CHAPTER 43

85 22 0
                                    

Maki's POV

Tahimik akong nakaupo sa upuan habang nakayuko at nakababa ang paningin. Magkahawak ang kamay habang tahimik ang paghikbi. Napanood ko pa ang pagtulo ng luha ko sa lapag. Sunod sunod iyon na halos manlabo na ang paningin ko.

"Maki..."

Naramdaman ko ang pagtabi ni Max sakin. Magaan nitong hinawakan ang ulo ko at isinandal sa balikat n'ya. Mas bumuhos pa ang emosyon ko nang marahan n'yang hagurin ang likod ko. Kapwa lang kaming tahimik habang tila pinakikiramdaman ako nito.

Inangat ko ang paningin ko at agad iyong tumama sa malaking litrato ni Mei. Malaki ang pagkakangiti at maliwanag ang muka. Ang totoo'y nahirapan pa nga ako'ng maghanap ng litrato n'ya. Wala kasi talaga s'yang larawan sa lahat ng camera n'ya. Puro larawan lang ng kapaligiran at mga taong mga malapit sa kanya.

Tumama pa ang paningin ko sa napakaraming bulaklak sa paligid ng litrato. Doon ay tila tumagos na saakin na totoo na talaga ang lahat. Totoong wala na talaga s'ya at hindi lang ito isang panaginip.

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ang ibang tao na malapit kay Mei. Dalawang araw na ang nakalipas ngunit punong puno pa rin ang luha ang buong lugar. Kaya halos ayokong manatili rito dahil pakiramdam ko ay para akong sinasakal. Nakakasakal ang emosyon na umaagos sa lugar na ito.

Napansin ko pang wala si Ellie. Kahapon ay sobrang sakit n'yang panoorin. Maghapon at magdamag s'yang nakaupo rito habang nakabantay kay Mei. Paminsan minsang mapapapikit dahil sa antok at magigising na para bang binabangungot. Titingin sa paligid na para bang kinukumpirma ang lahat. Tatama ang paningin sa litrato ni Mei at babakas ang reyalidad sa muka. Matapos non ay muling luluha na parang bata.

"President...."

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Nakita ko si Coco na nakayuko habang panay ang pagluha. Katabi n'ya ang ibang estudyante na kasalikuyan ding nag-iiyakan. Base sa itsura nila ay mukang kakagaling lang nila sa eskwelahan.

Huminga ako ng malalim at sapilitang pinunasan ang luha ko, ngunit  mukang hindi na iyon titigil pa sa pagtulo. Tumayo ako sa kinauupuan na ikinatigil pa ni Max.

"Where are you going?" Mahinang tanong n'ya.

Matamlay akong ngumiti. "Babalik din ako agad."

Iyon lang at diretsyo akong lumabas. Naglakad ako na para bang walang direksyon. Bahala na siguro kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Nakayuko akong naglakad hanggang sa may nakabunggo ako. Agad akong nagtaas ng paningin dito ngunit bahagyang natigilan nang makilala s'ya.

"L-Lara...?"

Bumuntong hininga ito habang bakas na bakas ang pag-aalala sa muka. Kumuha ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang luha ko.

"Please, be careful." Marahan nitong tinapik ang ulo ko. "Nakita mo rin ba si Hana? Hindi ko s'ya ma-contact, nag-aalala ako." Naihilamos pa nito ang kamay sa muka.

Agad ding tumama ang pag-aalala sakin. "Hahanapin ko s'ya. Sasabihan kita agad." Tipid akong ngumiti at lumabas na.

Nang makalabas sa gusali ay nahinto ako ang mga paa ko. Napatingin ako sa kalangitan at nakitang sobrang makulimlim. Madilim at paniguradong malakas na ulan ang bubuhos mamaya.

Tinahak ko ang sasakyan ko at pabagsak na naupo roon. Isinandal ko ang likod sa upuan at saglit na pumikit. Pakiramdam ko ay sobrang lungkot ng paligid at walang buhay ang bawat tao na makikita ko. Idagdag pa ang malungkot din na panahon. Para bang nakikisimpatya rin ito.

Matapos ang ilang sandali ay minameho ko na iyon. Nagmaneho lang ako sa kung saan habang walang eksaktong direksyon. Wala sa sarili hanggang sa hindi ko namalayang nakarating ako sa condo ni Mei. Gusto kong mapamura dahil doon. Iniiwasan kong magawi rito ngunit nandito ako ngayon.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now