56: The Missing Witch

540 40 13
                                    

“Hoy! Ikaw d'yan!”

Kaagad kong nilingon ang walang modong tumawag sa akin. Alam kong ako ang tinatawag nito dahil ako lang naman ang tao dito sa Girl's Hallway. Isa pa kilalang-kilala ko na ang matinis at nakakainis na boses ng door butler ni Meiji. Hinarap ko ito at tinaasan ng kilay ngunit hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lamang ito sa kung anumang sasabihin nito.

“ Uhmm....ano,” nagbaba ito ng tingin na tila nahihiya. Pero sa totoo lang tila alam ko na kung anong sasabihin nito. O ang itatanong nito. “Uhm...Miss Everdeen, may balita na ba kay Miss Meiji?”

Tulad ng inaasahan, ganoon pa rin ang tanong ni Dorothy. Sa mga nagdaang araw kasi ito't ito lang din ang itinatanong nito. Hindi ko naman ito masisisi dahil batid kong nag-aalala lang siya para kay Meiji.

Subalit kagaya ng paulit-ulit nitong tanong, kagaya lang din ng nakaraan ang sagot ko.

“ Hays,” buntong-hininga ko.“ Tulad pa rin ng dati. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahanap. At magpa-hanggang ngayon wala pa ring nakikitang bakas kung saan na talaga siya napadpad,” malungkot kong saad. Hindi na umimik si Dorothy ngunit dinig ko ang mahina nitong paghikbi.

Mga hikbing lalo lang nagpabigat sa nararamdaman ko. Muli akong napabuntong-hininga at bago pa man ako madala sa pag-iyak nito ay tumalikod na ako at naglakad na palayo.

Saktong ikasampung araw na lang nakakaraan nang matapos ang Annual Companion Hunting ngunit wala pa ring Meiji ang sumusulpot sa academy.

Mga unang araw palang nagpadala kaagad ng mga guardian gomes sa kagubatan ng Old Dragon's para hanapin si Meiji. Akala namin makikita nila kaagad si Meiji ngunit nang bumalik sila ilang araw pa lang ang nakakalipas, wala silang Meijing kasama.

Bigo silang mahanap ang espren ko. Ni isang katiting na bakas ni Meiji wala silang nahanap. Hindi rin nakatulong ang ilang impormasyong sinabi ni William.

Dumating ang kapatid ni Helena Sczharwavski sa academy kinabukasan pagkatapos ng companion hunting kasama ang isang ogre na nagngangalang Mogart—ang ogre na naging kaibigan nina Meiji at Maui na nininirahan sa loob ng kagubatan ng Old Dragon's.

Kasalukuyang nasa labas ako noon kasama si Miss Primrose, si Maui at ng limang prinsipe, sama-sama kaming naghihintay sa pagbabalik ni Meiji nang dumating sila. Kaagad namang nilapitan ito ni Helena na naghihintay rin pala.

Nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya ng makita sila dahil sa akala ko na kasama na nila si Meiji.

Sinubukan kong tanungin ang ogre kung nasaan na si Meiji ngunit nagkibit-balikat lang ito. Ani nito sinabihan lang daw siya ni Meiji na ihatid si William. At kung nasaan na ito, wala raw siyang alam. Matapos daw kasing ihatid nito si William sa kanilang lugar ay umalis na rin daw kaagad si Meiji ng di sinasabi kung saan tutungo.

Ngunit duda ako sa sinasabi nito.

Mukhang hindi ito magaling magsinungaling. Alam ko 'yon dahil sa hindi siya makatingin sa mga mata ko habang nagsasalita.

At nakumpirma ko 'yon nang makita kong lihim itong nakipag-usap kay Maui. Dala ng kuryosidad ay palihim akong nakinig sa kanilang usapan. Tulad ng hinala ako, ipinaalam ni Meiji sa ogre kung saan ito pupunta taliwas sa isinagot nito sa tanong ko. Narinig ko pang sinabi nito na susubukan daw hanapin ni Meiji ang dragong kinahuhumaligan nito. Napabuntong-hininga nang malaman ko iyon.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon