28: The Last Item

619 31 0
                                    

〖☆☆☆〗

Si Meiji ang huling nakarating sa lugar kung saan nila ipinarada ang kanilang sasakyan. Kumpleto na silang lahat maliban na lang kina Primrose at Prince JackGrey na hindi na nila alam kung saan na nagpunta.


"Huy, Meiji ,totoo ba na nagtanan na yung dalawa?" usisa ni Everdeen. Hindi man niya direktang sinabi na nagtanan na ang dalawa di namam naiwasang mag-isip ng ganun ang mga kasama niya. After all couple pa rin naman ang dalawa.

"Hindi ko alam. Siguro. Pwede ring hindi," ayaw ring magsalita ng tapos ni Meiji. Nais rin niyang bigyan ng benefit of the doubt ang dalawa. Gusto rin naman niyang isipin na baka namasyal lang saglit ang dalawa o kaya naman naligaw lang.

"Eh, paano kung magtanan nga sila. Hala ka, Meiji tiyak kong masesermunan ka na naman." pananakot ni Everdeen. Ayaw man niyang pag-isipan si Meiji ng masama pero may kutob siyang may ginawa ito o may sinabi ito sa dalawa lalo pa gayong nalaman niya rin dito na nagkaroon pala ng exchanging partners sa pagitan ng apat.


"So be it. May bago pa ba? Ako naman lagi, diba? Ako na laging may kasalanan. Ako na wala namang ginawa kundi ang--"

"Ay, oh, nagdrama na. Naku, Meiji kahit naman saang anggulo may pananagutan ka naman talaga." putol naman ni Everdeen sa ginagawang pagdadrama ni Meiji.

"Alam mo minsan, hindi ko talaga alam kung  kaibigan ba talaga kita. Imbes kasi na surportahan mo ako, lalo mo pa akong nidodown. Anong gusto mo? Ayaw na lang? Ok, fight me." seryosong-hindi tugon ni Meiji. Nakakuyom pa ang mga kamao nito at nakamuwestra na tila manunutok. Pero kilala ito ni Everdeen gusto lang nitong ibahin ang topic sa pamamagitan ng pagdradrama.


"Tigilan mo ako Meiji, ha. Alam ko, may ginawa ka. At ano pa man iyon, masasabi kong di iyon maganda. Bilang isang tunay na kaibigan, pinaaalalahanan lang kita,ha."

"Ows, natouch naman ako. So...say it, kumusta naman date este shopping n'yo ni Cainne?" gagawa talaga si Meiji ng paraan para maiba ang topic nila.


At naging epektibo naman iyon kay Everdeen.

Bigla na lang namula ang pisngi ni Everdeen at animo'y naiihi na kilig sa pagbagal na paggalaw ng katawan nito.

"Ayiieee. Mamaya na baka marinig ni Prince Cainne, eh. Nakakahiya." para itong inasnang bulate na di mapakali. Nagpasway pa ng bahagya ang katawan nito indikasyong nagpipigil na naman ito ng kilig at nandun pang hinawakan ang nag-iinit at namumula nitong pisngi.

"Ay, oh, ang landi oh. Ang landi mo, babae." napapangiwing sabi naman ni Meiji.

"Iihh, wag ka nga Meiji."

Nagtawanan pa ang dalawa sa kwentuhan nila habang naghihintay kina Primrose at JackGrey. Malayo naman sila sa mga prinsipe kaya di sila rinig ng mga ito.

Maya-maya pa ay naisip ni Meiji na i-check kung nabili ba nila ng tama ang lahat ng nakasulat sa looong list.

Ngunit di pa man nagsisimula napaawang ang bibig niya.

May isa pang item na hindi pa nila nabibili.

Ang paprika!

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now