CHAPTER 1

293 31 0
                                    

Ellie's POV

"Aalis na po ako." Paalam ko habang sinusuot ang sapatos ko.

Sumilip ang mama ko mula sa kusina na nakasuot pa ng apron at may hawak pang sandok. Agad itong ngumiti sakin.

"Mag-iingat ka." Malakas na sabi pa nya at muling bumalik sa ginagawa.

Inayos ko muna ang sarili at akma na sanang lalabas ng pinto nang makapa kong wala sa bulsa ang cellphone ko. Mabilis akong bumalik sa living room at hinanap iyon sa ibabaw ng makalat na table. Ramdam ko pa ang unti unting pagsasalubong ng kilay ko nang hindi ko iyon mahanap.

Napabaling ako sa kapatid kong babae na natutulog sa mahabang sofa. Para itong lalaki na basta na lang nahiga doon habang nakanganga pa. Naka-uniporme pa ito kaya alam kong galing sya sa trabaho. Inis namang tumama ang paningin ko sa binti nitong maghiwalay, na ang isa ay nakapatong pa sa table. Agad ko iyong mahinang sinipa.

"Umayos ka nga ng higa." Saway ko.

Dahan dahan naman itong nagmulat at tumingin sakin. "Oh? Wala kang pasok?" Kukusot kusot pa ng matang tanong nya.

"Hinahanap ko 'yung cellphone ko. Baka nakita mo, Erin?"

Hinalukay ko pa ang loob ng bag ko pero talagang wala iyon doon. Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay. Anong oras narin at baka mahuli na ako sa pagpasok----

"Aray---ano ba?!" Inis na sabi ko habang nakahawak sa pisnge ko. Bumaba pa ang tingin ko sa unan na nasa sahig na syang inihagis nya sa mismong muka ko.

Bumangon ito sa pagkakahiga at umupo sa sofa. Humalukipkip pa ito at masama akong tinignan na para bang ang laki ng kasalanan ko. Nakita ko pang inilabas pa nya ang cellphone ko at iniabot iyon sakin.

"Anong Erin? Ate mo 'ko, ah! Oh!" Inis talagang sabi nya habang inaabot iyon sakin.

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha iyon. "Salamat." Ngumiti ako at mabilis na lumabas. Lumingon pa ako at kumaway sa kanya. "Mauna na 'ko."

Mabilis akong lumapit sa bike ko. Inayos ko pa sandali ang strap ng bag ko at 'yung gitara ko upang makasigurong hindi iyon malalaglag. Sandali pa akong tumingin sa kalangitan at nakitang maganda ang panahon. Mabuti naman at hindi mukang uulan.

Naging mabilis lang ang pagtahak ko papuntan school dahil maluwag ang kalsada. Walang kahit anong traffic kaya tuloy tuloy lang ang pagpadyak ko. Nagawa kong makaabot sa oras at hindi na muling na-late gaya kahapon.

Matapos i-ayos ang bike ko ay madali akong pumuntang room namin. Wala na masyadong estudyante na naglalakad pero kampante naman ako na hindi pa ako late. Natatanaw ko pa nga ang ilang estudyante na nakatambay pa sa corridor. Maingay din ang ilang classroom sa nadaanan ko.

Pagdating sa room ay naabutan ko pa si Cleo na nakatambay sa corridor habang abala sa pagtipa sa cellphone nya. Napabuga pa ako ng malalim na buntong hininga nang makitang magulo pa ang mga kaklse ko at abala sa kani-kanilang ginagawa. Tahimik naman akong naupo sa upuan ko at nilabas ang isang notebook.

Nagpalumbaba ako gamit ang kaliwang kamay. Marahan ko pang binuklat ang notebook at paulit ulit na binasa ang ilang araw ko nang pinagkakaabalahan. Lihim ko pa iyong kinanta sa utak ko habang animo'y sinasabayan ng gitara sa isip ko. Hindi ko iyon matapos tapos at tuwing babalikan ko ay nagiging blanko ang isip ko.

Maya maya'y umangat ang paningin ko nang biglang nagmamadaling nagsipasukan ang mga kaklse ko. Maging ang mga kaibigan ko ay nagsipag-ayos ng upo habang si Cleo ay dumiretsyo sa tabi ko.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now