CHAPTER 10

213 28 0
                                    

Mei's POV

"Alam kong pakana mo na naman 'yon." Masamang masama ang paningin na sabi ko.

Nakatayo ako sa harapan nya habang ito ay prente lang na nakaupo. Walang emosyon ang muka nito habang nakapalumbaba gamit ang kaliwang kamay. Nakatingin lang ito sakin na para bang walang pakielam sa sinasabi ko. Wala pa s'yang sinasabi ngunit tila pakiramdam ko ay kinukutya na n'ya ako.

"Alam mo namang gustong gusto kong tumugtog. Hindi mo kailangang sirain ang pinaghirapan ko." Matigas na sabi ko habang pilit kinakalma ang sarili.

Napatingin ako sa kanya at nakitang tila wala parin itong interes. Blanko ang muka habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay. Mababasa sa mga mata nito ang pagkabagot habang nakatingin sakin.

Nakagat ko ang labi sa sobrang galit at mariin na nakuyom ang mga kamay. Hindi ko na naitago pa ang sobrang galit sa mga mata ko at masamang masama ang paningin na pinukol sa kaniya.

"Anong pananakot na naman ba ang ginawa mo? Talagang handa kang sirain ang imahe mo para lang mahadlangan ako? Anong klase ka!" Hindi ko na napigilan pang magtaas ng boses. Ramdan ko ang pangingilid ng luha ko dail sa sobrang galit. "Sabagay, sirang sira na nga pala ang pagkatao mo. Bakit pa ba ako magugulat na maski kahihiyan ay wala ka nang natira. Bakit ko nga ba nakalimutan na ikaw ang pinakawalang kwentang tao na nakilala ko----"

"Tapos ka na?" Malamig na sabi nito.

Namagitan ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Masamang masama parin ang paningin habang pinapanood ko s'yang tumayo sa upuan at saglit pang ayusin ang suot na business suit. Nangibabaw sa tahimik na silid ang tunog ng sapatos nya habang naglalakad papuntang direksyon ko.

Lumapit ito sakin pagkatapos ay biglang dinakma ang panga ko. Sobra akong nagulat na halos nanlaki pa ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakawak nya na habang nanginginig pa ang kamay. Alam kong galit na galit s'ya at naputol na ang manipis na pisi ng pasensya nya.

"Huwag kang masyadong masiyahan sa pag-ubos ng pasensya ko, Mei. Alam kong alam mo kung paano ako magalit." Nagbabantang ani nya.

Mas humigpit ang kamay nya kaya sapilitan ko iyong inalis. Buong lakas ko na ang ginamit ko ngunit alam kong kulang iyon dahil tila nanghihina ang mga kamay ko. Talagang nasasaktan ako sa pagkakahawak nya na halos hindi na ako mapakali.

"B-Bitaw----"

"Nakakabilib na nagagawa mong kwestyunin ang pagkatao ko, gayong mas malala ka naman sakin?" Sarkastikonb sabi nito at padarag na binitawan ang panga ko.

Agad akong bumagsak paupo sa sahig habang hawak ang sariling panga. Habol ang hininga habang hindi natinag ang masama kong paningin. Napanood ko pa s'yang maglakad pabalik sa upuan nya at bumalik sa posisyon nya kanina. Sa pagkakataong iyon ay nakangisi na ito ng nakakaloko habang nakatingin sakin.

"Tandang tanda ko parin 'yon, Mei. Hindi ba't ikaw lang ang nandoon nung panahon na 'yon?" Marahan itong tumawa ng nakakaloko. Bakas sa mga mata nya na nasisiyahan s'ya sa reaksyon na nakikita sakin.

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling masama ang pagkakatingin sa kanya. Ramdaman ko ang panginginig ng labi at mga kamay ko. Nagtatangis ang mga ngipin mabilis ang paghinga. Sa isip ay gusto kong takpan ang magkabila kong tenga dahil alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin nya.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now