CHAPTER 20

172 25 0
                                    

Ellie's POV

Ramdam ko ang antok nang bumangon sa kama. Bahagyang masakit ang lalamunan ko kahit at likod ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit isang beses lang naman kami kumanta kagabi. Pakiramdam ko ay naubos non ang lahat ng enerhiya at lakas ko.

Tumayos ako at humarap sa bintana. Maliwanag na sa labas. Tumingin pa ako sa orasan at nakitang ala sais pa lang. May pupuntahan ako ngayon na nung nakaraan ko pa binabalak. Hindi naman makakasama sila mama at Erin dahil sa mga trabaho nila.

Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay saglit ko pang tinignan ang maskara. Nakapatong ito sa ibabaw ng side table. Sa isang tingin na iyon ay tila nagbalikan ang lahat ng ala-ala ko kagabi. Bigla ay gumahit ang ngiti sa labi ko.

Napailing na lang ako at lumabas na. Naabutan ko ang kapatid ko na naka-upo sa sofa. Abala itp sa pagbabasa ng dyaryo na tila hindi pa napansin ang presensya ko.

Hindi naman ako umimik at dumiretsyo lang sa kusina para magkape.

"Ellie---OMG!!!"

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko sa pagkabigla. Agad ko itong sinamaan ng tingin at naupo sa single sofa.

"Ano ba? Ang aga aga, ang ingay mo." Napailing pa ako.

Umikot ang mata nito. "Huwag mo nga akong pagsalitaan ng ganyan, ate mo 'ko." Nagpalumbaba ito at ngumiti ng malaki. "Akalain mong sikat na pala 'tong kapatid ko." Hinarap pa nito sa muka ko ang cellphone n'ya na hindi ko pinagkaabalahang tignan.

Nanatili ang tingin ko sa kape na kanina ko pa tinititigan. Nanatiling blanko ang muka na para bang walang pakielam sa sinabi n'ya.

"Edi muka na naman akong mayabang nito. Hehehe~" bubulong bulong pang sabi n'ya habang nagtitipa sa hawak na cellphone.

Napangiwi akong lumingon sa kanya. "Anong ipagyayabang mo d'yan? Hindi naman kita 'yung mga muka namin." Kalmadong sabi ko pa at humigop ng kape.

"Psh, 'wag ka ngang panira kung ayaw mong ilabas ko talaga 'yang mga muka n'yo." Sumimangot ito at tumalikod sakin. Gusto ko pa ngang mairita dahil sa ingay ng daliri n'ya habang nagtitipa.

Napabuntong hininga na lang ako at sinipat ang orasan. Nang makita ang oras ay nagpasya na akong tumayo at mag-ayos ng sarili. Mas maganda kung maaga akong aalis dahil ayoko sa lahat ng mainit.

"Saan ka pupunta? Matutulog ka ulit?" Nagtatakang tanong ni Erin.

Hindi ako nag-abalang lingunin ito at dumiretsyo lang sa paglalakad. "Dadalaw." Doon ay huminto ako sa paghakbang at saglit s'yang nilingon. "Diba may pasok ka? Anong oras na." Iyon lang ay pumasok na ako sa kwarto ko.

Dumiretsyo ako sa banyo para maligo. Pagkatapos non ay mabilis din na nagbihis at nagsuot lang ng simpleng t-shirt at pants. Ang balak ko ay sumaglit lang naman at malapit lang naman iyon sa bahay.

Habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko ay tumama ang mata ko sa gitara. Nasa guitar bag pa iyon at nakasandal sa pader. Tila wala sa sarili pa akong nahinto sa ginagawa at sandaling tumitig doon. Lumipas ang ilang sandali ay pinilig ko ang ulo ko.

Tinapos ko ang ginagawa at nang maayos na ang sarili ay naghanda nang umalis. Bago tuluyang lumabas ay kinuha ko ang gitara ko at dinala iyon.

Pagdating ko sa living room ay wala na si Erin. Sa tingin ko ay nakaalis na iyon at naunahan pa ako. Paniguradong ginahol na naman dahil sa sariling kapabayaan. Madalas ay nakikita ko s'yang laging nauhuli sa trabaho. Gusto kong magtaka na hindi pa s'ya natatanggal.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now