Chapter 06: Position

1.3K 99 2
                                    

Adrian Evans' POV

Sa lahat ng mga bagay na ayokong mangyari sa akin ay yung magkaroon ako ng utang na loob sa ibang tao. Nakakababa ng pride ko. But then, it's okay for me to atleast give some appreciation for a person, yeah?

Pero tong taong pinagkalooban ko ng utang ng loob ay hindi lang talaga basta ibang tao. Tsk. It seems so annoying na sa lahat pa ng tao, Yung taong kinamumuhian ko pa talaga.

Gomez.

Siguro isang malaking bagay nalang din sakin ang tinulungan niya ako last time. Thank you nalang sa kanya. Ang hirap sa akin pag nakarinig ako ng kulog at nakasaksi ng kidlat.

Laging bumabalik ang mga alaalang binaon ko na sa hukay. Ang takot na pilit ko pang nilimot ay kusang bumabalik sa tuwing kukulog ng malakas. Well, what can I say? My childhood sucks as hell. Literal na impyerno talaga ang pinagdaanan ko.

But who cares about that now? The important thing is that malaya na ako sa mapang abusong buhay na yun.

Nagpasalamat na nga lang ako sa lalaking yun pero mas mabuti nalang sana na pinabayaan niya na lang ako ng mga oras na yun. Why? Because f*ck him!

Ilang araw na nangyari ang yun and I even already said my thanks to him pero tang*na niya. Lagi niya akong inaalok sa kung anong deal na maging 'bottom' sa Section T.

The f*ck is even a bottom?!

I've been hearing that word the moment I stepped unto this school. No. The moment I stepped my foot inside this section.

Until now, I still don't get by what is a freaking bottom. Siguro masasabi kong halos kalahati ng mga encyclopedia at dictionary na pinublish sa iba't-ibang panig ng mundo nabasa ko na. Sa lahat ng yun nakikita ko lagi ang word na 'bottom' but dito ko lang naranasan magdalawang isip sa mga learnings ko.

F*ck.

I am pretty sure what a bottom means. Pero bakit parang may ibang meaning sa likod na yun? Dahil sa kagwang na Section T na yan lalo lang sumasakit ang ulo ko kakatukoy kung anong meaning ng 'bottom' na pinagsasabi nila. F*ck!

"Hello, Adrian," Nakabungisngis pang bati ni Akihiro nang lumapit siya sa upuan ko. What the hell does this guy want from me now? "Okay ka na ba, Adrian?" Hindi ko siya pinansin.

Pasensiya na, Pare. Nagbabasa ako ng copies kaya burahin mo muna ang pagmumukha mo sa harapan ko. Unless kung gusto mo pati existence mo sa mundo mawala rin.

"Ayaw mamansin ah," Kagwang na Akihirong to. Sino ba ang gustong mamansin sa kanya matapos niya akong gagohin nung mga araw na yun. Tang*nang to.

"Bakit?" Malamig na tugon ko. Tiningnan ko pa siya ng masama.

"Sakit mo makatitig sakin ah?" Dapat lang. G*go. "Gusto lang naman kitang tanungin kong okay ka lang ba? You know," Mapaglarong tinuro niya pa ang kanyang daliri sa likuran.

Kunot-noo ko pa siyang tinignan. "Ano bang pinagsasabi mo? Okay lang ako. Can't you see? I am not a lego block para masira. Idiot." Diniinan ko talaga ang pagsabi sa huling salita. Wala akong panahon makipagpansinan ngayon.

"Medyo harsh ka dun sa sinabi mo, Adrian. Concern lang naman ako eh." Ilang ulit pa niyang kinislap ang mga mata niya.

Umupo pa siya sa may harapan ko na para pang isang batang nawawala sa lansangan at nakanguso pa siya sakin. Sirang ulo to.

"Tell me, kailan ka pa ba naging concern sakin? After all what you guys did to me, huh?" Kung panahon ngayon para manumbat. Ito na ang tamang oras dahil g*gong lalaking to.

Kahit ano-ano nalang ang pinagloloko sakin noong mga nakaraang araw. Tapos ngayon sasabihin na concern siya? Tsk. F*ck unsincere.

