CHAPTER 38

106 22 0
                                    

Ellie's POV

Ramdam ko ang antok na lumalaban sa katawan ko ngunit hindi ko iyon magawang indahin. Masyadong maganda ang mood ko na halos nagkukumawala ang ngiti sa labi ko. Sobrang gaan ng pakiramdam na para bang nakalutang.

Ilang beses na kaming lumabas na dalawa pero ganito pa rin ang epekto sakin.

Hindi ko na napigilan pang mapangiti habang nasa sapatos ang paningin.  Nakatayo ako ngayon sa harapan ng isang malaking mall habang naghihintay. Dito ang napag-usapan naming puwesto at halos kakarating ko lang din. Para pa akong tanga na nakayuko sa paa ko na abala sa pagsipa sa maliliit na bato.

Lumipas pa ang ilang sandali at nag-umpisa nang hindi mapakali ang kilos ko. Ilang beses akong bumuntong hininga upang ipanatag ang sarili ko. Maski rin kasi ako ay hindi maintindihan ang ganito kong kilos. Sa tuwing nawawala s'ya sa paningin ko ay para bang napupuno ng takot ang dibdib ko.

Tuwing maghihiwalay kami ng landas ay nababalot ako ng pangamba. Tuwing alam kong makikita ko s'ya ay hindi ako mapakali. Gusto ko agad na makita s'ya mismo sa harapan ko. Tila ba natatakot na baka hindi ko na s'ya makita pang muli.

Gusto ko pang mainis sa sarili dahil wala naman akong dapat na ikaganito.

Ano bang ikinakatakot ko?

"Ellie."

Mabilis kong naingat ang muka at paningin. Kumabog pa ng malakas ang dibdib ko nang makita si Mei na nakatayo mismo sa harapan ko.

"Sorry, ngayon lang ako. Kanina ka pa ba?" Nag-aalangan pang tanong n'ya at napakamot sa pisnge.

Hindi pa rin ako nakasagot at nakatingin lang sa kanya. Kumurap kurap pa ako habang tila sinisigurado na s'ya nga ang nasa harapan ko.

"...are you okay?" Nagtataka nang tanong n'ya.

Ipinilig ko ang ulo at ngumiti. Bumuntong hininga ako at pilit na inalis ang lahat ng negatibong bagay sa isip ko. Ngumiti ako ng malambot at tumayo ng maayos.

"Kakarating ko lang din." Iyon ang lumabas sa bibig ko.

Tumango tango ito. Doon ko lang din napagmasdan ang kabuuan n'ya. Nakasuot lang s'ya ng simpleng t-shirt at pants ngunit nangibabaw pa rin s'ya sa lahat ng tao rito.

She's really pretty.

Marahan itong natawa at kinuha ang kamay ko. Nagulat pa ako roon kaya hindi ako nakapag-react agad. Hinayaan ko lang s'ya na hatakin ako. Mabilis pang lumaki ang ngiti sa labi ko.

"Woah? Kanta n'yo 'yan, diba?"

Nahinto ito sa paglalakad at humarap sakin. Nahinto rin ako sa paghakbang upang makinig. Ilang sandali pa ay nakumpirma ko na kanta nga namin iyon.

"Such a nice song." Dagdag n'ya pa habang may malambot na ngiti.

Marahan akong natawa. "Yeah, sinulat 'yan ni Max."

Matapos non ay nagpatuloy kaming muli sa paglalakad. Naglibot kami sa buong lugar habang magkahawak ang mga kamay. Panay ang pag-uusap ng mga kung ano anong bagay.

Ilang oras din ang nasayang namin sa paglalakad hanggang sa napagpasyahan naming kumain muna. Namili kami ng kakainan at pumasok na roon. Diretso lang ang tingin ko hanggang sa laking gulat ko nang may mabagga ako. Nakita ko pa nga ang pagtalsik ng cellphone nito.

Agad akong nagulat at tumingin dito. Wala namang natumba samin ngunit mukang nabasag talaga ang cellphone n'ya. Kahit nakatalikod ito ay alam kong babae s'ya.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon