko. Ang hirap ihinga dahil para akong nasasakal sa tela ng damiton ko.

Galit na tinignan pa ako ng diritso sa mata ni Mama. Nanginginig buong katawan ko sa takot dahil sa mga titig niya na para pang kung anong oras ngayon ay baka patayin niya na ako. I-I am scared.

"Kung di ka lang sana nagmamarunong bata ka, kung sinusunod mo ng maayos ang utos namin sayo, hindi mo sana mararanasan to. Kasalanan mo naman to kung bakit masasaktan ka ng sobra. Kailangan kang idisiplina." Bulyaw pa niya sa akin at sinabayan pa niya ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi ko at nahulog pa ako sa sahig dahil sa lakas.

Bakit ko ba kailangang maranasan ang lahat ng to? Kahit bata pa ako, alam ko kung paano magdisiplina ang isang disenteng magulang sa kanyang anak. Pero ako. Bakit ganito? Bakit kailangang akong pisikalin?

Rinig ko pa ang malakas na paghampas ni Mama sa pinto ng kwarto ko nang isara niya ito. Meron pa siyang kung ano-anong ginawa sa labas na doorknob para di ko to mabuksan. Takot ako.

Halos mapasigaw nalang ako sa takot at kaba nang marinig ko pa ang pagbagsak ng isang napakalakas na kulog. Sumilaw pa sa mukha ko ang liwanag ng sobrang napakabilis na kidlat. Ayoko na. Gusto ko ng tulong. Para sa isang bata na kagaya kong walang alam sa mundo, andito ako sa kwarto ko. Nakakulong. Mag-isa. Umiiyak. Natatakot at gutom. Tulongan niyo ako.

~~

Napabalikwas ako ng mabilis sa kama ko nang marinig ko ang isang napakalakas na pagbagsak ng kulog na nanggagaling sa labas. Tagaktak pa ang mga pawis ko dahil sa panaginip na naman yun.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon