25:Scene at the Midnight Market.

750 39 2
                                    


【★★★】

"Bakit kasi kailangan pa nating dito dumaan sa malubak at untouch short cut na sinabi mo, Meiji. Para tuloy akong napasakay ng di oras sa Bumpy Ride."


Tama nga si Everdeen sobrang mareklamo nga ang prince na may chocolate na balat. Kanina pa ito reklamo ng reklamo sa dinaraan naming short cut. Eh sa malubak naman talaga itong short cut na 'to eh. Anong magagawa ko?


"Na'bbu, ito na ang pinakamalapit na daan papuntang Ling Ping midnight market. Kung yung long road naman ang dadaanan natin, baka wala na tayong abutang midnight market." mahinahon kong paliwanag dito pero sa totoo lang gusto ko na 'tong sigawan kanina pa. Nagtitimpi lang ako dahil baka di ito makisama at iwanan na lang basta kami. Sa dami ng gagawin namin ngayong araw kailangan ng madaming kamay para magawa namin 'yun lahat.


Nakasakay kami ngayon dito sa caterpillar coaster na pagmamay-ari ng academy. Ten-seated coaster ito na may malaking space sa hulihan. Ito ang ginagamit na sasakyan sa tuwing mamimili ng mga supply para sa academy.

Meron naman talagang nakatokang tauhan ang academy para mamili. Pero ginawang parusa ito ni Miss Minchan sa amin. At ito ang pinakaunang nakalista sa tinawag naming Looong List.

Funny. Tss. Nagawa pa naming bigyan ng pangalan ang nakakairitang listahang ito.

"Tulad ng napag-usapan, pagdating natin doon maghihiwalay-hiwalay tayo ng pamimili para mabilis tayong matapos. Pagkatapos nating makumpleto lahat ng bibilhin natin, maghihintayan tayo sa pinag-usapang rendezvous point. Wala dapat maiiwan. Nasa bawat isa nakasalalay ang ikakabilis ng gagawin natin kaya dapat walang maiiwan," ako na rin ang nagsilbing lider ng grupo. Wala naman silang choice. Bukod kay Everdeen wala na sa kanila ang may alam ng mga dapat gawin sa pamamalengke.

Limang prinsipe at isang primadonna ang mga kasama namin ni Everdeen kaya tiyak na walang alam ang mga ito sa pamamalengke. Advantage is real. Swag.

Hinati namin ang grupo sa apat. Walo kaming lahat, di namin isinama sa bilang ang kappa, making two person in one group.

Hindi na rin ako tumutol kahit pa si Primrose ang naging kapartner ko.

At malamang tuwang-tuwa ngayon si Everdeen dahil si Prince Cainne ang nagkataong naging partner nito. Eh? Nagkataon nga lang ba? Secret.

Si Prince JackGrey at Kosuke naman ang naging magpartner making Prince Na'bbu and Prince Pierre ang magkasama.

Actually ako talaga ang naggrupo sa amin. Well, sa ikakabuti naman 'yon ni Everdeen este ng grupo.

Ibinase ko iyon sa kung anong kakayahan ng bawat isa.

Ipinartner ko si Everdeen kay Prince Cainne hindi lang dahil gusto ko lamang kundi dahil na rin sa alam na ni Everdeen ang pasikot-sikot sa Ling Ping. Daddy's boy ika ni Mr. Gaulkan si Prince Cainne kaya malamang walang maasahan dito sa pamamalengke.

May matinding scent ability naman si Kipper kaya si Kosuke at JackGrey na lang ipinagpartner ko.

Matalino si Pierre kaya malamang alam nito ang mga itsura ng mga bibilhin. Gawin na lang niyang tagabitbit si Na'bbu kung gusto ni Pierre pero malamang baka magreklamo lang iyon. Wala na ngang pakinabang mareklamo pa. Tsk.

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now