"Kaya magsosorry na nga ako eh. Hmph." Nagboboses bata pa talaga siya.

Parang ang hirap paniwalaan ng lalaking to pero mukha naman talagang gusto niyang magsorry. Kaso nga lang baka nagbibiro na naman ang kagwang na to sakin.

A smirk shifted on my lips. A f*cking awesome idea just popped up inside my smart ass brain.

"I forgive you," His eyes widen sa sinabi ko.

"Talaga?!"

"Pero sa isang kondisyon." Para maalis na tong sakit sa ulo ko. Kumunot noo pa siyang tinignan ako.

"Anong kondisyon naman? You want me to kiss you? Sure I wi-- Sabi ko nga hindi." Aaksyon na sana siya na halikan ako. Lokong to!

Kaya ayaw ko magpadala sa mga sinasabi ng g*gong to. Kahit ano ano nalang ang pinagsasabi. Mabuti nalang at nag gesture pa ako na susuntukin siya sa mukha.

"Tell me what's a bottom."

Nakaabot nalang kami sa library pero kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ng Akihirong to. Breaktime namin ngayon, or more like lunch time.

Napag-usapan namin ni Akihiro kanina that he will tell me ano yang bottom na tinutukoy ng mga kaklase namin. In exchange para mapatawad ko siya sa mga ginawa niya sakin.

Kanina pa ako naiinip sa mga sinasabi niya. Ang tanong ko 'ano ba ang ibig sabihin ng bottom' para sa kanila. Pero p*ta bat umabot ata ang topic niya sa outer space? Partida sinasabi niya pa sa akin na nakakita daw siya ng UFO nung bata pa siya. Kagwang to.

"Tapos alam mo ba hindi na nakonsidera na isang planet si Pluto--" Pinatigil ko na siya sa pagsasalita. Baka tuluyan kaming umabot sa kung saang planeta.

Napaupo kami sa may mga couch na sitting area ng library. Masasabi kong ang lawak at ang laki ng library. It has the blue and green color motif at merong mga aircon sa iba't-ibang corners. Meron din siyang second floor kung saan may standby area din at may mga bookshelves din dun.

Nandito lang kami sa first floor. Kumuha lang ako ng isang makapal na dictionary bago bumalik sa pwesto namin.

"Now would you tell me what's a bottom?" Sabi ko pa sa kanya na hindi siya nililingon. Agad ko pang binuklat ang dictionary na nilapag ko sa table na nasa harapan namin. Hinanap ko pa yung letter 'B' words.

Just to confirm.

"Pero hindi ko pa nasabi sa'yo kung anong rason bakit nawala si Pluto sa solar system," Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Hindi nawala si Pluto sa solar system, you idiot. That planet was just excluded because during 2006, the IAU just redefined what it means to be a planet," I can't believe I am explaining something so simple to this guy. Tsk.

"They declared that a planet must be a celestial body--Okay you know what. Mas nalalayo lang tayo sa totoong tanong ko." Ramdam ko talagang iniiwasan lang ng Akihiro na to ang original question ko sa kanya.

"What. Is. A. Bottom?" Iniisa-isa ko pa talaga bagbanggit ang mga salita. Kada salita ay dinidiinan ko. "Tell me now o ipapadala kita ngayon sa Gliese 1214 b. Kung hindi mo alam yan, then useless lang yang mga sinasabi mo sa akin tungkol sa solar system. Tsk."

Like I said, I am a smart student. Alam ko ang mga iba't-ibang planets na nasa outer space--Ay g*go! I have no time discussing myself about this. Sh*t.

"It's a position," Tanging sagot pa lang niya sakin. Ano daw? Parang di nagpoprocess ang utak ko sa sinabi niya. Position for what?

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Pwede niya naman sigurong i-elaborate ang sagot niya.

"Tinatanong mo ako kung ano ang ibig sabihin ng bottom para sa'min. Then you have your answer," Ngumisi pa talaga ng nakakaloko tong lalaking to. "It is a position." Dagdag pa niya.

Okay, you know what?

Lalong sumakit lang ang ulo ko sa sagot niya. Bottom is a what for them? A position?

But what?!

--The Only Bottom At Section Top--

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now