CHAPTER 30

136 23 0
                                    

Ellie's POV

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kapatid ko na nangibabaw ang boses. Nasa isang malaking room kami at dito nila napagkasunduang kumain. Sobrang laki ng room na ito na kasya kaming lahat. Sobrang ganda at linis din ngunit ngayon ay may mga kalat na.

Dahil tingin ko'y isa ito sa mga presidential suite ay talagang magarbo ang buong lugar. Malaki at malawak ang dining area ngunit napili nila rito sa living room. Pare-parehong nakasalampak sa lapag kahit maganda at malambot naman ang sofa.

"Ano? Inom tayo mamaya?" Nakangiting ani ni Erin.

Napangiwi ako. Kung makapag-aya kasi ito ay animo'y sa kanto makikipag-inuman. Akala mo rin ka-edad ang mga kausap.

Agad na sumang-ayon ang lahat at nagtawanan pa sila. Talagang nakapagplano na sila para sa gagawin mamayang gabi. Maging si Coco at Maki ay nakikisali rin. Tanging si Saru lang ang tahimik at walang imik. Gusto ko pang manibago rito. Panay lang ang paglibot nito ng paningin habang seryoso ang muka. Hindi ko alam kung anong gumugulo sa kanya.

"Hoy, sumali ka nga! Ang kj mo talaga, eh no!" Sigaw ni Erin sakin.

Agad ko s'yang nginiwian. "Manahimik ka nga. Ang ingay mo."

"Aba? Ganyan ka na ba makipag-usap sa ate mo?!"

Nagpanggap pa itong animo'y nasasaktan talaga habang nakahawak sa dibdib. Mas lalong sumama ang muka ko.

"Oo na, oo na." Bumuntong hininga ako.

"Sasali 'yan. Basta kung nasaan si Mei ay nandon 'yan." Tumango tango pa si Cleo.

Hindi ako sumagot at pasimpleng hinanap lang si Mei. S'ya ang nag-aya kanina ngunit wala naman s'ya rito. Mukang abala pa ito sa kung anong bagay.

"Nasan nga pala si Mei?" Malaki ang ngiting tanong ng kapatid ko.

"Kausap pa si Hana. Nandito na rin 'yon maya maya." Si Maki ang sumagot.

"Hmm." Simpleng tango lang ang sinagot ni Erin.

"Narinig kong director pala 'yung may-ari nito?" Noon ko lang narinig na nagsalita si Saru.

"Yes. Direktor ang posisyon n'ya sa malaking kumpanya na pinapatakbo ng pamilya nila."

"Bakit hindi mo muna kami kwentuhan tungkol sa kanila? Marami pa naman tayong oras." Nakangiting suhestiyon pa ni Saru.

"Parang hindi naman ata magandang ikuwento ko ang buhay nila." Marahan pang tumawa si Maki.  "Mas maganda siguro kung sa kanila mismo manggaling."  Maayos na sabi n'ya at ngumiti.

Mukang natigilan si Saru ngunit pilit na ipinatili ang ngiti sa labi. "I-I mean, wala naman sigurong masama----"

"Hindi kasi sila kung sino lang na pwedeng ipalandakan ang buhay sa iba." Blanko ang mukang pagputol n'ya pagkatapos ay mabagal na ngumiti.

"I-I see." Natitigilan na lang na sabi ni Saru.

"Pero kung gusto n'yong malaman kung anong klaseng tao si Hana..." Tumingin si Maki sa mga kasama namin na talagang nag-aabang sa sasabihin n'ya.

"....she's really scary."

"Scary?" Sabay sabay na tanong nila.

"Hmm." Umayos ng upo si Maki at humarap sa lahat. "And she's a sister-complex freak. Kayang kaya n'yang ipamigay 'tong buong beach resort kapag sinabi ni Mei." Nalukot pa ang muka nito.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now