Ngumiti ako at bahagya siyang niyakap. Nilagay ko lang din muna siya sa kulungan dahil oobserbahan pa siya ni Chester.

Patalikod na sana ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone kong nasa bulsa ng aking pantalon. Nang kunin ko ito ay nakita kong si Ryzza ay tumatawag na naman. 

Wala ba talaga siyang balak tumigil? Hindi ko ulit sinagot ang kanyang tawag. Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng text message galing sa kanya kaya agad ko itong binasa.

Binantaan niya ako na malalagot ako sa kanya kapag nakauwi na ako sa bahay. Naka-caps lock pa ang bawat letra ng mensahe niya para ipadama niya siguro sa akin na galit na galit siya. Halatang naubos ko na ang pasensya niya. 

Hindi naman siya makakapunta rito dahil alam niyang nandito si Chester na ultimate crush niya.

Natatakot siyang mag-eskandalo sa publikong lugar dahil kapag sinugod niya ako bigla sa Vet Clinic ni Chester at pisikal niya akong saktan ay paniguradong sa kulungan ang kanyang bagsak.

Bahala siyang mabaliw at masiraan ng ulo. Hindi niya ako masisindak sa mga pagbabanta niya. Pinatay ko na lang ang cellphone ko para hindi na siya ulit tumawag sa akin bago ako bumalik sa trabaho ko.

Inuna ko na lang asikasuhin ang trabaho ko kaysa isipin sila. Hindi ko rin kasalanan kung bakit nakulong ang Teresita na 'yon at ang anak niyang si Ryan.

Buti na lang na ang iba kong mga naipong pera ay sa bangko ko mismo nilalagay, pero ang mga barya ay nilagay ko sa aking alkansya. Iniipon ko iyon para makabili ako ng bago kong cellphone.

Tiyak na nanakawin lang nila ang laman ng alkansya ko kapag nalaman nilang may tinatago akong pera sa kwarto ko. Hindi rin naman nila makikita iyon dahil nakatago 'yon sa ilalim ng sahig na gawa sa kahoy. Hindi rin sila basta makakapasok sa kwarto ko dahil tuwing aalis ako ay sinisiguro kong naka-lock ang pintuan ng kwarto ko.

Bakit ba kasi naging ganito ang buhay ko? Bakit dumating pa sila sa buhay namin ni papa kung puro pahirap at pabigat lang ang ibinibigay nila sa amin? Mas tatanggapin ko pa sana sila kung mabait sila, tumutulong kahit man lang sa gawaing bahay at hindi puro pera ang nasa isip nila.

Pero hindi eh. Sila itong gumagawa ng paraan para mas kamuhian ko pa sila.

Palubog na ang araw ng ihatid ko na si Getty sa bahay ni Manang Adel. Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa bahay nila gamit ang kotse ni Chester. Tahimik lang si Getty sa loob ng kanyang dog kennel box.

Sakto lang ito para magkasya siya roon sa loob at makagalaw-galaw siya kahit paano.

Mahigit kalahating oras akong nag-drive hanggang sa wakas ay tuluyan na akong nakarating sa bahay ni Manang Adel. Pinarada ko lang sa gilid ang kotse bago ako bumaba at kinuha si Getty na kumakawag na ang buntot.

Marahil ay alam na niyang nakauwi na siya sa kanyang amo. Tumatahol na nga rin siya bago ko pindutin ang doorbell na malapit lang sa gate ng bahay nina Manang Adel. 

Maganda at malinis tingnan ang bahay ni Manang Adel. Hindi ito gaano kalakihan, wala rin silang second floor pero mahahalata ko agad na may karangyaan ang buhay nila. Palibhasa kasi ay isang sundalo ang namayapa niyang asawa.

Nakapagtapos naman sa Secondary Education ang panganay niyang anak na babae, habang ang bunsong lalaki ay isa na ngayong nars sa isa sa mga kilalang ospital dito sa Batangas.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora