Chapter 011: Fever

1.1K 84 6
                                    

Adrian Evans' POV

Tang*na sobrang sobra na to. Kung hindi lang talaga para sa grades namin ang pakay ko para makipagcooperate si Gomez, hindi na sana ako pumayag sa nakakapakshet niyang deal. P*ta!

Sarap talaga hambalusin ng kung ano-ano tong pagmumukha ni Gomez. Humanda ka lang talaga sa akin matapos i perform ng roleplay natin, I will f*cking torture your life.

Nandito lang naman kami ngayon sa cafeteria. Lunchbreak namin at kahit na wala naman talaga akong balak pumunta dito para makatipid, tang*nang Section 'T' na yan, they just grabbed me forcefully. And now I'm here. Tang*na talaga.

Wala eh. Personal alalay kasi ako ng mga kagwang na Section 'T' na yan. Nakalinya na naman ako dito sa pilahan at katulad nung dati, dala-dala ko pa ang isang papel kung saan nakalista ang kanilang pinapabili. Ang swerte, diba?

Pero mabuti na nga lang at hindi na ako mahirapang magdala ng mga pinabili nila galing dito sa cafeteria papuntang classroom namin. Andito naman sila kaya bahala sila sa buhay nila na magkanya-kanyang kuha sa mga pagkain nila.

Baka gusto nila ako pa sumubo sa kanila isa-isa. Ewan ko na talaga. Masusuntok ko na ang mga pagmumukha ng mga kagwang na yun.

"Adrian!" Nakangiting bungad pa ni Akihiro sa akin nang tumabi siya sa akin sa pilahan.

Naglandas pa ang mga kilay ko pagkatingin ko sa kanya. Isa pa tong kagwang na to. Walang araw na hindi aaligid sakin. Kakainis.

"Ano na naman ba yun?" Walang gana kong bulyaw.

"Ano bibilhin mo?" Seryoso ba siya sa kanyang tanong? Aba'y puny*ta mga pagkain niyong mga kagwang kayo. Tinatanong pa talaga.

"Pagkain ng mga aso." No offense.

"Hala, talaga?! May aso? Saan? Saan?!" Can't this guy take sarcasm? Umarte pa talaga siya na parang naghahanap ng aso.

And besides, why would he still be looking if the dogs can already be seen. Nandun sila sa may table oh, nakaupo, tang*na nilang lahat. At kasali na siya dun.

It's almost my turn to order sa cashier at makakalayas na rin ako dito sa cafeteria. Ewan ko kung saan na rin nagpunta si Akihiro. Baka hinanap talaga yung imaginary aso na sinabi ko. Ewan ko sa kanya. Kusa nalang siyang nawala sa tabi ko pero bahala na yung lalaking kagwang na yun.

Mapayapang naghihintay nalang ako na umusog yung pila ng ilang beses para ako na nang bigla ko na namang naramdaman ang mga matang nakatitig sakin. What is it with this weird feeling?

I also felt this last time. Yung mga bulong-bulong ng mga estudyante dito sa buong cafeteria naririnig ko pa. I am not the assuming type, pero masesense mo naman talaga pag ikaw yung pinag-uusapan kahit na di mo pa naririnig. And I have a feeling that it's me--

"Diba siya yung bagong transferee sa Section 'T'?"

"Oo nga, Pre. Malas yan, Pre."

"Sinabi mo pa, Pre. Baka siya na naman ang susunod na magtangkang gilitin ang sarili niyang buhay--"

Hindi na natapos sa pagsasalita yung mga lalaking nasa likuran ko lang nang tinignan ko sila ng masama. Gulat na gulat pa sila na parang nakakita ng multo, ah?

Kung magbulong-bulongan nalang sana kayo tapos yung pinag-uusapan niyo nasa harapan niyo lang, aba'y harapin niyo ko mga gag*ng to.

"You done talking?" Walang ganang bungad ko sa kanila. Agad ko rin naman silang tinalikuran at binalik ang pakay ko sa pakikipagpila.

Tsk. Even these other students loves to gossip, huh? Lalaking lalaki ang hilig sa mga tsismis. They even knew that I'm a transfer student.

Now I really confirmed that yung mga bulong-bulongan ay tungkol sakin. After hearing those students said about me being the transferee of Section 'T'.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon