CHAPTER 25

149 23 0
                                    

Mei's POV

Marahan kong inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng puntod. Nilinis ko pa iyon gamit ang palad ko dahil talagang madumi na. Mas pinunasan ko ang litrato n'ya sa lapida at sandaling tumitig doon. Walang emosyon akong nakatingin sa nakangiti n'yang muka.

Tanaka Kaori

Napatitig ako sa pangalan n'yang nakaukit. Mula nung mawala s'ya ay hindi ko na iyon narinig pang muli. Matapos nung nangyari ay ganoon parin ang nararamdaman ko sa kanya. Wala talaga akong mahagilap na galit sa dibdib ko.

Tanging konsensya lang. Hindi maipaliwanag na konsensya at unti unti nong pinupuno ang dibdib at isip ko.

Sumalampak ako sa bermuda grass at bumuntong hininga. Sa sandaling pananatili ko rito ay para bang muli akong sinasakal ng nakaraan. Nakaraan na gustong gusto ko nang takasan at kalimutan.

Kung tutuusin, kapag tinanong mo ang lahat ng tao tungkol sa pinakamasaya nilang ala-ala ay may maisasagot sila. Kapag nagtanong ka tungkol sa pinakamasaya at pinakamemorableng ala-ala ay paniguradong mayroon silang maikukuwento. Natural na iyon.

Sa kaso ko ay talagang wala akong mahagilap. Walang kahit anong masayang ala-ala na tumatak sa isip ko. Memorableng araw ay siguro pwede pa ngunit alinman sa mga iyon ay walang masaya. Oo nga't marami kaming naging masayang ala-ala ng mga kapatid at pinsan ko, lalo na ni Jin. Mula nung mawala ang mama namin ay s'ya na halos ang nagpalaki sakin.

Ngunit lahat ng iyon ay agad na napalitan ng masalimuot na memorya. Matapos nung lahat ng nangyari at nangyayari ngayon ay sadyang nawalan na ng buhay ang pagkatao ko. Dahil sa pagtrato n'ya sakin noon ay malapit ko na sanang maibaon ang lahat ng sugat ko. Ngunit nang mawala s'ya ay mas lalo lang iyong nadagdagan. Muli ring nagbukas ang lahat ng sugat na natamo ko at dumoble ang hapdi.

Itinukod ko ang kamay sa likod ko at tumingala sa maaliwalas na kalangitan.

Walang emosyon akong tumitig doon habang abala ang isip. Awtomatiko pang pumasok sa isip ko si Ellie. Talagang kakaibang gaan ng pakiramdam ang dunudulot n'ya sakin. Kakaiba ang epekto n'ya sakin ata alam ko namang dahil iyon sa nararamdaman ko sa kanya.

Well, I like him a lot so....

Muli kong ibinaba ang tingin sa puntod ng mama ko. Iniba ko ang upo ko at niyakap ang tuhod ko. Tumitig lang ako doon habang tila hinihigop ng nakaraan. Ipinatong ko ang ulo sa tuhod ko at ipinikit ang mata.

Sa sitwasyong iyon ay tila tubig na umagos ang nakaraan na sinusubukan kong burahin.

Mabilis ang paghinga na naka-upo ako sa sulok. Takip takip ko ang bibig gamit ang kamay habang patuloy sa pagluha. Takot na takot na gumawa ng kahit anong tunog na maaaring ikagalit n'yang muli.

Kahit ano kasing kilos na gawin ko ay para bang nagdadala iyon ng hindi maipaliwanag na galit sa kanya. At dahil sa galit na iyon ay hindi s'ya nagdadalawang isip na saktan ako. Wala s'yang pakielam kahit na sobrang sakit na ng ginagawa n'ya.

"Bakit ba ayaw n'yang sumagot..."

Tila bumubulong na ani n'ya habang panay ang pagpindot sa hawak na cellphone. Kitang kita ko ang panginginig ng kamay n'ya at iba't ibang emosyon sa muka.

Malakas itong napamura at hinagis ang cellphone sa gawi ko. Mabuti na kang ay hindi iyon tumama sakin. Napayuko akong muli ay yumakap sa mga tuhod ko.

"Kasalanan mo 'to, eh...kasalanan mo lahat ng 'to..."

Mahinang sabi n'ya habang sinasabunutan ang sarili. Pagkatapos non ay bigla itong lumingon saki habang nanlilisik ang mga mata.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now