CHAPTER 35

115 22 0
                                    

TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS SCENE THAT MAY BE DISTURBING. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK.

Maki's POV

"Alis na 'ko." Pagpapaalam ni Mei.

Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil mabilis itong lumabas ng pinto. Gayunpaman ay malinaw na malinaw sa isip ko ang ngiti na hindi maalis sa labi n'ya. Maski ang hangin sa paligid n'ya ay magaan at alam mo talagang masayang masaya s'ya.

Hindi ko na namalayang napangiti rin ako.

Hindi maipaliwanag ang sayang namuo sa dibdib ko. Halos isang linggo na rin ang nakakaraan mula nung nakalabas s'ya ng ospital. Mula non ay ibang iba na s'ya. Naging laging nakangiti at nawala na iyong itim na presensya sa paligid n'ya. Sigurado akong maganda ang takbo sa pagitan nila ni Ellie.

Palagi na rin silang magkasama. Tuwing uwian ay nakasanayan kong ihinto ang kotse ko sa harapan ng school nila. Nais ko lang tignan si Mei at sa nakaraang araw ay lagi ko silang nakikitang magkasama. Dahil nga presidente si Mei ng school council nila ay madalas itong mahuli ng uwi. Lagi rin namang nakaabang si Ellie sa gate at nanatili lang nakatayo roon habang naghihintay. Doon pa lang ay naging sora na akong panatag.

Ngayon ay masasabi kong hindi ko na kailangan pang mag-alala. Alam kong nasa mabuting kamay s'ya.

Ipinilig ko ang ulo at inubos ang laman ng hawak kong tasa. Matapos iyong hugasan ay kinuha ko na ang coat ko sa ibabaw ng sofa. Sinuot ko 'yon habang naglalakad palabas ng condo.

Ilang sandali pa ay nakababa na ako ay nakalabas na ang gusali. Bago pa man ako sumakay ng kotse ko ay tinignan ko ang cellphone ko. Titignan ko sana ang mga mensahe mula kay Max nang biglang lumabas ang pangalan ni Hana. Hindi ko pa nasasagot ay alam ko na ang sasabihin n'ya.

"Hello." Sagot ko at sumakay ng sasakyan.

Sumagot ito sa lenggwaheng japanese. Sa muling pagkakataon ay tinatanong na naman n'ya kung kamusta ang kapatid. Ilang beses na n'ya iyong natanong mula nung isugod si Mei sa ospital.

"Ayos na s'ya." Bumuntong hininga ako.

Mas naging malakas ang pagbuntong hininga n'ya sa kabilang linya. Base sa boses n'ya ay alam kong hinihilot na naman nito ang sariling sintido. Paniguradong wala pang tulog at kain. Puro trabaho na naman na halos patayin na ang sariling katawan.

"I see." Mahinang ani n'ya na animo'y inaantok pa.

Sanadali akong natahimik.

"Magpahinga ka muna."

"I'm fine."

"No----"

"I'm fine." Nabahiran agad ng pagka-inis ang boses n'ya.

"Kamusta 'yung mga gumawa non kay Mei?"

Iniba ko na lang ang usapan dahil mahirap makipagtalo rito. Tuwing pagod at wala pa itong tulog ay madali talagang mag-init ang ulo n'ya. Konting mali ay sasamain talaga ang kausap.

Ito naman ang sandaling natahimik.

"....ipinaubaya ko kay Yuri."

Doon ay hindi ko na napigilang mapailing. Alam ko na agad kung anong sasapitin ng mga iyon. Maging ang sekretarya kasi nito ay hindi mo gugustuhing banggain.

"Ibababa ko na. Tatawagan na lang kita mamaya."

Ini-start ko na ang kotse at handa na sanang patayin ang tawag nang muli itong magsalita.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now