Chapter 01: Transferee

2.1K 118 24
                                    

Adrian Evans' POV

Buntong-hininga pa ako nang pinihit ko ang doorknob ng apartment ko. This it, Adrian. Your life in a new school begins now. Agad ko rin namang binuksan ang pinto ng apartment ko at kaagad itong nilock nang makalabas ako.

Kagabi pa talaga ako kinakabahan na medyo naeexcite dahil new school, new people at new environment na naman. I am not expecting anything sa Goodsman Boys High School pero inaasahan ko lang ang tahimik na buhay ko around this time.

Malayong-malayo na ako sa dating buhay na kinagisnan ko at gagawin ko ang aking lahat ng makakaya para maibalik ang saya na gusto kong hangarin. Kaya this time I manifest everything to turn out great. Kahit mahirap ay lalabanan ko to'.

Pinili kong mapag-isa kaya papatunayan ko sa sarili ko na mabubuhay ako kahit na ako lang ang tataguyod sa aking sarili.

Sobrang lalim ata ng pinag-iisip ko para di mapagtanto na nakarating na pala ako sa harap ng gate ng Goodsman High. Hindi naman din kasi kalayuan ang apartment ko sa school na'to. Kung aking ikakalkula, then that would be an approxiamately three minute walk.

"You can do this, Adrian." Bulong ko pa sa aking sarili at hinigpitan ang hawak sa magkabilang strap ng backpack ko. This is my first day here at this school and I sure don't still know anyone.

Kailangan kong magkaroon ng good impression sa mga posibleng classmates ko. I mean all boys school doesn't really make a difference from a co-ed school. Yes, that is right, Adrian. Nothing to worry about.

Pagkapasok ko sa gate ay agad ko pang pinakita sa guard ang temporary admission slip ko. Binigay yun ng registrar din sakin last time para i-allow daw akong pumasok kahit na wala pang uniform at I.D. to show that I am a new student.

Masaya pa namang pinapasok ako ng guard at kaagad ko rin silang nginitian. Mabuti pa ang mga guwardiya dito mabababait at mahinhin. Samantala doon sa dati kong school, kulang nalang lamonin ka ng buhay.

Ulit kong kinuha ang schedule form ko na nasa loob ng aking backpack. Tinignan ko naman kung saang section ako malalagay.

"4th year section T." Pagkabasa ko schedule form. Anong section T ba? Napakamot lang ako sa aking batok dahil medyo complex ata tong sinulat na section para sakin. May ganun bang section? Only one single letter?

Pagkakaalam ko kasing mga section examples is meron talaga yang mga adjectives na nakalagay sa last. Kung isang letter lang naman, then it would just be from A to D, right?

I mean, even in my old school, I've never heard of a class that is called 'Section T'. Meron bang ganun? O sadyang ganito lang talaga dito sa Goodsman?

Still, they should have atleast told me which direction should I go to find my classroom--

Okay, You know what? I need to stop complaining at magpasalamat nalang na naging isa akong scholar dito sa Goodsman.

At isa pa kung magrereklamo lang ako dito walang mangyayari. I need to atleast ask someone din para manghingi ng direksyon para makapunta sa section ko.

Who to ask to?

Napatigil ako sa paglalakad nang may makasalubong akong isang grupo ng mga kalalakihan ang papunta dito malapit sa aking direksyon. Them! I need to ask them.

"Excuse me mga bro?" Humarang pa talaga ako sa harapan nila. Kung bibilangin ko anim silang kalalakihan.

Napatingin naman silang lahat sa akin na may mga bahid ng pagtataka sa mga mukha nila.

"May problema ba, bro?" Tanong nung isang lalaking kulay ashgray ang buhok. Nakasuot pa ito ng harry potter glasses.

"Tatanungin ko lang sana kayo kung saan matatagpuan ang 4th year Section T? Alam niyo ba?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kanilang anim.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now