CHAPTER 23

162 23 0
                                    

Maki's POV

Matapos bumaba sa kotse ko ay nakapamulsa akong naglakad. Bago pa tuluyang umakyat ng building ay tumambay muna ako saglit sa labas. Nagsindi ng sigarilyo at tumingin sa nagdadaanang sasakyan.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tumingala. Pumikit ako at hinayaan ang hangin na tangayin ang buhok ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nangingibabaw ang sobrang pagod. Wala rin akong maayos na tulog dahil sa sunod sunod na gig. Nakatutok din ako sa pag-aaral dahil hindi ako maaaring bumagsak.

Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko. Binunot ko iyon sa bulsa ko at nakitang mula kay Max ang tawag.

Agad akong napangiti at sinagot iyon.

"You're smoking again."

Iyon ang bungad n'ya. Narinig ko pa ang buntong hininga n'ya pagkatapos.

Marahan akong natawa.

"I'm just stressed." Nagkibit balikat ako.

"Alagaan mo nga ang sarili mo." Sigurado akong nakakunot na ang noo n'ya.

"Alagaan mo 'ko."

"...."

Malakas akong natawa. Sobrang tahimik n'yang tao. Mukang walang pakielam ngunit sobrang daling mainis. Mas matanda ako sa kanya ngunit parang bata n'ya akong tratuhin. Sobra ring bugnutin.

Humarap ako sa malaking building at inunat ang braso.

"May gagawin lang ako. Tatawagan kita mamaya." Nakangiting sabi ko.

Bumuntong hininga ito. "Okay, mag-ingat ka."

Iyon lang at binaba na n'ya ang tawag. Napanguso pa ako habang nakatingin sa cellphone ko.

Hindi man lang nag-i love you. Psh.

Ipinilig ko ang ulo at pumasok na. Anong oras na ngunit marami pa ring taong naglalakad. Malaki talaga itong building na ito at sobrang mahal ng mga condo. Malaki rin kasi para sa isang tao. Gusto ko ngang dito na lang tumira kasama si Mei ngunit paulit ulit ang pag-tanggi n'ya.

Muli akong napasimangot at bubulong bulong na naglakad. Maswerte na rin ako at walang tao sa paligid kundi ay pagkakamalan na akong baliw. Hanggang sa makalabas ng elevator at makarating sa harapan ng condo ni Mei ay nanatiling lukot ang muka ko.

Kung iisipin ay nalaman ko lang naman ang sitwasyon dahil kay Hana. Gusto ko pa ngang magulat na nandito s'ya sa pilipinas ngayon. Alam kong sobrang abala n'ya dahil sa posisyon n'ya. Halos patayin na nga ang katawan n'ya sa sobrang pagtatrabaho.

Gaya ng dati ay ganoon pa rin ang ugali n'ya. Kayang kaya n'yang magbanta at magsalita ng hindi maganda habang nakangiti. Alam ko naman kung ano talaga ang nakatago sa ganoong ngiti n'ya. Pare-pareho silang nakakatakot na magkakapatid. Mas mabait lang talaga si Jin.

Sobrang bait na para bang kukuwestyonin mo ang sarili mo sa tabi n'ya. Laging nakangiti na animo'y walang mabigat na problema. Malambot ang boses na masarap sa pandinig. Hindi mo talaga aakalaing may ganoong klaseng tao.

Napabuntong hininga ako at nagpindot ng passcode. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto. Tumayo lang ako sa pinto at tinignan ang paligid.

Madalim at tahimik na animo'y walang nakatira. Walang buhay ang paligid at para bang malamig sa pakiramdam. Gayunpaman ay maayos naman ang mga gamit. Hindi ko alam kung pumunta ba dito ang mama ko para muling maglinis. Ganoon na ata ang libangan n'ya.

"Tadaima~"

Ramdam ko ang gulat nang tila bigla ko iyong marinig. Para bang muli kong narinig 'yung boses ni Mei habang nakatayo sa mismong puwesto ko. Nakangiti na hindi naman umaabot sa mata. Nakaharap sa madilim at tahimik na paligid.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora