CHAPTER 9

221 28 0
                                    

Ellie's POV

Katabi kong naglalakad si Mei habang nasa harapan namin ang mga kaibigan ko. Kapwa kami tahimik at nakatingin lang sa dinadaanan. Lihim ko naman itong pinapakiramdaman habang nanatiling walang emosyon ang muka.

"Miss Aikawa."

Kapwa kaming napahinto nang marinig iyon, maging ang mga nasa harapan namin. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang guro na nakatingin kay Mei. Napansin ko pang tila seryoso ang muka nito.

"Mauna na kami para may mapuwestuhan pa tayo sa cafeteria." Bulong ni Rio. Tinanguan ko lang s'ya at hinatik ng tingin.

Hindi ko rin alam ngunit nanatili ako sa tabi ni Mei. Tahimik lang akong pinanood s'ya na lumapit sa guro habang malaki ang pagkakangiti. Tila kampante ito sa hindi malamang dahilan at mukang naghihintay ng magandang balita mula sa kaharap.

"Ma'am Roxas?" Inosentang tanong pa nya dito habang maganda ang pagkakangiti.

Napanood kong bahayang natigilan ang guro kaya kumunot ang noo ko. Nababasa ko sa ekspresyon nito na para bang nag-aalangan s'ya kung sasabihin o hindi. Ilang beses din itong bumuntong hininga at para bang hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit may pag-aalala na unti unting nabuhay sa dibdib ko.

Napatingin ako kay Mei at nakiang nabawasan ang ngiti nya. Bumakas pa ang bahagyang pag-aalala at pagkailang sa mga mata nya.

"Bakit po?" Tanong nya.

Humugot ng malalim na buntong hininga ang guro. "Pasensya na, hija. Nakahanap na kasi kami ng ipanlalaban." Naging malikot ang mata nito at para bang hindi makatingin ng diretsyo sa kaharap.

Nakita ko ang tuluyang pagkawala ng ngiti sa labi ni Mei. Umawang pa ng bahagya ang labi nya at kumurap kurap. Bahagyang nanlaki ang mga mata nya at talagang hindi makapaniwala sa narinig. Maski nga ako ay nagulat din.

"P-Po?" Tila nabibingi pang tanong nya.

Muling bumuntong hininga ang guro. "Pasensya ka na talaga, Mei." Nag-aalala pa itong ngumiti.

Bahagyang napayuko si Mei. Ang masigla nyang mata kanina ay biglang nawalan ng buhay. Sa puwesto ko ay nakita ko pa ang panginginig ng labi nya. Agad nya iyong kinagat at humugot ng malalim na buntong hininga. Gusto ko pang bumilib dahil nakangiti na itong muli nang humarap sa sa guro. Bumalik ang sigla sa mga mata nito na para bang walang nangyari.

"A-Ayos lang po." Napakamot pa ito sa likod ng ulo at bahagyang natawa. "Mauna na po kami." Yumuko sya sa kaharap pagkatapos ay malalaki ang hakbang na naglakad palayo.

Tahimik lang ako na nakasunod sa kanya habang nakikiramdam. Matiim lang akong nakatingin sa likod nya habang hindi na naitago ang pag-aalala. Natatandaan ko pa kung gaano s'ya kakampante na s'ya ang ipanlalaban. Malinaw pa sakin kung gaano s'ya kasaya habang naghihintay ng magandang balita. Hindi ko inasahang ganito ang magiging resulta.

Napabuntong hininga ako at mabilis na naglakad. Tumabi ako sa kanya habang nanatili ang paningin sa dinadaanan.

"Ayos ka lang?"

Marahan pa itong tumawa. "Oo naman."

Nagbaba ako ng tingin sa kanya at matiim s'yang tinignan. "Pwede kang magsabi sakin." Tinignan ko s'ya sa mismong mata. "Hindi ako magaling magbigay ng advice, pero kaya kong makinig hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." Walang emosyong sabi ko at muling ibinalik ang paningin sa daan.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon