Chapter 039: Researches

429 35 35
                                    

Akihiro Sakagari's POV

Kakagising ko lang at diritso pa akong pumunta sa harap ng body mirror ko rito sa aking kwarto. Halos di ko na mamukhaan yung sarili ko dahil namamaga pa yung mga mata ko kakaiyak kagabi.

I still feel guilty on what I said to Adrian.

Pati ngayon, di pa rin ako makalimot sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. Sa mga ginawa namin sa kanya. Usto kong humingi ng sorry kay Adrian.

Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano magsisimula sa panghingi ng tawad sa kanya. Labis namin siyang sinabihan ng masasakit na mga salita, at hindi ko rin alam kung mapapatawad niya ba kaya kami--ako.

Ako.

Can he ever forgive me?

May namumuo pang mga luha sa aking mga mata. I need to stop myself from crying, but I just pouted at myself in front of my mirror. Nakakaiyak naman kasi dahil kung ako talaga nasa posisyon ni Adrian kahapon, alam kong masakit talaga yun. Siguradong mababasag talaga ang puso ko pag ako yung sinabihan nang ganun.

Pero ginawa ko pa rin ang sinabi nila sa akin. Na sabihin yun. Ang tanga ko. Ang tanga mo, Akihiro. Gusto ko nalang manghagis ng mga bagay dahil sa sakit at galit ko sa sarili ko.

Sinaktan ko siya.

Si Adrian.

I'm sorry. Hindi ko sinasadya na sabihin yun. Kung pwede palang talaga balikan ang oras, ginawa ko na yun ngayon. Kung sana may time machine palang ako, baka siguro napigilan ko na ang sarili ko ngayon para sabihin yung mga yun kay Adrian.

Kung may sana isang Alien lang ngayon na magdadala sa akin pabalik kahapon eh--bumuntong hininga pa ako sa mga pinag-iisip ko ngayon. Stop being childish, Akihiro. I really need to be someone matured, pero paano ba? Hindi ko alam.

Buong buhay ko tinuring akong bata nang mga tao sa paligid ko. Even though, cringe masyado ang mga pinagagawa ko, pero aware ako sa mga actions ko. Lahat ng galaw at salita ko, napakachildish. Gusto ko nalang batokan ang sarili ko, hmp.

Kasalanan mo 'to, Akihiro. Kasalanan ko to. Kung sana naging maingat palang ako sa pagsabay sa desisyon ng buong Section namin, hindi ko sana masasabi yun kay Adrian. Baka, Akihiro! Boku wa hontoni no baka! Boku--hidoi no hito ga, tottemo (Stupid, Akihiro. I'm really stupid. I'm--such a bad person, so much). Nararamdaman ko pa ang mga luha kong naglandas pababa ng pisngi ko kakaisip sa sinabi ko kay Adrian kahapon.

Ang bad ko, sobra. Napaupo nalang ako sa sahig habang nakatingin pa rin sa body mirror ko. Napayakap pa ako sa aking mga tuhod at tinitingnan ko lang sa harap ng salamin kung paano patuloy sa pagragasa ang mga luha ko palabas ng aking mga mata. Ang sakit sa parte ko, sobra.

Usto kong maging friends ulit kami. Usto kong magkabati kami. Ayoko na baka dahil sa ginawa ko ay magsisisi ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko gustong mangyari yun. Sising-sisi na ako sa nangyari last year, I just can't handle it when I feel the regret again the second time.

I don't want to lose a friend, ever again.

Di namin nagawang protektahan si Adrianne noon, kaya itong chance na ito para ayosin ang lahat ng pagkakamali ko sa nakaraan, hindi ko sasayangin yun. Ayoko na namang umiyak ng sobra dahil lang sa pagkawala ng isang kaibigan. Gusto ko ayosin lahat. Pupuntahan ko si Adrian mamaya sa kanyang dorm room--tama, pupuntahan ko siya. Magsasabi ako ng sorry sa kanya at gagawin ko ang lahat, mapatawad lang niya.

Gagawin ko--

Ayokong baka mahuli pa ang lahat.

Hmph.

The Only Bottom At Section Top | BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now