CHAPTER 7

229 28 0
                                    

Mei's POV

Papalit palit ang tingin ko sa cellphone at sa daanan. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa hindi masukat na kaba at takot. Pinaghawak ko pa ang pareho kong kamay upang kahit papaano'y mahinto ang pagnginig non.

Ilang sandali pa ay bumaba na ako sa harapan ng isang exclusive subdivision. Hindi ko na kailangan pang magpakita ng kahit anong ID dahil kilalang kilala na ako ng mga guard dito. Binati pa nga ako nito na tipid ko lang nginitian. Hindi kasi talaga mapakali ang isip ko kaya wala ako sa huwisyong magsalita.

Nilakad ko lang ang bahay namin dahil malapit lang naman. Hawak hawak ko ang cellphone kong hindi matigil sa pagtunog, na hindi ko naman tinangkang sagutin. Kahit hindi ko pa s'ya nakikita ay alam ko na kung anong mga sasabihin nya. Alam ko na kung bakit s'ya tumawag at gusto nya akong pauwiin.

Alam kong galit na naman s'ya.

Huminto ako sa harapan ng isang napakalaking bahay. Unang tingin pa lang ay alam mong hindi lang basta mayaman ang nakatira doon. Malaki kasi talaga at moderno.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago pinindot ang doorbell. Halos hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay agad bumukas ang pinto at bumungad sakin ang ilang katulong. Kapwa ito nakayuko na animo'y hindi ako matignan sa mata. Sabay sabay pang bumati sakin ngunit hindi ko na nagawang sagutin.

Malalaki ang hakbang na pumasok ako. Nakita ko pang napatigil ang mga katulong at tauhan na nadaanan ko para lang yumuko sakin. Gusto pang umikot ng mata ko dahil ayoko talaga ng ganito. Wala naman akong pakielam talaga sa yaman nya.

"Lady Mei." Biglang may sumulpot na babaeng katulong sa tabi ko.

Hindi ko man lang s'ya tinignan at nanatiling nakatingin sa harapan ko. "Nasaan s'ya?" Tanong ko pa.

"Nasa office po." Magalang nitong sagot.

Hindi na ako sumagot dito at dumiretsyo na lang sa office ng daddy ko. Hindi ko na inabala ang sariling kumatok at basta na lang binuksan ang pinto.

Ramdam ko ang pagkawala ng emosyon sa muka ko at pagkawal ng buhay sa mga mata ko. Ang pamilyar na awra sa lugar na ito ay para bang sumasakal sakin. Ang mga alaala na pilit kong ibinaon ay kusang bumabalik tuwing umaapak ako sa bahay na ito.

"Tumutugtog ka parin pala?" Iyon agad ang ibinungad nya.

Abala ito sa mga papeles sa ibabaw ng mesa nya at hindi man lang nag-abalang tumingin sakin. Malamig ang tono ng boses nya, na may halong pangungutya at halatang isang sagot ko lang ay mapuputol agad ang manipis na lubid ng pasensya nya.

Hindi ako sumagot at napayuko lang. Namagitan ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin, hanggang sa natigilan ako nang may lumaglag na papel sa paanan ko. Napatingin ako sa kanya at agad na sumalubong sakin ang matatalim na mata nito.

"Sumali ka pa talaga dyan?" Muling nangibabaw ang boses nya. Nagpalumbaba ito at masamang masama ang paningin na pinukol sakin. "Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko, Mei?"

Muli, hindi ako nakasagot at napatingin na lang sa magkahawak kong kamay. Wala akong mahagilap na dapat na isagot sa kanya.

"Ilang beses ko ba dapat na sabihin sa'yo na mag-focus ka lang sa pagdodoktor?" May bahid na ng galit ang boses nito. "Ano bang mapapala mo sa pagtugtog na 'yan?"

"Ayokong maging doktor." Mahinang sagot ko ngunit sapat lang para marinig nya.

Natahimik ito saglit pagkatapos ay ipinag-cross ang mga braso. "Narinig na kitang tumugtog. Hindi mo man lang napukaw ang interes ko, tapos gusto mo paring ipagpatuloy 'yan?" Narinig ko pa ang mahinang tawa nito na punong puno ng pangungutya.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now