PROLOGUE

79 5 0
                                    

RASHIDA'S POV

Matapos kong makuha ang binili kong pagkain ay agad na akong dumiretso sa upuan naming magkakaibigan dito sa canteen

"Ano bang meron ngayon?" tanong ni Nica habang tumitingin sa paligid namin kung saan makikita ang halos lahat ng babae ay nag-aayos

"Uso kasi ngayon ang mga blind date at mukhang pupunta sila sa mga ganun" sagot ni Maya bago nakangiting ibigay kay Nica ang notebook niya

"Blind date?" tanong ni Nica at tumango naman si Maya bago inuman ang orange juice niya

"Hm! Blind date, yung i-se-set up ka ng mga kaibigan mo on a date with a stranger"

"Creepy naman" sabi ni Nica at napailing na lang si Maya

"Hindi kaya pagalitan sila nina sister pag nakita nila yung mga make-up sa mukha nila?" tanong ni Dione habang kumakain

"Ewan, sila naman mapaparusahan hindi naman tayo" sagot ni Nica habang tinatali ang buhok

"Ayusin mo nga yang uniform mong babae ka" utos ni Dione kay Nica na nangunot ang noo dahil duon "Kaya ka napapagalitan nina sister eh"

"Alam niyo ang nakakainis lang sa school na to, ang daming rules. Nakaka buwesit na" reklamo ni Nica

"Alam niyo ba, may narinig ako" panimula ni Dione kaya bigla kaming nagkumpulan na apat "Magiging co-ed na daw ang Athens"

"Talaga?" tanong ni Maya bago ibigay kay Nica ang kalahati ng orange juice niya

"Ganiyan talaga pag naghihirap na" sabi ni Nica at natawa naman kami bago umayos nang upo

"Try din kaya natin" sabi ni Dione bago ituro yung mga babaeng nag-aayos

"Siraulo ka ba?" tanong ni Nica at natawa naman ako nang makita ang pandidiri sa mukha nito "Ang creepy kaya nang concept ng blind date na yan, Paano na lang kung isang killer pala yung maka-date mo?"

"Tsaka saan ka naman makakahanap ng lalaking i-de-date tayo?" tanong ko

"Tanga! Blind date nga eh" sagot ni Dione sa'kin "Hindi nila alam kung anong itsura natin at ganuon din tayo sa kanila-"

"Ang tanong eh kung saan ka makakahanap ng lalaki" paglinaw ni Nica at tumango naman ako

"Marami akong kilalang lalaki-"

"Ehhhhh" pag-iingay namin bago siya layuan

"I mean, not in a playgirl type na marami akong kilala" panimula niya "Business man ang daddy ko at may mga nakakasalamuha akong mga anak ng business partner niya"

"Ohhhh" natawa naman ito dahil sa pag-iingay namin na iyon

"So, ano? Try natin yang blind date na yan?" tanong niya at tumango na lang kami dahil siya si Dione, ang babaeng mapilit

Kinabukasan matapos ang klase para sa linggong ito ay itinabi ko na ang mga gamit ko sa locker ko at hindi ko naman maiwasan ang mainis habang pinagmamasdan si Dione na maglakad papunta sa'min

"Nandiyan na yung baliw, halika na" sabi ni Nica at tumalikod na kaming tatlo bago naglakad palayo

"Hoy! Hintayin niyo ko!" sigaw ni Dione at natawa naman kami bago nagsimulang tumakbo

Huminto naman kami nang marating ang parking lot ng school "Ang sasama niyo talaga" nagtatampo nitong sabi bago kami batukan isa-isa

"Oh! By the way" sabi niya habang naglalakad kami "May naka-set ng blind date para sa'tin"

"Exciting" soulless na sabi ni Nica na ikinatawa namin ni Maya

"Sa sabado ha, siputin niyo yun!" sabi niya bago kami kawayan at tumakbo na papunta sa sasakyan nila

"Una na ko" sabi ko bago kawayan sina Maya at Nica na sabay namang uuwi

"Hi Daddy" nakangiti kong bati bago sumakay sa passenger seat

Hinalikan ko naman ang pisngi nito bago isuot ang seat belt ko "Sinabi sa'kin ni Dione na may lakad daw kayo bukas" sabi niya at napapikit naman ako sa inis dahil wala naman talaga akong balak na puntahan iyon

"Pumunta ka na, ako nang bahala sa Mommy mo" sabi niya at ngumiti na lang ako bago nagpasalamat

Kinabukasan ay kapwa naman kami iritado ni Nica sa nangyayari "Nanduon yung iyo, Rashida" sabi niya at ako lang ang mag-iibang direksyon sa'ming apat

"Sige na, una na kami" sabi niya at tumango naman ako bago sila kawayan

Naglakad naman na ako papunta sa restaurant na iyon bago silipin ang loob at nang wala naman akong makita na ka-edad ko ay hindi na ako tumuloy at umalis na lang duon. Dumiretso naman ako sa isang coffee shop at duon tumambay, suwertihan nga lang sa paghahanap ng upuan dahil masyadong maraming tao sa loob

Nanatili ako duon nang ilang oras habang nagbabasa ng libro "Ahmmm, miss" napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa harap ko

Maputi ito at singkit ang mga mata, matangkad at maganda din ang pangangatawan. He's wearing a denim jeans and a blue buttoned shirt paired with minnetonka moccasin boots, he also has a disconnected haircut making him look like Brad Pitt.

"I'm sorry, punuan na kasi. Can I sit here? Yun ay kung okay lang sayo" tanong niya at tumango naman ako

Umupo naman ito sa bakanteng upuan sa harap ko at duon ininuman ang kape niya. Habang lumilipas ang oras ay napansin ko ang pagiging tulala nito

"I'm sorry pero...okay ka lang ba? You look sad" pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin

"Yeah, I was supposed to be in a blind date pero hindi ako siniput nung date ko" sabi niya

"Same" sabi ko

Same kami ng ka-date mo, same kaming hindi sumipot.

"I only know her by name, sinabi siya sa'kin ng kaibigan ko" sabi niya "Nica, that's her name"

"Eh?" ani ko nang marinig ang pangalan bago natawa

"Kilala mo siya?" tanong niya at tumango naman ako bago tumigil sa pagtawa

"Para hindi ka na malungkot and to clear things up, Nica doesn't do guys..." paliwanag ko at pumorma namang 'O' ang bibig niya "That's why hindi siya sumipot. Pinilit lang siya nung isa pa naming kaibigan"

"Actually hindi ko rin sinipot yung ka-date ko, I'm not really into this blind date thing" dagdag ko

"Same, pinilit lang ako ng pinsan kong si Morris" sabi niya at natawa naman kami parehas

Nagsimula na din kaming magkuwentuhan at naiinis naman ako sa kaniya dahil halos hindi ko akalain na mailalabas nang lalaking to ang pangit kong pagtawa sa mga kuwento niya.

Naglakad naman na kami palabas ng coffee shop at inihatid niya rin ako sa may bukana ng parking lot

"I hope...na enjoy mo yung araw to" sabi niya at tumango naman ako

"I do, salamat ulit" sabi ko at nagpaalam naman na kami sa isa't-isa

"Sandali!" sabi niya habang hawak-hawak ang braso ko na nagpatigil sa'kin sa paglalakad "I'm sorry" sabi niya bago ito bitawan at muli ko naman siyang hinarap

"I never got you name" sabi niya bago ilahad ang kamay sa'kin

"I'm Shin" pagpapakilala niya sa sarili niya at ngumiti naman ako bago siya sagutin

"Rashida" sabi ko bago tanggapin ang kamay niya na mas ikinalaki ng ngiti niya

"See you" sabi ko at tumango naman siya bago bitawan ang kamay ko at tinalikuran ko naman na siya habang ngiting-ngiti

Nang tuluyan ko nang marating ang parking lot ay agad ko nang nakita si Daddy na naka-sandal sa may sasakyan nito "Oh! Tapos na?"

"Opo" sagot ko bago sumakay sa loob ng sasakyan namin

"Did you enjoy it?" tanong niya habang nagmamaneho

Agad namang pumasok sa isip ko si Shin bago napangiti "Yes po..." tiningnan ko naman siya habang nakangiti "I enjoy it po" sumandal naman ako sa upuan bago nakipagkuwentuhan kay Daddy

Love Series #3: Je t'aimeWhere stories live. Discover now