CHAPTER 4

242 29 0
                                    

Ellie's POV

Blanko ang mukang nakatingin lang ako sa whiteboard habang parang wala pa sa sarili. Tahimik ang buong classroom dahil ako lang mag-isa at ang mga kaklase ko ay nasa cafeteria. Lunch na namin ngayon ngunit wala akong ganang bumaba at pinili na lang na manatili sa room. Ilang beses pa akong pinilit ng mga kaibigan ko kanina ngunit naging matindi ang pagtanggi ko.

Napabuntong hininga ako at inilipat ang paningin sa labas ng bintana. Doon ay muling nabalik sa isip ko ang hindi inaasahang pagkikita namin ni Mei nung sabado. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya at hindi narin ako nagkaroon pa ng panahong makapagtanong pa.

Tanging ang mama at kapatid ko lang ang nagbantay sa kanya habang ako ay nanatili sa kwarto ko. Hindi ko na inisip pang makielam dahil alam ko namang kayang kaya iyon ng ate at mama ko. Sa ugali ng mga iyon ay paniguradong hindi sya non papabayaan.

Gusto ko man sana s'yang kamustahin kinaumagahan ngunit paggising ko ay wala na sya. Ang sabi ng kapatid ko ay sobrang aga raw nitong umalis na hindi na nila napigilan pa. Hindi maitatangging may parte sakin na nanghinayang.

Inilabas ko ang piraso ng papel sa bulsa ko at paulit ulit iyong binasa. Ibinigay iyon ng kapatid ko sakin na pinapabigay daw ni Mei bago ito umalis. Nakalagay lang doon ang pasasalamat nito at numero nya. Nagbabakasakaling ma-contact ko sya sa sandaling ako naman ang may kailangan. Para lang daw makabawi sya kahit papaano at mabayaran ang abala nya sakin.

Napangiwi pa ako dahil hindi naman ako nagpapabayad dahil kusa ko lang s'yang tinulungan, at hindi ako naghihintay ng anumang kapalit.

Napabuntong hininga na lang ako at yumuko sa desk ko. Saglit pa akong nag-isip ng kung ano ano. Akma na nga sana akong pipikit nang maramdaman kong tila may umupo sa tabi ko. Nangibabaw din ang pambabaeng pabango na hindi ko alam kung sino.

Humarap ako sa kanang direksyon habang nanatiling nakapatong ang ulo sa mga braso ko. Bahagya pang umangat ang kilay ko nang makita si Saru na nakatanaw din sakin. Bahagya pa nga itong nagulat nang magtama ang paningin namin. Pasimple pang umikot ang paningin ko sa buong room at nakitang kaming dalawa lang ang nandito. Wala pang kahit isa sa mga kaklase namin.

"A-Ayos ka lang ba?" Parang naiilang la na tanong nito at bahagya lang napapayuko.

Ganito talaga ang ugali nya kapag magkaharap kami. Para bang lagi syang naiilang at nahihiya sa hindi malamang dahilan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang hiya nya gayong halos sabay naman kaming lumaki.

Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa binigay nya nung nakaraan.

"Hmm." Simpleng sagot ko at bahagyang ngumiti. "Salamat nga pala sa binigay mo nung nakaraan."

Agad gumuhit ang malaking ngiti sa labi nito. "Hindi mo na kailangang magpasalamat pa. Wala lang 'yon." Tila nahihiyang sabi nya at napakamot pa sa pisnge.

Bumuntong hininga naman ako at umayos ng upo. "Ayoko lang magmukang abusado. Alam mo namang para narin kitang kapatid." Kibit balikat na sabi ko at ngumiti ng malaki.

Nakita kong napayuko ito sa magkahawak nyang kamay at ilang sandaling natahimik. Maya maya'y sinalubong nito ang mata ko at matipid na ngumiti.

"M-Mauna na pala ako. Nakalimutan kong may usapan pala kami ng mga kaibigan ko." Mabilis itong umalis sa harap ko at hindi na ako hinintay pang makasagot.

Nagtataka naman akong sinundan sya ng tingin. Hindi ko alam kung saan pa sya pupunta gayong ilang sandali na lang ay dadating na ang susunod naming lec. Paglabas nya pa nga ng room ay saktong pagpasok naman ng mga kaklase namin. Mas lalo pa akong nagtaka nang makitang pumasok narin ang mga kaibigan nya na hindi naman sya kasama.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now