CHAPTER 17

184 27 0
                                    

Ellie's POV

"Oyyy, moshi moshi~"

Nagising ang diwa ko nang naramdaman ko ang sikat ng araw sa mismong muka ko. Pagkadilat ay mabilis din akong napapikit nang agad na masilaw.

Nang sa wakas ay nasanay ang mata ko, muli akong dumilat. Bahagya pa akong nagulat nang makita si Maki na nakadungaw sa muka ko. Kumakaway kaway pa ang isang kamay nito habang nakangiti. Akma pa sana akong tatayo nang mahinto dahil sa bigat sa hita ko at sakit ng likod.

Doon ko lang napagtanto ang sitwasyon. Nandito pa nga parin pala ako sa bahay ni Mei. Gaya kagabi ay nanatili parin itong tulog na tulog sa hita ko. Sobrang payapa ng muka n'ya kaya bigla ay gusto kong mahiya na gisingin s'ya.

"Kamusta ang tulog mo?" Mulang usal ni Maki.

Maayos ang pagkakangiti n'ya at paraan n'ya ng pagsasalita ngunit napangiwi ako. Wala sa intensyon n'yang mang-asar dahil ganoon naman talaga ang tunog ng boses n'ya ngunit naasar parin ako. Napabuntong hininga na lang ako at napakamot sa ulo.

"Kanina ka pa ba?" Mahinang tanong ko at napahikab pa.

"Hmm. Akala ko nga hindi ka na magigising, eh." Tumawa pa ito.

Hindi naman ako sumagot at sumimangot lang.

Pinanood ko lang itong ilipat ang panginginig sa pinsan. Hindi man lang nawala ang ngiti nito kahit na kitang kita naman ang sitwasyon. Bakas na bakas parin ang ilang pasa at may benda pa sa muka ni Mei ngunit tila wala iyon sa kanya.

"Salamat." Biglang ani n'ya na bahagya ko pang ikinagulat.

Tumingin ito sakin at ngumiti na halos hindi na makita ang mata. "Salamat dahil hindi ka umalis sa tabi ng pinsan ko. Malaki ang utang na loob ko sa'yo." Nagthumbs-up pa ito.

"Ayos lang. Kahit ilang beses naman, hindi ako mapapagod na samahan s'ya." Bahagya pa akong napayuko at napakamot sa noo ko.

"Hmm? Ano ba talagang meron sa inyo?" Ayon na nga ang mapang-asar n'yang tinig.

Iniwas ko ang paningin sa kanya. "Wala."

Ngumiwi ito at nag-unat ng braso. Pinanood ko lang itong umupo upang magpantay kami at tumingin kay Mei. Sandali n'yang tinitigan ang pinsan, pagkatapos ay biglang pinisil ang ilong nito. Agad ko iyong ikinagulat kaya agad kong hinwakan ang kamay ko upang pigilan.

"Anong ginagawa mo?" Kunoot noong tanong ko.

"Ginigising s'ya. Alam ko kung gaano na namamanhid 'yang katawan mo." Tinabig nito ang kamay ko at nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi naman ako nakapagsalita pa at naiiling na lang ma tinignan sila.

Ilang sandali pa ay marahas na napabangon si Mei. Hawak hawak nito ang ilong habang habol habol ang paghinga. Umubo ubo pa ito pagkatapos ay agad na tumama ang paningin sakin.

Mabagal nitong inilipat ang paningin kay Maki pagkatapos ay agad na nag-iba ang ekspresyon. Nabahiran iyon ng inis at nakangiwi pa.

"May pasok pala kami ngayon." Bigla ay para itong nagulat at napatingin sakin.

Lihim akong napangiwi.

Ngayon ko lang din naisip na may pasok pala ngayon. Kung hindi n'ya pa sinabi ay baka nakalimutan ko nang estudyante pala kami.

"Hayaan n'yo na, biyernes naman ngayon." Sabat ni Maki at nagkibit balikat pa. "Alam kong inaantok ka pa, magpahinga ka muna." Baling nito kay Mei bago tuluyang lumabas ng silid.

Goodnight, Nightsky (Silent War Series) Where stories live. Discover now