CHAPTER 3

250 28 0
                                    

Ellie's POV

Walang emosyon akong nakatayo habang naghihintay ng bus. Panay hikab pa ako habang kinukusot kusot ang mga mata ko. Masyadong napaaga 'yung usapan namin ngayon kaya halos hirap akong bumangon kanina. Gayunpaman ay mukang mas ayos naman na ata siguro 'yon para mas mahaba ang oras at mas maayos kaming makapagpractice.

Inayos ko ang strap ng guitar bag sa balikat ko at kinuha ang cellphone sa bulsa. Nakita ko pang nagtatalo ang mga ito sa group chat namin at halatang hindi pa nakakaalis sa kani-kanilang bahay. Nagsalubong ang kilay ko dahil paniguradong ako na naman ang pinakauna at late na naman silang lahat.

Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa nang may huminto ng bus. Mabilis akong sumakay at naupo sa dulo. Napatingin pa ako sa labas ng bintana at nakitang talagang maganda ang panahon ngayon. Malamig din dahil nga maaga pa at mukang hindi na uulan.

Naging mabilis lang ang byeha dahil wala pang masyadong mga sasakyan. Maluwag ang kalsada at walang trapiko. Ilang sandali lang ay nakarating na ako kaya mabilis akong bumaba. Ilang beses ko pang tinignan ang cellphone ko pero wala parin akong natatanggap na mensahe mula sa kahit isa sa kanila. Hindi ko tuloy alam kung papunta na ba sila o ano.

Napapabuntong hininga akong naglalakad habang nakalagay sa bulsa ang isang kamay. Bahagya pang mahangin kaya nililipad ang bahagyang magulo kong buhok na sinusuklay ko naman gamit ang kamay ko. Halos ako lang din ang naglalakad dahil maaga pa. Ang ilang nakikita ko ay mga nagjojogging at ang ilan ay may mga dalang alagang aso.

Huminto ako sa harapan ng isang maganda at malaking bahay. Nakapatay pa ang ang mga ilaw kaya alam kong tulog pa ang nakatira doon. Mas gusto kasi nitong natutulog na walang ilaw kahit mag-isa lang sa malaking bahay na ito.

Pinindot ko ng dalawang beses ang doorbell at naghintay saglit. Lumipas ang ilang minuto ay walang lumabas kaya nagpipindot akong muli. Sa pangatlong pagkakataon ay wala talagang nagbukas kaya pinindot ko nang pinindot ang doorbell. Halos kunot na kunot na ang noo ko habang parang bata na walang tigil na nagpipindot.

Maya maya ay bumukas ang pinto bg gate. Napangiwi pa ako nang bumungad sakin ang masama ang mukang si Cleo. Halatang kakagising lang nito at malaki ang sama ng loob na bumangon. Gulo gulo pa ang buhok nya at masamang tumingin sakin.

"Ang ingay mo naman." Masungit na sabi pa nya.

Hindi ko naman sya sinagot at pumasok na lang. Akma na sana nyang isasara muli ang pinto nang may nangibabaw na boses.

"Oyyy!"

Lumingon ako at nakita si Ten na tumatakbo papunta samin. Puno ito ng enerhiya habang ang dalawa sa likod nya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Si Rio ay hihikab hikab habang si Max ay parang sapilitan pang pinabangon sa higaan kaya mukang masama pa ang loob. Sa likod nina Rio at Max ay nakasukbikt ang kani-kanilang gitara.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob at muling bumungad ang magandang bahay nila Cleo. Kahit mag-isa lang syang nakatira dito ay talagang laging malinis at maayos parin. Ayaw nya rin naman kasing kumuha ng katulong.

Pagkaupo sa sofa ay binuksan ko ang bag ko at kinuha ang notebook doon. Saglit ko pang tinignan ang nakasulat doon at nilapag iyon sa table. Pinahinga ko ang batok ko na isinandal ko sa sofa at pumikit.

"Tapos mo na?" Rinig kong malakas na tanong ni Ten.

Dinilat ko ang mata ko habang hindi ginagalaw ang ulo ko. Tumama ang paningin ko kay Ten na nakasilip mula sa kitchen. Paglabas pa nito ay may dala na itong kung ano anong pagkain. Malaki pa ang ngiti nito na animo'y pag-aari nya ang mga iyon.

"Hmm." Simpleng sagot ko. Nakita ko pang dinampot ni Max ang notebook.

"Ano? Tara na agad?" Nakangiting tanong pa nito habang ang tingin ay nasa notebook parin.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now