CHAPTER 16

183 26 0
                                    

Ellie's POV

Blanko ang muka na nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nanatili kami sa posisyon na kinabagsakan namin at aaminin kong namamanhid na ang braso ko. Gayunpaman ay wala akong lakas ng loob na umalis at abalahin ang katahimikan.

Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ako ng tiyansang ilibot ang paningin sa buong kwarto. Madilim ang kalahati ng silid na hindi nasasakop ng liwanag mula sa buwan. Nakapatay ang ilaw ngunit nakikita ko parin ang magulong paligid. Nakatulong narin ang hindi paglalagay ng kurtina kaya't kahit papaano'y maliwanag.

Nagbaba ako ng tingin sa dibdib ko. Nanatili parin ang payakap ni Mei sakin at pagsiksik ng muka n'ya sakin. Nakahinga narin ako ng maluwag dahil natigil na ang pag-iyak n'ya. Napalitan nga lang ng nakakabinging katahimikan.

Maya maya'y bigla s'yang umalis sa pagkakayakap sakin at tumayo. Doon ko lang napansin ang suot n'yang malaking puting t-shirt at mahabang pajama na halos lumagpas na sa paa n'ya. Ang buhok n'ya ay nakalugay at magulo. Nakatalikod s'ya sakin kaya hindi ko makita ang muka n'ya.

Pasalampak akong naupo sa sahig at tumingin lang sa likuran n'ya. Maging hanggang ngayon ay walang namutawing salita sa pagitan naming dalawa. Ang katahimikang ito ay tila ba nagdudulot ng kakaibang bigat ng pakiramdam sakin. Hindi ako mapakali sa hindi malamang dahilan.

"Ellie..."

Agad akong natigilan nang iusal n'ya ang pangalan ko. Ang boses n'ya ay mahina at tila walang buhay. Para lang s'yang bumubulong ngunit dahil nga sobrang tahimik ng lugar, malinaw ko parin s'yang narinig.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kanya.

"Ano bang dapat kong gawin...? Hindi ko na alam kung anong gagawin..."

Pakiramdam ko ay hindi ako ang kausap n'ya. Para bang tumagos lang sakin ang sinabi n'ya at ang sarili mismo ang kausap.

Pinanood ko lang itong tumingala sa kalawakan. Maya maya ay dahan dahan n'ya pang iniangat ang kaliwang kamay na animo'y may inaabot.

"Ngayon ay para na lang akong kalawakan na sobrang dilim. Wala na 'yung nag-iisang bituin na tinitingala ko, na nagbibigay liwanag sakin." Punong puno ng hinanakit ang boses n'ya.

Bahagya pa akong nagulat nang bigla s'yang humarap sakin. Agad na lumamlam ang mata ko nang bumungad sakin ang lumuluha n'yang mata. Ang pisnge ay basang basa ng luha habang kagat kagat ang labi.

Namutawi sa tahimik na lugar ang mahina n'yang hikbi na hindi naglaon ay lumakas. Ang kamay n'ya ay dumaklot sa dibdib at bahagya pang naiyuko ang muka. Napuno ng emosyon n'ya ang buong silid.

"H-Hindi ko na alam----h-hindi ko na alam kung anong gagawin ko. P-pagod na pagod na 'ko, eh.."

Tila hindi s'ya makapagsalita nang maayos dahil sa paghikbi. Bahagyang nanginginig ang boses at labi n'ya. Ang dibdib ko ay agad na nahawa sa emosyon na nilababas n'ya. Napuno ako ng awa ngunit hindi ko alam kung paanong gagawin. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong manatili sa tabi n'ya.

Akma na sana akong tatayo para lapitan s'ya nang gumalaw s'ya kaya tumama ang liwanag sa mismong muka n'ya. Agad nanlaki ang mata ko nang makita ang kabuuan ng non at para pang tinangay ang sasabihin ko.

Mabilis akong tumayo at marahang hinawakan ang balikat n'ya upang iharap s'ya sa liwanag. Doon ay agad akong napaatras sa bumungad sakin. Maraming pasa ang muka n'ya at putok ang gilid ng labi na dumudugo pa. Ang pisnge ay namumula na animo'y bahagya pang namamaga. Bumaba ang tingin ko sa mga braso n'ya at bumugad din sakin ang maraming sugat at pasa.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz