CHAPTER 28

141 23 0
                                    

Ellie's POV

"Pre, tingin mo ayos lang talaga?"

Napalingon ako sa nag-aalangang si Rio. Pare-pareho kaming may dalang bag ngunit pare-pareho ring nag-aalangan. Pano ba naman ay sobrang bilis lang ng pangyayari. Kahit pa sinabi na ni Mei na ayos lang ay hindi pa rin ako mapakali.

"Hindi ko nga alam, eh." Napapabuntong hiningang sagot ko pa.

"Eto kasing si Ten, hindi man lang naisipang tumanggi." Nginiwian pa ni Cleo si Ten na ngumuso lang.

"Hindi rin naman kayo tumanggi, ah." Mas humaba ang nguso nito.

"Ikaw naman kasi 'yung nagbukas nung topic na 'yon."

"Hindi ko naman alam na ganito 'yung mangyayari. Malay ko bang magpiprisinta si Mei." Parang batang sagot pa ni Ten at niyakap ang bag n'ya.

Hindi na nakasagot ang mga kaibigan ko at sabay sabay kaming napabuntong hininga. Mukang problemado pa rin ang mga ito. Hindi na nga napansin ng mga ito na nakarating na kami at huminto na ang sasakyan. Tila nag-aalangan pa ngang bumaba ng bus ang mga ito. Kung hindi ko lang sila tinawag ay baka nagalit na ang driver samin.

Natanaw ko si Coco na nakatayo sa harapan ng gusali. Nakatanaw ito na animo'y nakikita ang mismong condo ni Mei. Doon ay napansin ko rin na para bang may nakatayo rin sa tabi n'ya. Mukang nag-uusap pa nga sila nito. Dahil nga bahagyang natatakpan ang bandang iyon ay hindi ko iyon makilala.

"Coco!" Nakangiting pagtawag ni Ten dito habang kumakaway.

Agad na naagaw ang atensyon ni Coco at hinanap ang tumawag sa pangalan n'ya. Nang makita ang direksyon namin ay agad itong patakbong pumunta. Nakita ko rin ang pagsunod ng kasama n'ya.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin doon. Nang umalis ito sa puwesto at humarap sa gawi namin ay tila nakikilala ko na ito. Mabagal itong naglalakad habang nakangiti samin. Mas kumunot pa ang noo ko nang lubusan na itong makilala.

"Kanina ka pa?" Nakangiting bungad ni Ten.

"Kakarating ko lang din. Nakita ko rin kasi si Saru kaya hindi muna ako umakyat." Nakangiting sagot n'ya at tinuro pa ang katabi.

Naramdaman kong natigilan ang mga kaibigan ko. Maski ako ay nagulat kung bakit s'ya nandito ngayon. Wala rin kaming nasabi sa kanya sa lakad namin. Hindi ko rin inasahan na alam n'ya ang mismong condo ni Mei gayong hindi ko pa sila nakitang nag-usap man lang.

"S-Saru..." Nagugulat na usal pa ni Rio.

"Aalis kayo nang hindi man lang nag-aaya. Nakakatampo." Animo'y nagtatampo nga'ng sabi n'ya.

Naiilang na natawa si Rio at napakamot pa sa likod ng ulo. "Sorry, biglaan din kasi."

"Ayos lang. Pwede naman siguro akong sumama na lang, no?"

Pare-pareho kaming mas nagulat sa sinabi n'ya. Pasimple kaming nagkatinginan. Nakita kong natigilan din si Coco ngunit pare-pareho kaming hindi nakasagot. Mukang gaya ko ay hindi nila alam kung paano ito sasabihan. Maski kami rin kasi ay aasa lang kah Mei.

Napabuntong hininga ako at sasagot na sana nang malakas na tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Nasan na kayo?" Tanong ni Mei.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon