CHAPTER 13

198 27 0
                                    

Ellie's POV

Kahit gaano kaingay ang mga kaibigan ko at ang mga tao sa paligid ay talagang lumilipad ang isip ko. Kusa iyong bumabalik sa pag-uusap namin ni Mei kanina. Tandang tanda ko at tila naririnig ko pa nga ang sinabi n'ya kanina. Nag-aalala ako sa nararamdaman n'ya.

Halos isang buwan pa lang ata simula nung tuluyan ko s'yang makilala. Sa loob ng maiksing panahon na iyon ay nakita ko na kung gaano n'ya pinapahalagahan ang Jin na iyon. Kahit ilang beses lang namin napag-usapan ang taong iyon ay kitang kita ko ang kakaibang kislap ng mata n'ya.

Napatitig na lang ako kay Mei na abala sa pagkain. Nasa cafeteria kami ngayon at nakaupo s'ya sa mismong harapan ko. Kasama namin ang mga kaibigan ko at abala sila sa pag-uusap. Malalakas din ang tawanan nila na animo'y pagmamay-ari ang buong lugar.

"Uy, ayos ka lang?" Biglang tanong ni Mei, na nasa akin ang paningin.

Napabuntong hininga ako at walang emosyon s'yang tinignan. "Hmm."

"Piano na raw ang susunod. Bilisan n'yong kumain para makanood tayo." Ani Rio.

"Banda lang naman inaabangan ko." Kibit balikat na sagot ni Cleo.

"Panghuli pa 'yon. Siguro mamayang hapon pa talaga." Sabat ko at sunod sunod na kinain ang pagkain sa plato ko.

Sumimangot si Ten. "Inaabangan ko si Ate Maki." Napanood pa naming lumingon ito kay Max. "Diba girlfriend mo 'yon?"

Saglit s'yang tinignan ni Max habang blanko ang muka. Pagkatapos non ay sunod sunod na tumango. "Hmm."

Natigilan naman kaming lahat nang biglang nasamid si Mei. Umubo ubo ito habang hawak ang dibdib. Hirap na hirap pa nitong inabot ang bote ng tubig kaya agad ko iyong inabot sa kanya.

"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ko rito.

Inubos muna nito ang laman ng bote bago tumango. Nagthumbs-up pa ito at humugot ng malalim na buntong hininga.

"S-Seryoso? Girlfriend mo talaga si Maki?" Talagang bakas sa kanya na hindi parin s'ya makapaniwala sa narinig.

Inosenteng humarap si Max kay Mei habang ngumunguya pa. "Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba kami bagay?" Kumurap kurap pa ito habang nakaturo sa sarili.

Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan. Nakita ko sa mga mata ng mga ito na gaya ko, hindi rin sila makapaniwala sa inaasta ni Max. Iyon na ata ang pinakamahaba n'yang nasabi sa ibang tao. Sa harapan lang kasi namin ito nagsasalita madalas dahil para nga itong allergic sa mga taong hindi n'ya kilala.

Kinapa kapa ni Ten ang noo at leeg ni Max. "May sakit ka ba? Gusto mo ipa-confine na lang kita?"

Agad itong sumimangot at tinabig ang kamay ni Ten. "Tss."

Napailing na lang ako at hindi na sila pinansin. Nagpatuloy ang pagbabalyahan nila hanggang sa nagpasya na kaming lumabas ng cafeteria. Habang naglalakad sa hallway ay tila ume-echo pa ang mga boses nila.

Magkasabay at magkatabi kaming naglalakad ni Mei habang nasa likuran ang iba. Pareho kaming walang imik at nakatingin lang sa dinadaanan.

Maya maya ay agad naman kaming napahinto nang may narinig na tila nalaglag at galabog. Agad akong napatingin sa likuran at nakitang nakasalampak si Cleo sa lapag. Napatingin pa ako sa harapan nya at nakita ang kaibigan ni Mei na kapwa nakasalampak din. Mukang nagkabungguan ang dalawa.

"S-Sorry---"

"Ayos ka lang ba?" Nakangiwing tanong ni Cleo dito.

Nakita kong napayuko ang babae at inumpisahang pulutin ang mga libro at gamit na nalaglag n'ya. Nanatili itong nakababa ang paningin na animo'y takot na masalubong ang paningin ng nasa harapan.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Onde histórias criam vida. Descubra agora