52: Into The Dragon's Lair: Part One

1K 51 25
                                    

ANIM na misteryosong kalalakihan ang mabilis na nagpaliban-liban sa mga naglalakihang sangay ng puno. Huminto lang sila matapos makita ang kanilang pakay na nakahimpil sa ilalim ng napakalaking puno ng Wisteria. Wala ng inaksayang oras ang pinakalider ng grupo at kaagad na sinenyasan ang mga kasama na kaagad din namang tumalima. Tahimik silang  nagpalipat-lipat sa mga punong nakapaligid sa Wisteria dahilan para mapalibutan nila ang namamahingang nilalang.


Ngunit lingid sa kaalaman ng grupo ay naramdaman na ng nilalang ang kanilang presensya.


Nagtaas ito ng ulo at sandali pa'y ibinuka nito ang napakalaking nitong mga pakpak at marahas itong pinagaspas dahilan para makagawa iyon ng napakalakas na bugso ng hangin na sinasadyang napunta sa gawi ng mga gumambala sa pamamahinga nito.

Nagulat ang grupo sa hindi inaasahang pag-atakeng iyon ng nilalang. Dala na marahil ng pagkabigla'y huli na bago pa nakaiwas ang iba. Tumilapon ang ilan at ang mga maswerte namang nakailag ay nakaliban kaagad sa mga katabing puno.

Ngunit hindi pa man nakakahuma ang mga minalas ay muling umatake ang nilalang. Mula sa pagkakabuka ng pakpak nito'y, bigla na lang itong kuminang na parang mga dyamante at sa isang iglap ay may lumabas mula roon na mga patalim na tila gawa sa krsytal. Isang pag-angil lang ng nilalang ay kaagad na napunta ang mga 'yon sa kinatataguan ng grupo.

Sa pagkakataong iyon ay naging alerto na siya kaya naman nagawa na nilang iwasan ang pangalawang pag-atake ng nilalang.

Pero kasunod naman noon ay ang pangatlong pag-atake ng nilalang. Lumipad ito sa ere at walang babalang nagpalabas ng tila isang orb of light mula sa kanyang bibig. Sa isang iglap ay mabilis ng tinutumbok ng orb of light ang kinatatayuan ng pinakalider ng grupo. Nakaiwas naman ito ngunit hindi nito  inaasahang may kasunod na epekto pa pala ang sumabog na orb of light na kanyang iniwasan.

Mula sa kinatatayuan , nasaksihan nito kung paanong ang orb of light ay nagsabog ng mga tila rays of light na kalaunan ay naging solid na glaze of ice. Dumiretso iyon sa lalaki at dahil sa kawalan ng mauurungan ay pinili na lang niyang salagin sa pamamagitan ng pakrus ng mga braso nitong nababalutan ng makapal na steel arm band. Dahil sa  pagkakasalag niya ay kusa siyang itinutulak paurong ng pwersa ng tumubong glaze of ice.

Sandali pa'y muling umatake ang nilalang. Isa pa uling orb of light ang pinakawalan nito. Sa pagkakataon namang iyon ay nakatayo ng muli ang mga minalas kanina sa unang pag-atake kaya naman naiwasan na nila ang sunod na ginawa ng nilalang.

Pero hindi pa doon natatapos ang pag-atake ng nilalang.

Muli nitong ipinagaspas ang mga pakpak nito't muli nakalikha iyon ng malakas na bugso ng hangin pero sa pagkakataong iyon ay nakabuo ito ng tila isang ipo-ipo na nagwasak sa lahat ng madaanan nito. At sinundan pa iyon ng pagpapakawala naman ng glaze of ice mula pa rin sa bibig ng nilalang.

Mabilis namang naiwasan ng lalaking nagngangalang Sicarius ang pinakawalang glaze of ice ng mahiwagang nilalang na kalaban ngayon ng kanyang grupo sa pamamagitan ng pagtalon-talon sa mga natirang laksa-laksang sangay ng puno. Maswerte ring nakaiwas ang lima pa nitong kasamahan. Tila ba naging mas alerto na silang lahat kahit pa palakas ng palakas ang ginagawang pag-atake ng nilalang.

Ang mahiwagang nilalang na iyon ay ang nilalang na iniutos na hanapin ng pinaglilingkuran nilang Master Hunter. Mahiwaga dahil sa isa itong dragon.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon