73: The Ladies Thing

217 13 1
                                    

Pinilit ni Meiji makawala sa pagkakakulong sa yelong ginawa ni Primrose ngunit sadyang matigas ang yelong bumabalot sa kanya ngayon. Kahit si Little Levi ay nahirapan lumusot pero nakaalis din naman dahil na rin sa dulas ng katawan nito. Nagpunta ito sa ulo niya at nang makitang nagpupumiglas siya'y sinubukan nitong ngatain ang yelo pero hindi 'yon umubra. Marahil sa nakita nitong wala ring pasa ang ginawa ay humimpil na lang ito sa ulo ng dalaga at doon natulog.

"Saan n'yo ba talaga ako dadalhin?" nakailang tanong na rin si Meiji sa dalawa pero tanging ngiti lang ang isinasagot nina Primrose at Everdeen. Naasar pa si Meiji dahil pagkatapos magngitian ay nagbubulungan pa ang mga ito. Kung anu-ano tuloy ang nasabi niya sa isip niya.

Pambihira! Paano ko ba naging mga kaibigan ang dalawang bruhilda na to?!

Naroon ding inisip na niya kung anong gagawin niya sa dalawa sakaling makawala siya sa pagkakabalot ng yelo.

Lintik lang talaga ang walang ganti!

Kung anu-ano pang mga brutal ang sinabi niya sa isip. Natigil lang iyon nang huminto sila sa isang pamilyar na pintuan. Pamilyar kay Meiji dahil dito siya galing kahapon.

Napamulagat si Meiji at sa isang iglap umatungal na naman siya." Nooo! Hindiii! Pleaaseee! Wag n'yo kong ibalik d'yan! Please! NO!"

Umatungal nang umatungal si Meiji hanggang nainis na yata si Primrose sa ingay ng dalaga kung kaya sa isang kumpas lang ay natapalan na ng yelo ang bibig ni Meiji.

" Much better," saad pa ni Primrose. Nanlalaki naman ang mga matang nagpatuloy ang atungal ng dalaga ngunit tanging impit na sigaw na lamang iyon.

Itinapat ni Primrose sa magarbong pintuan ng wardrobe room si Meiji at pagbukas ng pinto isang magiliw at nakangiting mukha ng isang babae ang sumalubong sa kanila- ang torturer ng academy, ayon 'yan sa bansag ni Meiji sa babae.

" Finally! The lioness is here," nakangiti at magkadaop pa ang mga kamay ni Mademoiselle Bronquet nang binati nito ang kakapasok pa lang na tatlong dalaga sa wardrobe room ng academy. Mga ngiting para kay Meiji ay nagbabadya na naman ng isang masamang parusa.

Bumati rin pabalik ang dalawa sa pamamagitan ng pagskirt courtesy ng mga ito. Nakangiti pa ang mga ito nang tumunghay. Isang mabining tango naman ang isinukli ng Mademoiselle.

" We did as what he told us to do, Mademoiselle Bronquet, "

" I can see that, Miss Primrose and I must say you two did it exemplarily,"

Masigla at nakangiting sinabi iyon ng Mademoiselle pero napaltan iyon ng pinaghalong ngisi at ngiwi nang bumaling ito kay Meiji na patuloy pa rin sa protesta nito.

" She must be clueless at the same time confused right now. Well, that serves her right after what she did last night. It still cringes every time I remember that disgusting....ugh. I-I don't to talk about it. It just makes me sick like hell," may disgusto sa tono ng Mademoiselle. Dahil iyon sa images na inihatid ni Little Levi sa Mademoiselle kagabi ng dinner banquet. Images na litrato ng mga paltos ni Meiji sa paa." Anyway," pag-iiba na lang ng Mademoiselle sa topic. May kung anong tila hinugot ito sa sahig sa pamamagitan ng simpleng pagkumpas nito at sa isang iglap, may umalsa mula sa sahig na isang matass na clothes rack na may ilang palapag at nasasabitan ng mga dresses sa iba't ibang istilo at kulay.

" This is my personal collection of different dresses raging from simple to fabulous one. And I'm giving you the privilege to select from it," sandali pa'y saad ng Mademoiselle. Nagkatinginan naman sina Primrose at Everdeen. Ang totoo n'yan may nauna na silang plano.

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now