85: Royals of the Centaurs

118 11 1
                                    

Tulad ng mga umagang nagdadaan araw-araw sa buhay-estudyante ni Meiji, sadyang tamad na tamad siyang pumasok. Lalo ngayon na nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap sa mga nasaksihan kagabi. Isa pa hilam na hilam pa rin siya sa antok. Gusto na lang niyang itulog ang lahat.

Nakagawian na niya, simula ng dumating ang limang prinsipe na hindi dumadalo sa breakfast angelus kung kaya naman hindi nalaman ng dalaga ang mga naging ganap sa loob ng Great Mess Hall. Wala rin siyang ganang kumain ng agahan. Diretso na siya ng klasroom matapos maghanda papasok. Wala pang mga estudyante nang pumasok siya sa silid. Malaya tuloy siyang nakatulog ng ilan ding minuto bago pa dumating ang mga kaklase.

Nga lang, isang may kalakasang hampas sa ulo ang gumising kay Meiji. Inis na nagtaas ng tingin si Meiji para tignan ng masama si Everdeen na alam niyang ito lamang ang maglalakas ng loob na hampasin siya ng notebook sa ulo. Hindi naman siya nagkamali nang salubungin siya nito ng isang nakakalokong ngisi, ebidensya na ito nga ang salarin.

" Umayos ka na. Malapit ng magsimula ang klase," imbes naman sundin ni Meiji ang sabi ni Everdeen ay inirapan niya ito't bumalik sa pagkakasubsob sa desk. " Paki ko," ani pa ni Meiji.

Hindi na nakuha pa ni Everdeen na magreak sa inakto ng kaibigan dahil dumating na ang substitute professor nila para sa kanilang unang klase. Narinig na lamang ni Meiji ang pagkukumahog ng mga klaklase na makabalik sa mga desk nito. Maya-maya pa'y narinig niyang sabay-sabay ng mga itong binati ang dumating na guro.

Ancient Language And Literature ang kanilang unang klase para sa araw na ito. Ang subject na kung saan pinag-aaralan nila ang mga sinaunang lenggwahe at literatura nito para nang sa gayon magamit din nila ng epektibo at maayos ang mga sinaunang spell at incantation na walang direktang translation sa mga modernong lenggwahe.

Substitute prof lang ang magtuturo ngayong alam at hindi interasado pa si Meiji na malaman kung sino ang pumalit na prof kung kaya naman nanatili pa rin siyang nakasubsob sa sariling desk. Hindi rin inabala pa ni Meiji ang sariling tignan ang ayon sa narinig sa substitute prof ay bagong estudyante sa academy. Hindi naman din narinig ni Meiji ang pangalan ng bagong estudyante nang magpakilala ito dahil na rin sa sinapawan na ito ng naging tilian ng mga babaeng kaklase. Nais lang talaga ni Meiji na matulog buong klase kaya binalewala na lamang niya ang ingay ng klase.

Nakatulog naman si Meiji ng ilang minuto bago niya maramdaman ang medyo may kalakasang hampas ng kung anumang malambot na bagay sa kanyang ulo. Dala ng inis ay masama ang timplang nagtaas ng tingin si Meiji. Kailanman ay walang nangangahas na gisingin siya sa klaseng ito ng A.L.L dahil kahit lagi siyang tulog sa klase ay kaya pa rin niyang manguna sa klase, mapa-oral o test exam man. Ito ang unang beses na nangyari ito kaya naman inis na inis siyang tumayo.

Ang hindi niya alam, nasa tabi na pala niya si Madamemoiselle Bronquet, ang kanilang substitute teacher para sa klaseng ito.

" Good morning, Miss Pullen, "

Bago pa man maghumerantado si Meiji sa pagkakagising sa kanya ay una na siyang binati ni Mdm. Bronquet. Mababakas ang disgusto sa mukha nito habang pahampas-hampas nitong nilalaro ang feathered twigs sa kamay.

" M-madamoiselle B-bronquet," para naman binuhusan ng malamig na tubig si Meiji sa pagbating iyon ng Madame. Nahimasmasan tuloy siya't di natuloy ang dapat sanang pagkastigo niya sa humampas sa kanya na di maitatangging ang guro.

Naaligaga si Meiji. Hihingi na sana siya ng paumanhin sa guro subalit parang inadya na mapatingin siya sa unahan ng klase. Isang pamilyar na mukha ang nakita roon. Natigilan siya lalo pa nang ngitian siya nito.

Mabilis na nakuha ni Meiji na ito ang kanilang bagong kaklase. Sa puntong iyon ay nakaramdam si Meiji ng kaunting kaba at bumalik sa kanya ang mga naganap kagabi partikular na sa ina nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mischievous WitchWhere stories live. Discover now