CHAPTER 18

186 26 0
                                    

Mei's POV

Marahang dumilat ang mata ko nang nagising ang diwa ko. Bumungad pa sakin ang isang dahon na nakapatong sa muka ko. Agad akong naguluhan at agad na inilibot ang paningin sa paligid.

Doon ay napagtanto ko na nasa ilalim ako ng isang malaking puno. Tahimik at mahangin ang buong lugar. Ang damo na inuupuan ko ngayon ay malambot at sapat na para gawin akong kumportable. Nakita kong marami ring puno sa paligid ngunit sadyang magkakalayo.

Sobra akong naguguluhan kung paano ako napunta rito ngunit hindi ako makaramdam ng kahit isang kaba. Ang mapayapang paligid ay pinakapakalma ang sistema ko. Idagdag pa ang hangin na isinasayaw ang mga puno at katamtamang taas ng damo.

Maya maya ay marahan na nagbagsakan ang mga tuyonh dahon mula sa puno. Awtomatiko ko namang itinaas ang kamay ko, na animo'y nakasahod sa ulan. Nawalan pa ng buhay ang mata ko nang tila biglang may kumalabit sa ala-ala ko. Sobrang pamilyar ng pakiramdam na ito.

Ganitong ganito ang pakiramdam. Tila pareho pa ng sitwasyon. Nakaupo ako at nakatingala habang nakasahod ang kamay.

Ang pinagkaiba lang ay nyebe ang bumabagsak noon.

Naalala ko pa kung gaano ka-lamig ang paligid na halos nawalan ng silbi ang suot kong makapal na damit. Mapayapa at nakakakalma ang paligid ngayon. Sobrang laki ng pinagkaiba nung mga panahon na iyon.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Pinagpag ko ang ssrili at inilibot ang paningin sa buong lugar. Nanatili lang akong nakatayo roon sa loob ng ilang sandali. Ang paningin ko ay nakatingin sa paligid ngunit ang isip ko ay kusang lumilipad. Tila wala sa sarili.

Maya maya ay biglang naagaw ang atensyon ko. Tila may naririnig akong tunog na hindi ko pa makilala kung ano. Agad akong lumingon lingon sa paligid upang hanapin iyon ngunit wala akong nakitang kahit ano.

Naningkit ang mata ko habang nakikiramdam sa paligid. Nakatulong ang pagiging tahimik ng lugar kaya kahit papaano'y malinaw sakin ang naririnig ko. Sigurado akong tunog iyon ng isang piano at pamilyar sakin ang itinutugtog. Hindi ko lang talaga masabi kung ano.

Ang tunog na iyon ay unti unting lumakas hanggang sa naging malinaw na malinaw na sakin.

Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang nasabing tunog. Ang dibdib ko mabilis na kumabog ng malakas habang nakikinig sa kantang iyon. Ang mga ala-ala ay tila umagos sa isip ko na nagpapalala sa pagbuhos ng emosyon ko.

Naramdaman ko ang pag-galaw ng mga paa ko. Tila nay sarili iyong isip at kusang humakbang papunta sa kung saang direksyon. Hindi ko na nagawa pang makapag-isip nang maayos. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pinaghalong matinding kaba at matinding lungkot.

Agad na huminto ang paa ko sa ilalim ng isang malaking puno. Nanlaki ang mata ko at ang bibig ko ay naiwang bahagyang nakabukas. Ang isip ko ay pilit na hindi makapaniwala sa nakikita. Ang mata ko ay agad na namasa at nangilid ang luha.

Kitang kita ko sa hindi kalayuan ang taong ilang taon ko nang gustong makita. Nakaupo ito habang nakaharap sa isang piano. Nakapikit ang parehong mata habang abala ang parehong kamay sa pagtipa. May mumunting ngiti ang mga labi at halatang dalang dala sa ginagawa. Sobrang bilis ng kamay at sobrang gaan na animo'y dinidikit n'ya lang sa piano.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now