CHAPTER 22

161 25 0
                                    

Ellie's POV

Nang marinig na tumunog ang cellphone ko ay agad ko iyong kinuha sa bulsa ko. Bahagya pa akong nagulat at nagtaka nang makita ang pangalan ni Mei roon. Napalingon naman ako sandali sa gawi ni Saru na nakatingin sakin.

Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang sasabihin ng nasa kabilang linya. Lumipas ang ilang segundo ngunit gaya ko ay hindi rin ito nagsalita. Tanging tunog lang ng mga sasakyan at kung ano ano ang naririnig ko.

Kinuha ko ang cellphone na nakatapat sa tenga ko upang tignan muli ang pangalan doon. Tila ba wala sa sarili kong tinignan kung si Mei nga ba talaga ang tumawag. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari dahil ang alam ko ay may pinuntahan s'ya.

Ngayon ang araw na pinakahihintay n'ya at alam ko kung gaano ito inaabangan. Gaya ko ay pangarap n'ya ring tumugtog sa malaking entablado. Maaga pa at sigurado akong hindi pa iyon tapos. Hindi ko tuloy alam kung anong nangyayari.

Maya maya ay mabilis na nabura ang lahat ng iniisip ko. Awtomatikong kumunot ang noo ko nang nangibabaw ang sunod sunod na hikbi. Mabilis din ang paghinga n'ya na para bang pagod na pagod.

"M-Maki..."

Maki?

Mahina ang boses nito na animo'y bumubulong.

"I-I--- I wanna go home..."

Tila hirap na hirap n'ya iyong sinabi sa pagitan ng paghikbi.

Matapos non ay mabilis n'ya ring pinatay ang tawag. Kasunod non ay ang pagtunog pa ng cellphone ko. Mensahe iyon na naglalaman ng isang address. Magulo ang pagkakasulat ng mensahe ngunit agad ko rin naman iyong naintindihan. Mabuti na lang kabisado ko ang mga lugar dito.

Kung ganoon ay akala n'ya si Maki ang natawagan n'ya.

Sa kabila ng pagtataka at magulong isip ay mabilis akong tumayo. Hindi na nga ako nakapagpaalam pa ng maayos kay Saru. Nag-iwan na rin ako ng pambayad at mabilis na tumakbo.

Hindi matigil sa pagkalabog ang dibdib ko.

Agad akong naghintay ng masasakyan ngunit walang dumadaan. Gusto kong mapamura dahil madilim na at ayokong mag-aksaya ng oras. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari ngunit hindi na iyon mahalaga ngayon.

Nag-aalala ako.

Lumipas pa ang ilang sandali at wala pa ring dumadaang sasakyan. Papalit palit ang tingin ko sa kalsada at sa relos ko. Muli akong napamura habang hindi mapakaling nakatayo. Bumuga ako ng malalim na buntong hininga at muling tinignan ang cellphone ko.

*BEEP BEEP*

Napalingon ako sa pinanggalingan ng busina na iyon. Nakita ko si Erin na nakasakay sa kotse n'ya at nagtatakang nakatingin sakin. Base sa itsura n'ya ay pauwi na s'ya.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong ko.

Tumaas ang kilay nito.

"...magkikita kami ng kaibigan ko d'yan sa coffee shop." Tinuro n'ya ang nasa likod ko.

Doon ay para ba akong nakakita ng pag-asa. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Peram ng kotse."

"A-Ano?" Nagugulat na tanong nito.

"May kailangan akong puntahan." Pinakita ko sa kanyang nagmamadali ako.

"E-Emergency ba 'yan?" Natitigilang tanong n'ya pa.

Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. Unti unti na akong nauubusan ng pasensya. Tumingin pa akong muli sa relos ko at nakita kung gaano katagal na akong nagsasayang ng oras dito. Gusto ko nang mainis. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong maramdaman kahit na ako lang ang humihingi ng pabor.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now