CHAPTER 8

225 29 0
                                    

Ellie's POV

"Oy, ngayon na 'yung audition?" Tanong ni Erin. Kahit hindi nakatingin ay alam kong nakapameywang ito.

"Hmm." Simpleng sagot ko na hindi man lang s'ya tinignan. Abala lang ako sa pagsusuot ng sapatos.

"Good luck!" Magiliw na sabi nya.

Akmang lilingon na sana ako sa kanya para ngumiti at magpasalamat nang malakas nya akong binatukan. Agad akong napahawak sa ulo ko at masama s'yang tinignan.

"Masakit ah!" Lukot na lukot ang mukang sabi ko.

"Oh, s'ya. Umalis ka na at baka mahuli ka pa." Nagsenyas pa ito na tinataboy ako.

Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ng bahay. Saglit kong inayos ang pagkakasukbit ng guitar bag sa balikat ko at dumiretsyo sa bike ko. Ilang sandali ko pa iyong pinasadahan ng tingin at sinigurong nasa tamang kondisyon bago nagpasyang umalis na.

Maaga akong umalis ngayon dahil maaga rin ang audition. Naalala ko pa na noong nakaraang araw pa ako nagpadala ng text kay Mei ngunit hanggang ngayon ay wala itong sagot. Hanggang kanina ay patingin tingin ako sa cellphone ko at nagbabakasakaling nagreply na s'ya.

Hindi ko itatanggi na talagang hinihintay ko s'yang sumagot dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko. Kahapon ay nakita ko s'ya na iba sa natural na Mei na nakilala ko. Bukod pa doon ay ang benda sa kamay nya na halatang basta na lang ibinalot.

"Oyyy!"

Natigil ako sa pag-iisip sa malakas na boses na iyon. Agad ko iyong hinanap at nakita si Ten na kumakaway sakin. Nakaangakas ito kay Rio na halatang hirap na hirap pumidal. Hindi pa nakatakas sa paningin ko ang kumikibot kibot nitong kilay sa inis habang masamang masama ang muka.

Napailing na lang ako at nilampasan sila at muling bumalik sa pag-iisip.

"Oy, bilisan mo. Naunahan na tayo, oh?!" Rinig kong pagmamaktol ni Ten.

"Anak ng---tumigil ka nga! Diba may bike karin naman?! Bakit ba sakin ka pa umangkas?!" Naputol na ang pisi ng pasensya ni Rio.

"Aisshhh! Bilisan mo na lang! Ang hina mo kasing pumadyak eh!"

Napangiwi ako at mas binilisan ang pagpidal hanggang sa nakarating na ako sa school. Matapos iparada ang bike ko ay tinanaw ko pa ang dalawa. Nakita kong papasok narin ang mga ito. Pi-pito pito si Ten habang nakalagay ang parehong kamay sa likod ng ulo. Si Rio naman ay nakabusangot habang hatak ang bike nya.

"Yo." Biglang lumitaw sa harapan ko si Cleo. Hawak nito ang drum sticks na pinapaikot nya sa kamay.

"May klase ba?" Tanong ko at nilibot ang paningin sa buong lugar.

"Wala." Ani Cleo.

Nararamdaman ko pa itong buksan ang bag ko. Alam kong makikilagay lang ito ng drum sticks nya dahil hindi kasya sa bag nya. Sobrang liit kasi na halos isang notebook at ballpen lang ang kasya.

"Ellie.." Walang emosyon akong tumingin sa likod ko at nakita si Saru.

Hindi ako nagsalita at tinignan lang s'ya. Bakas pa dito na para bang nahihiya s'ya, ngunit bahagya akong nagulat nang bigla itong lumapit sakin. Nararamdaman ko ang pagpulupot ng braso nito sa nakapamulsa kong braso. Napatingin ako sa kanya ngunit ang paningin nya ay nasa harapan.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now